Chapter 9: Fragile

134 8 9
                                    

"Ang init! Grabe!"

Itinipon ko ang aking buhok sa aking kanang balikat habang nagma-mop ng sahig dahil mainit pa rin sa pakiramdam kahit na umuulan.

Unang araw ko ito sa tatlong-araw na suspension na ipinataw ng discipline committee upang maglilinis dito sa eskwelahan bilang kaparusahan sa "offense" namin ni Dylan.

Padabog kong itinabi ang mop at ang timba nito sa gilid, naiinis ako dahil first time mangyari ito sa akin. Hindi sa nagrereklamo ako sa paglilinis, walang kaso sa akin iyon... ang inaalala ko ay ang missed classes ko at pati na ang grades ko.

Tuluyan ko nang ipinusod ang aking mahabang buhok dahil nang lalagkit ang pakiramdam ko, sabagal pa sa ginagawa ko.

"Uy Ms. President, suma-sideline ka 'ata ngayon ah?" Tukso ng napadaang si Jayson, ang alaskador na classmate ko. Humagalpak naman ang mga ibang kaklase namin na nakasunod sa kanya.

"Eh, sa trip ko...may angal ka?!" sagot ko. Wag nila akong maloko-loko dahil badtrip talaga ako.

"Taray mga pre!" at umiling-iling nalang sila at nagpatuloy sa paglalakad.

Ipinagpatuloy ko ang pagwawalis at pagma-mop hanggang sa umabot ako sa open corridor ng science laboratory room, sa ground floor ito at nakaharap sa school gym.

Maya-maya ay tumunog ang aming alma mater hymn na nagsisilbi ding school bell. Ito'y naging hudyat upang isa-isang magsilabasan na ang mga estudyante sa loob ng silid na iyon para lumipat sa susunod na klase.

Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko ang pag-apak ng mga estudyante sa kakalinis ko lang na sahig, napabuntong-hininga ako dahil sa mga duming nasilayan ko roon.

"Please naman, kakalinis ko lang diyan!" Sabi ko sa kanila, tinaasan lang ako ng kilay ng ibang babae at sinadyang apakan pa talaga ang sahig.

I should have known. Almost half of the girls' population sa school ay inis sa akin ngayon. At dahil iyon kay Dylan.

Inulit ko nalang ang pagmop nang mapagtantong nakaalis na silang lahat sa lab room, ngayon ay nangingintab nang muli ang puting tiles ng sahig.

Inayos ko ang cleaning materials at ibinabad ang mop sa tubig sa loob ng timba, itatapon ko nalang iyon mamaya.

Paalis na sana ako upang lumipat ng lugar ngunit napansin kong lumuwang ang sintas ng aking sapatos kaya yumuko ako upang ayusin iyon.

"Look girls, ang linis naman ng sahig dito... dumihan natin, I'm bored eh!"

Nang iniangat ko ang ulo ko ay nasa harapan ko ang nakangising si Lizzie, kasama ang dalawang 'minions' nito na naka full bangs din tulad niya. Hindi ko alam kung ano ang mga pangalan nila.

Sa isang kisap-mata ay sobrang dumi na ng sahig na kanina'y nangingintab, punong-puno ito ng footprints mula sa mga sapatos ng 'Bangs Trio'.

Tumayo ako at nagmop ulit na parang walang nagyari.

Muli, ay dinumihan ulit nila ang sahig kaya't hindi ako makapagtimping singhalan sila. "Ano ba ang problema niyo? Inaano ko ba kayo?"

"Coz you're so kiri...so malandi. Nilandi mo pa talaga si Dylan, mang-aagaw!" sigaw ni Lizzie.

Wow. Malandi? Big word Lizzie.
Coming from you huh? Really?

"And you're so cheap! bagay ka maging janitress 'coz you look like basahan!" sabat ni minion 1.

"Yeah, and madungis pa! Ewwwww!" Dugtong ni minion 2.

Aba, natural. Kanina pa ako naliligo sa pawis dahil sa paglalampaso dito.

Fated to Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon