Super excited akong i-announce sa buong mundo na kami na ulit ni Paul.
Dali dali ako bumaba tapos bumati sa kanila.
Iba nga daw aura ko eh.
Saka ko na sasabihin sa kanila.
Kapag okay na ang lahat.
Pumunta ako sa bahay nila Kaye.
At sakto na sya ang nagbukas.
Niyakap ko sya ng mahigpit.
"Bes! Kami na ulit!"
Binigyan nya lang ako ng tipid na ngiti.
K: "Ah! Gaggy, ginising mo ako ng dahil lang dyan? Tulog muna ko."
"Di ka ga masaya para sakin?"
K: "Ah, Di naman sa ganun, kaya lang sobrang sarap ng tulog ko, tapos manggulo ka"
"Sira ulo ka talaga! Sya sya! Matulog ka na nga!"
Tuwang tuwa ako ng araw na yon.
Can't wait to see him again.
Tinext ko si Anne at Len na kami na ulit.
Ewan ko kung bakit walang reply agad.
Dati-rati naman agad sila nagrereply.
Imposible naman na walang load, eh yaman yaman ng mga yun.
Baka tulog pa or busy lang kasi maaga pa :)
Biglang nagtext si Paul.
P: "Good Morning Fate ko! Kita tayo mamaya sa may park ha! May surprise ako para sayo! Ingat ka. Lovessss you!"
LOL ! Kinilig ako :P
"Sige Destiny, see you! Loveeesss you more!"
Naalala ko tuloy yung unang araw na nagkita kami ng antipatikong to.
Tapos nung naghiwalay kami.
Tapos kung sino nagpasaya sakin nun.
Awww.
Iba yun ah?
Yung nagpasaya sakin nung nawala sya.
Bakit parang nakokonsensya talaga ako.
Pinaasa ko ga sya?
Di naman eh.
Malalaman din nya ang totoo.
One of these days.
Wag muna ngayon.
Hahanap muna ako ng tiempo.
*******************************
*Kaye*
Halos hindi ako makatulog kagabi.
Dahil sa kakaisip sa mga nangyayare.
Totoo na pala ito.
Kasalanan ko naman talaga.
Ako naman una umagaw.
At ako naman ang may plano ng lahat.
Siguro ito na ang karma ko.
Pero ang masakit kasi dun,
Di ko na pala kayang wala si Paul.
Akala ko nung una, ganon lang sya daling bitiwan.
Dahil alam ko naman na makaka-recover din ako eh.
BINABASA MO ANG
Book 1: Second Chance (Tagalog)
Novela JuvenilThis novel is UNDER EDITING / REVISION! "Hindi palaging libre ang SECOND CHANCE kaya kapag pinagbigyan ka, umayos ka! Wag kang TANGA!" Ang pagbibigay ng Second Chance ay para sa mga taong deserving lang. Pero paano kung katulad ka ni Jam, na hindi...