"Haist. Di ko na talaga kaya! Busog na busog na ako."
Faith heaved a sigh. Mukhang busog na talaga ito.Madami-dami pa yung naiwang foods sa mesa. Sayang naman, lamang tiyan din to no.
"O, sige ako nalang uubos ng lahat ng ito." I smiled.
Aayaw pa ba ako? Pagkain to. Pagkain!!!
Napangiwi si Faith ng dumighay ako at naubos lahat ng inorder namin...este lahat ng inorder niya pala...
Ako nga ang nagyaya sa kanya ngayong araw pero siya parin yung nanlibre. Sabi ko nga kahit KKB nalang pero nagpumilit itong bruha...
Nandito kami ngayon sa isang seafood restaurant sa Atria Park.
Isa lang ito sa mga newly established district sa lalawigan namin kung san merong restaurants, boutiques, coffee shops, hotels and condominiums. One sign na umaasenso na nga din itong probinsya ng Iloilo.
Actually, hindi naman ako dito lumaki. Sa Manila kasi ako ipinanganak, sa Muntinlupa. Dating medtech ang mama ko sa isang Public Medical Research Institue-Hospital doon.
Grade 7 na ako ng nanirahan ako dito sa lola ko sa Iloilo.
Hindi kami mayaman. May nagso-sponsor lang sa akin na makapag-aral sa isang pribado at mamahaling paaralan kun saan ako pumapasok ngayon. Kaso ayaw daw magpakilala kung sino. May dumadating lang na monthly allowances sa bank account ni lola para sa panggastos ko. Hindi ko na rin inalam pa kung sino yung sponsor... under daw ito sa charity.
Itong bestfriend ko naman ay hindi rin laki sa yaman, nagkataon lang daw na sinwerte sila mula sa dating maliit na negosyo na unti-unting yumabong, kaya sila umasenso.
"Pahinga ka muna ng kaunti tapos larga na tayo Katie ha?" She smiled.
"Sure Faith. Nabusog talaga ako eh. Wait lang, mga 5 minutes." At hinimashimas ko ang tiyan ko, parang puputok na kasi ito.
Nagretouch muna ng lipstick at eyebrow pencil si Faith, nagspray ng cologne at tumipa-tipa sa kanyang phone. Maya-maya ay lumipas ang sampung minuto ay tumayo na siya at isinukbit ang kanyang shoulder bag at nagyayang umalis.
"Bru, daan tayo ng sharetea ha... parang gusto kong magmilk-tea eh, ikaw ba?" Sabi ni Faith habang lulan kami ng kanyang sasakyan pabalik sa mall.
"Ayaw ko. Ang mabuti pa... mauna nalang ako sa cinema at pipila pa ako para sa tickets natin. Maghanap ka muna ng parking space para sa Yaris mo then bumili ka na ng milktea sa sharetea, medyo madami pa naman pumipila don at saka dumiretso ka na agad sa taas, hihintayin kita sa tabi ng escalator. Gets?!"
"Yes mom!"
"Good girl" I pinched her cheeks.
"MAAYUNG HAPON! Miss, may I have one Popcorn, yung cheese flavor at yung pangdalawahan please. Tapos, isang large Royal na rin." Nginitian ko yung babae dito sa snack booth.
"Ok maam, paki-wait lang po."
Katatapos ko lang bumili ng tickets. Medyo mahaba din yung pila, at wala pa rin si Faith. Sabi na nga ba, mahaba rin siguro yung pila sa milktea house na pinagbilhan niya.
Tinapik-tapik ko ang mga daliri ko sa counter.
Medyo naaawa ako sa girl mukhang pagod na din siya. Mag-isa lang kasi siyang server/cashier at medyo mahinhin pa kaya medyo mabagal. Madami-dami pa naman yung nakapila dito sa likod ko at rinig ko na ang mga dabog ng iba.
Naagaw ang pansin ko ng dalawang babaeng nasa gilid ko. Rinig na rinig ko kasi yung impit nilang tili habang nakatingin sa bandang likuran.
"Ang gwapo!" Bulong nung may blonde na buhok na naka-tube dress.
![](https://img.wattpad.com/cover/77458703-288-k237046.jpg)
BINABASA MO ANG
Fated to Hate You
Чиклит"I'm not a walking disaster, you beast!" I said. "I'm the only recipient of your clumsiness Kate, accept it. Kusa kang mababangga, madudulas at.....'Mahuhulog', trust me. But I'll be there to play as a knight in shining armor, coz you're such a clum...