Hinatid na nya ako pauwe.
9pm na nang makarating kami sa bahay.
Aliw na aliw pa rin ako!! =))
Nagdala kami ng pasalubong para kay Lola, Kaye at Shiela.
Hindi na pumasok sa loob si Paul.
P: "Hindi na ako papasok sa loob."
"Bakit?"
P: "Wala nahihiya lang ako."
"Nahihiya? E ang dalas mo ngang pumunta dito ng walang pasabi, ngayon ka pa mahihiya?!"
P: "Ah e.."
"Nahihiya ka kay Shiela?!"
P: "Hmm.."
"Bakit anong meron? Ano meron senyo ni Shiela? Ex mo?!"
P: "Hindi"
"Eh ano? Ano meron?"
Umiiwas lang sya..
Kaya nairita ako!
"Siguro may nakaraan kayo no? O kaya..."
P: "Ano ga yang pinagsasabi mo?" parang naiinis na rin sya.
May mas nakakainis ga sa pag-iwas sa isang tanong na ang dali namang sagutin kung wala naman talagang meron sa kanila?!
"E bakit ganyan ka mag-react? Impossibleng wala e!"
P: "Wag mo na sirain ung araw natin okay?"
"Ikaw lang naman sumisira e, sabi ka ng sabi na wala, pero hindi naman yun ang napapansin ko sa mga kinikilos mo."
P: "Wala naman talagang meron samin"
"Eh bakit ganyan ka at sya kumilos?! Nahihiwagaan na ako e."
P: "Wala nga! Uuwi na nga ako!"
Tinalikuran nya ako at umalis na agad.
Aba't hindi man lang nagpaalam ng maayos!?
Tong mokong na to!!
Pumasok na ako sa loob at nakita ko si Shiela, nanonood ng TV.
S: "Oh andito ka na pala, kamusta?" ngiti pa sya.
Umupo lang ako sa hagdan at naghalumbaba.
S: "Oh.. Bakit ganyan mukha mo? Di ka ga nag enjoy?"
"Enjoy, kaso kanina lang nag-away agad.."
S: "Bakit?"
"Wag na."
S: "Bakit nga?"
"Ayoko, baka ma-offend ka pa."
Okay. Nadulas pa ko >.< Shunga mo talaga Jam!
S: "Ako? Bakit ako?"
Napa-sigh ako.
Hindi naman makitid ang utak nitong si Shiela.
Kaya sige na nga sasabihin ko na >.<
Nadulas na rin naman ako e!
"Sige na nga..... tinatanong ko kasi kung bakit kayo ganun sa isa't isa? Parang simula kanina... Iba na e.. Ewan di ko alam.. Nahiya sya pumasok dito, dahil sayo, tapos kanina may napapansin ako sayo.. Ewan! Kaya nainis ako! Ano ga kasi meron Shiela?"
S: "Gusto mo talaga malaman?"
"OMG.. Don't tell me... EX mo?!"
S: "Hindi..."
BINABASA MO ANG
Book 1: Second Chance (Tagalog)
JugendliteraturThis novel is UNDER EDITING / REVISION! "Hindi palaging libre ang SECOND CHANCE kaya kapag pinagbigyan ka, umayos ka! Wag kang TANGA!" Ang pagbibigay ng Second Chance ay para sa mga taong deserving lang. Pero paano kung katulad ka ni Jam, na hindi...