"Weird."
Usal ko nang mapansing maingay at maraming nakikiusyosong mga estudyante sa corridor. Pati mga girls sa ibang section, nakatingin din doon sa room namin.
Kakaakyat ko lang dito sa hagdanan ng ikatlong palapag kung saan naroroon ang room namin. Sa pinakadulong bahagi iyon ng gusali.
Biglang sumigaw si Faith at lumapit sa akin.
"Katie! Hai... Kanina pa kita inaabangan." Malaki ang ngiti nito.
"May ano ba at parang ang gulo naman ata dito." Bulong ko..
"Eeeeee! Meron tayong bagong classmate. Transferee. At wag ka te, Shomet! Hindi lang makalaglag puso, makalaglag panty pa!" Humagikhik si Faith na para ba itong uod na binudburan ng asin at gusto pa atang gumulong-gulong.
So, Boy pala yung transferee.
Kaya naman pala."Ha? Ganoon ba? eh Last week pa nagstart yung class ah."
"Kaya nga, late enrollee siya bru."
"Sana hindi naman pasaway yan. Baka madagdagan na naman ang sakit sa ulo ko nito. 3 years na to ha, quotang-quota na talaga ako. Bakit kasi ninominate mo pa ako noong Friday, yan tuloy!" Sagot ko.
"Sus. Eh sa ikaw rin ang gusto nilang president eh. At saka mabuti ngang may bagong gwapo sa room natin nang madivert naman yang attention mo sa iba at hindi puro si Nash nalang, may girlfriend na yung tao at hindi ka rin naman niya mapansin-pansin."
Ang sakit! Walanjo! wala man lang pampalubog ng loob ano?
Minsan, mahirap din pala kung masyadong prangka ang mga kaibigan mo!Lumingon si Faith sa room namin. "Lika na! Punta na tayo sa room. Wala daw si Ms. Amore so vacant time natin ngayon." Hinila niya na ako papunta sa room.
Napansin kong puro girls yung nakapaligid doon sa bago naming classmate. Hindi ko maaninag ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa akin.
"O Katie, dito ka na pala. Sabi na nga ba at ikaw talaga ang huling darating." Sabi ni Zia habang ngiting-ngiti.
"Magpakilala ka naman sa bago nating classmate na si Dylan, girl." Sabi naman ni Claire.
Lumapit na ako sa kumpulan. Nagbigay daan naman ang mga kaklase ko upang mas makalapit ako sa transferee.
Nakatalikod pa rin ito kaya minabuti ko nang magsalita para maagaw ang pansin nito.
Tumikhim muna ako. "Hmm. Hi. Good Morning! I'm Katie. Ako nga pala yung class president dito. Welc-"
Nabitin sa ere yung dapat sanang sasabihin ko dahil unti-unting humarap yung transferee.
Kilala ko to!
"Ikaw!!!" I uttered in disbelief. Hindi ko napigilan at naturo ko pa sa kanya ang forefinger ko.
"Hi there, Kate! It's good to see you again." He said sarcastically. Nasa bulsa pa ang magkabilang mga kamay nito.
Oh dear, I will never forget that face!
"Is this some kind of joke or something? Binabangungot yata ako!" I laughed ironically. Nanginginig ang buong sistema ko.
"A beautiful nightmare perhaps...." He said in a husky voice as he tapped my cheeks softly. "Baby..." he whispered it while staring down to my eyes and consciously biting his moist lower lip.
He's teasing me! Darn!
at tinawag pa talaga niya akong Baby?! Ang kapal!
Baby-tukan kita diyan... leche ka!
BINABASA MO ANG
Fated to Hate You
Chick-Lit"I'm not a walking disaster, you beast!" I said. "I'm the only recipient of your clumsiness Kate, accept it. Kusa kang mababangga, madudulas at.....'Mahuhulog', trust me. But I'll be there to play as a knight in shining armor, coz you're such a clum...