Chapter 8: Just the Girl

155 9 10
                                        

"I am asking for your help. Let us begin the journey of making this school the very best it can be. Please do vote for me, Dolly Anne Samaniego; as your student council vice-president." Dolly smiled genuinely. "Go Domicans! Together, we can achieve great things!" she pause for a while. "Thank you for listening!"

The students applauded when Dolly concluded her campaign speech.

"Si Nash na after niyan di ba? Nasaan na siya?" lumingon ako kay Faith.

"Ayun, kasama ang girlfriend niya." balik ni Faith.

Ininguso nito ang magkahawak-kamay na si Nash at ang nobya nitong si Desiree na nakaupo sa bandang gilid ng quadrangle. I just heaved a deep sigh. Hanggang tingin nalang talaga ako.

Ilang saglit pa ay nagsalita ulit ang Emcee.

Emcee: At this juncture; to break the monotony of this program, we will witness an intermission number by five of the most handsome and talented young men of St. Dominic Academy...

"OMG! Di kaya magpeperform na ulit ang G'Crays?" natutuwang banggit ng isang Grade eleven student sa aking harapan.

"Excited na ako bes!" rinig kong tili naman ng isa.

Emcee: Everyone misses this band so much, excited na ba kayo girls?...
So, without any further ado, let's put our hands together for...D'CRAYS!

D'Crays? Ibig sabihin ay sa letter D nagsisimula ang first name ng bagong vocalist?!

Nagsinghapan at naghiyawan ang mga estudyante habang isa-isang nag-aakyatan ang mga miyembro ng banda.

Nauna si Yuan na pumwesto sa drums, na sinundan naman ni Ryan at Andre bitbit ang kanya-kanyang guitar. Kasunod nila ay ang mukhang tinatamad na magpeform na si Christian at ang panghuli sumampa sa stage ay si...

Teka lang!

Siningkitan ko ang mga mata ko nang mapansin ko ang matangkad na bultong iyon sa stage.

Kinusot ko pa nga sa pag-aaklang namamalik-mata lang ako. Nang mapagtanto ko kung sino ay nalaglag ang panga ko!

"Ahhh! Dylan! Dylan! Dylan!"

Hiyawan ng mga babaeng estudyante nakapalibot sa quadrangle, halos magwala ang mga ito. Pati sina Claire na nasa gilid ko at iba kong mga kaklase ay nagtitilian na din.

Sumungaw ang malapad na ngiti sa mga labi ni Dylan.

"Sinasabi ko na nga ba! Siya ngang talaga!" lumingon si Faith sa akin na tumatawa. "Sorry bru ha, alam kong inis ka sa kanya pero, nakakakilig din talaga! Isipin mo, gwapo siya, mayaman tapos may talent pa! Saan ka pa?" dugtong pa nito.

"May nakalimutan ka---Mayabang. Tsss. O.A mo Faith ha? Sigurado ako, pagkumanta na yan, boses palaka yan!"

Inirapan lang niya ako. Itinirik ko nalang ang mga mata ko at pinagmasdan ang mga kaganapan sa stage.

"Good Afternoon, Everyone! Thank you for giving us a chance to perform today." Panimula ni Dylan. "We're very much happy to share our music with you guys, hope you enjoy!"

After a while, the band strikes a familiar prelude.

🎶She's cold and she's cruel,
but she knows what she's doin'. 🎶

Unang line palang ng kanta ay nagtayuan na ang balahibo ko sa braso. Jeez! Ni hindi ako makapaniwala, ganito pala ka swabe ang boses ng ungas na ito? Juskolord. Makalaglag-panga!

Calm yourself, Katie... wag kang titili! Parang-awa!

Bulong ko sa sarili ko, bigla kasing bumilis ang pulso ko at nakakahawa ang mga tilian ng mga nakapaligid sa akin.

Fated to Hate YouMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon