Two Months Ago
(FLASHBACK)
"Oi Faith, Gumising ka na! Punta tayo ng National. Next week na kaya ang opening ng class wala pa tayong school supplies! Bibili pa ako ng sapatos, alam mo namang nakangaga na yun diba? rugby nalang ang bumubuhay dun. Dali na Faith!".
Abala ako sa pagsuksuklay ng mahaba at alon-alon kong buhok habang tumatawag sa magaling kong bestfriend. ika-anim na attempt ko na ang tawag na ito, mabuti at nasagot niya. Alas-nuwebe Y medya na sa wall clock at hindi pa rin ito bumabangon. Naku! Sarap tirisin sa singit!
"Arrghh" umungol ito. "Alam mo namang late akong bumangon every saturday di ba, Katie? Nanood pa ako ng Kimi no Todoke kagabi eh. Tssss, istorbo ka naman oh. Ikaw nalang kaya". Namamaos na sabi nito, halatang kagigising lang.
"Sige na pls... Ililibre kita ng lunch, sa Plazuela tayo kung gusto mo. Tapos nood tayo ng horror movie at biking tayo sa esplanade pagkatapos. Oh ano?"
Alam kong hindi siya tatanggi, once in a blue moon lang kaya ako manlibre kaya gora na yan! May pera kasi ako ngayon!
Nanalo kasi yung NBA team na pinustahan ko! Kapustahan ko yung cousin kong seaman. Bale yung pusta ko is pang milk-tea at sine lang sana, and since over-confident yung pinsan ko sa team niya, P10K daw ang pusta niya. akalain mo yun?! Sino ba naman ako para tumanggi hindi ba? Maliit lang naman ang talo ko kun sakali di ba? But luckily, nanalo ako kaya, let's celebrate! Yey!
"Ikaw manlilibre?! Sureness?! Nahihiya naman ako." Tila nabuhayan siya sa kabilang linya. "Ok I'll fetch you, dalhin ko nalang yung Yaris ko. Give me 30 minutes. K?"
"Gulat ka ano... haha. nahiya ka pa? Alam ko, Langya ka eh." Tumawa ulit ako. "Thank you bru! I love you."
Ngumisi ako. Bait talaga ni Bru----short for bruha. what a nice endearment, right?
"Sabog ka ba?! Love you too. Ge shower na me!"
I press the end button and glance at my reflection in the mirror...
I wore a black tank top and faded skinny jeans. Ipinares ko yung white na vans na bigay ng tita Regina ko na asawa ng tito Ronald ko.
Isinuot ko na rin yung may kahabaan na bronzed eiffel tower-necklace na bigay naman ng isang tita ko. Pagkatapos ay kinuha ko sa loob ng aparador yung cap na may check na puti sa gitna na binigay ng isa ko pang tita.
Yes, halos lahat ng gamit ko ay sponsored ng mga titas ko na mga 'pinsan' ng mama ko. Mga old maid sila kaya't tiba-tiba ako sa kanila.
Hindi rin kasi ako sanay na gumastos sa mga damit o bagay. Sapat na sa akin yung mga bigay at minsan yung galing sa ukay-ukay. Atleast doon wala akong kaprehas di ba?
Isa lang naman ang pinagkakagastusan ko ng husto. PAGKAIN.
Yes, Foods! Alipin ako ng pagkain eh. #PatayGutom. Mabuti at slim pa rin naman ako hanggang ngayon.
Ewan ko ba, basta sobrang saya ko lang pag may pagkaing masarap! Mababaw man pero ganun talaga eh! Sama mo na rin yung Pagtravel. I always like traveling kahit ilang lugar palang dito pa lang sa Pinas yung naaabot ko.
Higit sa lahat, mas mahal ko talaga ang MUSIC---it's my Life. ✌
Ganyan naman siguro. People always search for happiness. Sometimes, that happiness tends to be surreal, unusual; something which considered as phenomenal and impressive. It's just that I've chose the simpliest and realistic ways...
BINABASA MO ANG
Fated to Hate You
ChickLit"I'm not a walking disaster, you beast!" I said. "I'm the only recipient of your clumsiness Kate, accept it. Kusa kang mababangga, madudulas at.....'Mahuhulog', trust me. But I'll be there to play as a knight in shining armor, coz you're such a clum...
