Chapter 11: The Humble Gamble

167 9 1
                                    

"Not my cup of tea. Hindi ko hilig ang pageants." I spoke hastily.

"But bru, we don't have anyone to represent our section. Isn't it unfair na president ka ng room na ito ngunit wala kang sinasalihan na activity?" Singit ni Faith. Mukhang desidido talaga itong ipahamak ako.

The realization then hit me. I felt a twinge in my temple as I gazed upon my classmates' disappointed looks.

"But I don't have what it takes to join such thing. I'm not stunning! Pandak ako at wala akon panama sa beauty ng ibang contestants, ayokong hilahin sa putikan ang pangalan ng section na ito"

Nakita kong sumilay ang mga mapanuyang ngiti ng mga bruhilda kong classmates. Simula nang masangkot kami ni Dylan sa eskandalo sa library ay naging kontra-bida na ang mga ito.

"Who told you that? Have you ever stood in front of a mirror?" komento naman ni Zia. "Besides, parehas lang tayo ng height girl, naka-1st runner up naman ako last year ah. Mind you friend, hindi lang naman height at ganda ang basehan. We're aware of your wit, talents and other things you're capable of. We believe in you." She said it delightfully as he gave me thumbs up.

Tumango-tango ang ibang mga kaklase ko.

Mainam sa pandinig ang mga salita ni Zia. Kahit papaano ay may mga taong naniniwala sa mga kakayahan ko, na ako mismo ay hindi ko man lang magawa sa sarili ko. Yet, I'm so hesitant to take part. I don't think I have the adequate amount of confidence to step on that stage and flaunt myself; I can do other things but not that one...

I shook my head. "I'm sorry guys. Hindi ko talaga kaya."

"I think I'm better than Katie! I nominate myself" sigaw ni Trisha. Yung over-kikay at epal na classmate namin.

Ewan ko ba't napabilang ito sa section namin, eh hindi naman ito katalinuhan. In fact may pagka eng-eng talaga ito. Ang nagagawa nga naman ng pera! malaki kasing magdonate ang mga parents nito.

Tumawa ng pagak si Claire. "Really, Trish? No offense meant, pero ano sa tingin mo ang maisasagot mo sa Q&A aber?" Kahit kailan ay matalim talaga ang tabas ng dila ng isang ito.

Nalaglag ang panga ni Trisha at padabog na umupong muli at nangalumbaba.

"Nice one, Claire!" naghi-five sila ng ka seatmate niyang si Jayson. Naghalakhakan ang mga kaklase ko.

"Katie,Please! Ikaw nalang." pagsusumamo ni Dolly.

"Sige na bru! Pagbigyan mo na kami! Please!" si Faith.

Nagsitanguan ang ibang mga classmates ko, Yung mga iba namang girls na kampon ng 'Dylim' na halos mga lintang nakapaligid kay Dylan ay pawang nakaismid. Sa dahilanan na... siguro ay tulad ko, ayaw din nilang lumahok ako.

Itsura ng mga nito! Aba, bakit di sila ang magpresenta sa sarili nila?

"Katie, Ikaw na ang magrepresent sa atin. I guess, you're somehow qualified."

Hindi lang ako ang nagulat nang magsalita si Nash. Nakatungo lang ito habang pinaglalaruan ang mga ballpen sa kanyang palad. Halos nabaling ang lahat ng atensyon sa kanya. Natahimik ang buong classroom.

Really?! OMG! Feeling ko ay biglang lumobo ang mga tenga ko, tumalon-talon at pumalakpak pa!

Pasimple kong inipit ang takas na buhok sa aking tenga habang ang isang kamay ko naman ay patago kong inilagay sa aking likuran upang ibatak ang dumausdos na garter ng aking panty.

I could feel the blood rushing up to my face! Holy golly!

Weg keng genyen Nash! Wag kang paasa! Wag kang pa-fall!

Fated to Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon