INIMULAT ko ang aking isang mata habang kumakalampag sa ingay ang alarm ng aking cellphone, na nakapatong sa ibabaw ng nightstand. Naka-vibrate mode iyon kung kaya't nanginginig ang buong mesang nakahilig sa kama ko.
Kalagitnaan na ng buwan ng Agosto ngayon at sobrang lamig sanhi ng panaka-nakang pag-ulan. Eksaktong ala-sais na nang umaga ngunit wala pa ring sumisikat na araw kahit tumila na ang pagpatak ng ulan.
Ini-adjust ko ang alarm ng aking cellphone sa at isinet iyon limang minuto mula ngayon. Namaluktot akong muli at iniyakap nang husto ang kumot sa aking katawan.
"Five minutes..." bulong ko. Muli kong ipinikit ang aking mga mata.
I really dislike waking up early in the morning. Kung bakit ba kasi nauso ang 7:30 am na start ng klase ano?
And to think na 'napakaayang' pagmumukha pa ni Ms. Amore habang nakataas ang isang kilay ang bubungad sa'yo tuwing umaga... ku parusa!
Natapos ang five minutes na extension at muling tumunog ang phone ko. Insinet kong muli ang alarm at nagdagdag ulit ng limang minuto.
Ganito talaga kasi ang routine ko every morning. Nasagot na ba ang tanong niyo kung bakit palagi akong late?
"Five minutes pa more...."
Hindi ko pa tuluyang naipikit ang aking mga mata nang narinig kong lumangitngit ang pintuan ng aking kwarto. Sumungaw ang bulto ni Ate Dayday mula roon, ang kasambahay namin.
"Kiti, Wik up na!" bungad nito.
Umungol ako. Ipinatong ko ang unan sa aking mukha at iniangat pang lalo ang kumot. Heto na naman tayo...
"Oy! Kiti ! Tanghali na.." iniyugyog pa nito ang katawan ko.
Umungol ako. "Sinong Kiti? Di ko kilala yun." Sagot ko.
Sobrang tigas kasi ng pagbigkas nito sa palayaw ko. Ilongga ngang talaga, bongga!
"Jusmio bata ka!" hinila nito ang kumot na nakatabil sa katawan ko at tinampal niya ang puwet ko. "bangon na!"
"Nakabangon na po ako."
"Niloloko mo ba ako, ba't nakahiga ka pa diyan aber?"
"Ito na ang usong version ng 'bangon te." Pumikit ako ng madiin at itinanday ko pang lalo ang unan ko.
"Ewan ko sayong bata ka! Siya nga pala, wala dito ang lola mo. Isinugod sa ospital kaninang madaling-araw."
"Ho?!" at tuluyan na akong napabalikwas.
"Juk lang! Epiktib ano?" Humalkhak pa ito. "Ayun ang lola mo, nasa 'tridmil' at inaagapay ni Minda." Patungkol nito sa personal nurse ni Lola na ini-hire ni tito para sa kanya.
"Takte naman manang oh! Hindi magandang biro iyan... Kinabahan ako doon." tinatamad akong tumayo at itinupi na ang aking kumot.
"Tink yu at bumangon ka na rin. Siya! maligo ka na at pumanaog upang mag-almusal."
"Oo na po, maliligo po. Tsss." Sagot ko habang tinatanggal ang bakas ng nagkalat na natuyong laway sa gilid ng aking bibig.
Bitbit ang kulay rosas kong tuwalya ay nagtungo na ako sa banyo sa loob ng aking kwarto.
I always fancy pink stuffs, kaya't halos lahat ng makikita roon ay ganoon ang kulay. Pero syempre, hindi nakaligtas ang paboritong sun-flower shower curtain ng lola ko. Sige pagbigyan!
Pagkatapos kong alisin ang mga damit ko ay naupo ako sa toilet bowl habang hinihintay na mapuno ng tubig ang balde. Hindi ako gumagamit ng shower kapag umaga dahil malamig...
![](https://img.wattpad.com/cover/77458703-288-k237046.jpg)
BINABASA MO ANG
Fated to Hate You
Romanzi rosa / ChickLit"I'm not a walking disaster, you beast!" I said. "I'm the only recipient of your clumsiness Kate, accept it. Kusa kang mababangga, madudulas at.....'Mahuhulog', trust me. But I'll be there to play as a knight in shining armor, coz you're such a clum...