I glanced at my wrist watch. Napangiwi ako ng makitang 15 mins na akong late sa una kong klase.
Strike 3 na ako sa week na ito! Ang saklap!
"Pakshet naman oh!"
Mas binilisan ko pa ang paglalakad. Strikto pa naman ang guro na iyon.
"Ba't ba kasi siya pa ang teacher! Hay!"
Nang malapit na ako sa bukana ng classroom ay naisipan kong pasimpleng pumasok sa loob ng hindi nila nalalaman. Tutal ay naaninag ko naman sa nakabukas na bintana na nakatalikod si Ms. Amore habang nagsusulat sa whiteboard. Nasa bandang likuran ang armchair ko kaya cheken lang ito sa akin!
Opo. Ako nga ang extreme epitome of "better-late-than-never" kind of individual. Kaya kahit hiyang-hiya na ako sa sirang plankang eksena every morning ay pumapasok pa rin ako. Binabawi ko nalang sa exams at extra curricular activities, lalo na't gagraduate na ako sa senior high.
Hindi pa ako tuluyang nakakapasok ng may sumigaw na ng buong pangalan ko.
"KATELIENE ANNIKA VILLARAMA!"
Nakita kong nakatalikod pa rin si Ms. Amore at nang unti-unti siyang humarap ay nanlalaki ang kanyang mga mata. Nagulat ako, akala ko di niya ako mahuhuli!
"Good Morning ho Maam. Hehe."
Ngumisi ako ng pilit at kinamot ko ang ulo ko. Patay na naman ako nito!
"Sa palagiang pagka-late mo ay kilalang-kilala ko na ang tunog ng takong mo Villarama! Inuubos mo na ata ang pasensya ko!"
Nagsitawanan ang mga berdugo at impaktang classmates ko, kaya't sinaway din sila ni Ms. Amore.
"Kahit anong talino mo ay hindi katanggap-tanggap ang tardiness, alam mo ba yan Villarama? You're a lady now! Act like one." Umangat pa ang kilay nito at nanlalaki ang mga mata. Nagbulungan ang mga classmates ko.
" I don't need pretty and smart pero mga pabayang students sa section na ito. I want my students to have the right attitude, Ba't ba wala ka nun?! You're the president of this class for Pete's sake! Siya, umupo ka na!" patuloy nito.
"Yes po! Pasensya na po Ms. Amore!"
I immediately rolled my eyes when I turned my back. Takte! Amore?! Nakakasuya! Ni wala ngang ka amor-amor sa katawan ang gurang na yun!
At ewan ko nga ba sa mga classmates ko at ako pa ang napiling class president. ika 3-taon ko na ito bilang president ng room namin.
Lulugo-lugo akong tumungo sa aking upuan sa tabi ng bestfriend kong si Faith na ngayon ay as usual--- nangongopya na naman ng assignments para sa next class namin, which is Math. Alam niyang late na naman ako kaya't sa iba nalang siya nangopya.
"Hoy Faith! Nag-anime marathon ka na naman ba kagabi? Ang sipag mo talaga!" Inirapan ko siya. Ni hindi man lang ito lumingon sa akin.
I continued. "Aba, bingi lang te? sabagay, balita ko nagmahal na ang cotton buds ngayon. Naiintindihan kita, krisis eh" humagikgik ako ng mahina.
Tumingin muna siya sa nakatalikod na guro at mahinang nagsalita.
"Hiyang-hiya naman ako sayo unggoy, ikaw nga itong late ulit! Ikaw na talaga ang Reyna! naku, paano kayo magkakatuluyan niyan ni prince-charming mo kung di maalis-alis iyang korona mo? baka kung sakaling ikasal kayo ang mapanis pa ang laway nun sa kakahintay sayo. Haha"
"Tsssss. That dork?! Over my dead sexy body and never in my wildest dreams no. Tumahimik ka na Faith. Peste!"
No freaking way! Hinding-hindi talaga mangyayari yun! Inis na inis lang talaga ako sa lalaking tinutukoy niya.
She knows I really hate that guy! I hate that guy to infinity and beyond! Sobra!
"Ulol! Deny to death ka pa! If I know may altar na siya sa kwarto mo. Naks! The more you hate, the more you love Katie. Alam mo yan."
Humagikgik ang bruhilda kong besfriend. Wait? Bestfriend ko nga ba talaga ito?!.
Nang lumingon si Faith sa may bandang pintuan ang ngumuso siya doon.
"Oh, Katie, ayan na pala ang prince charming mo. Late din tulad mo." At kumindat pa ang bruha "Gosh! So Hot niya talaga te! Oh my!"
At napatingin na din ako sa matangkad na bulto sa entrada ng classroom....
Aria_Glimmer2016
![](https://img.wattpad.com/cover/77458703-288-k237046.jpg)
BINABASA MO ANG
Fated to Hate You
ChickLit"I'm not a walking disaster, you beast!" I said. "I'm the only recipient of your clumsiness Kate, accept it. Kusa kang mababangga, madudulas at.....'Mahuhulog', trust me. But I'll be there to play as a knight in shining armor, coz you're such a clum...