Chapter 7: Cold-sweet treat

175 10 17
                                    

"Di pa ba kayo gutom? Gutom na kasi ako eh!"

Katabi ko si Faith dito sa may bench sa favorite naming tambayan. Si Claire naman ang sa tapat ko habang si Dolly na kanina pa walang imik at nakayuko ang nasa tapat naman ni Faith. Pinapagitnaan kami ng maliit na cemented table.

"Eh palagi ka namang gutom Katie. Alas-onse palang naman ah." Si Claire.

"In a while please... sinasaulo ko pa ang speech ko mamaya para sa grand rally eh. Kinakabahan nga ako." Dolly exclaimed habang hawak-hawak nito ang mga index cards.

"Ay, oo nga pala no, kaya pala busy pati yung faculty ngayon." Sabi ni Faith

"Sige hintayin nalang natin mag alas-dose" I faced Dolly. "Good luck girl ha? Kaya mu yan! We'll cheer for you." I smiled at her sweetly. She smiled back at ibinalik ulit ang mga mata sa binabasa. Mukhang hindi ata ito madistorbo ngayon.

Gaganapin mamaya ang Grand Rally para sa Supreme Student Council at bukas naman ang election day. Dolly was one of the aspirants for the position of Vice-President while si Nash naman ay for President yung position na tinatakbuhan.

Hay Dreamboy talaga! Bukod kasi sa looks ay bawing-bawi pa siya sa utak at character.

"Speaking of grand rally girls, magpeperform din mamaya yung G'Crays for intermission number." Sambit ni Claire. "Shhh, secret lang ha?"

"Really? Ang cool naman! Simula nang umalis si Gino ay wala na silang naipalit na vocalist ah. Meron na ba ngayon?" I exclaimed.

Sumingit naman si Faith. "Siguro nagdecide na si Christian na kumanta, tutal siya naman yung back-up ni Gino dati di ba? No choice na rin sila eh, sayang naman kong madi-disband sila. Wala rin namang bagong member, and he had a nice voice rin kaya." patungkol nito sa lead guitarist ng banda.

"Yeah, I agree with you. Mahirap kayang humanap ng magaling kumanta, may stage presence at kasing-gwapo din nila. Afterall that's their trademark; rich handsome boys with cool music and pure talent." I added.

Umiling si Claire. "I doubt girls. kilala niyo naman si Christian diba, ayaw na ayaw noon maging frontman. He's a man of few words, sobrang tahimik at suplado pa. Guitar lang ata niya yung kilala niya eh. Naiimagine niyo ba siyang magwild sa stage katulad ng ginagawa dati ni Gino?"

Napatawa kami sa huling tinuran ni Claire. Tama, may point nga ito.

Tumingin ako kay Dolly pero tahimik lang itong nakayuko at nasa cue cards pa rin ang attention. Actually she's the quietest among us, may pagka nerdy din ito.

"So who's the new vocalist ba?" sagot ni Faith.

"I don't know, new member siguro from lower grades. Dati na din sigurong students dito pero ngayon lang naglakas-loob. To think marami rin ang may itsura at may kaya sa school na ito ba." Claire replied.

"He must be something then...."

A playful smile curved on Faith's lips when she glanced at me. mukhang may idea na ata ito kung sino ang new vocalist.

"Sino ba sa tingin niyo? humble siguro siya no. Kung ako kasi ang makapasok sa banda nila ay siguradong ipagmamayabang ko na iyon. It's a privilege din kaya! Ang daming gustong makapasok na students sa band na iyon." Sabi ko.

I'm a fan of G'Crays kasi. Yung name pala ng band nila ay galing sa first letter sa mga names ng mga members.

G-ino. C-hristian. R-yan. A-ndre and Y-uan. S stands for Sessions.

But umalis si Gino last year dahil nagmigrate ang family nito sa Canada.

I love the laid-back but deep and soulful atmosphere everytime they perform. Partida na puro pa gwapo ang mga ito! Medyo out of league nga lang yung status nila, unreachable kumbaga. Medyo mahahangin din kasi dahil may mga kaya sa buhay.

Fated to Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon