Nakasukbit ang school uniform niya sa kaliwang balikat habang ang sa kanang balikat naman ay ang bag nitong may malaking check sa gilid.
Tiningnan ko ang white t-shirt niya na may maliit namang check sa kanan at pagkatapos ay sa rubbershoes niyang may check din sa gilid! Aba't fan ata ng Nike ang kurimaw na ito! Yabang ah!
Pero hindi naman ata pwedeng pumasok ng naka-rubber shoes ah? Ba't siya pupwede?
Sabagay! Mayaman ito. Siguro sinuhulan na naman nito ang nagbabantay sa gate. Diyan kasi magaling ang kurimaw na ito.... Talagang Magaling!
Agad niyang inayos ang nagulong buhok gamit ang kamay. Medyo pawisan ito at medyo hinihingal pa, marahil ay sa pagtakbo para makahabol sa klase.
Ngumiti siya sa guro namin at sa mga kaklase ko ng makapasok na siya sa loob. kitang-kita ang kanyang dimple sa kaliwang pisngi.
Nakita kong isa-isang suminghap at naglaglagan ang mga panga, (sige, dalhin na rin natin pati mga panties) ng mga classmates kong babae.
Napakagat-labi na din si Faith. Umirap ako at sumulyap sa harapan at nakitang ganoon din si Ms. Amore! Damn!
sinasabi ko na nga ba! Ano bang meron sa talakitok na ito?Well...
Ahem..
DYLAN ANGELO MONTEREAL is a Campus Prince, he's a heartthrob. Why not? He's tall, well built and undoubtedly handsome. A total drool-worthy. Plus, he also possessed this voice that could make girls madly swoon.
Yeah. kadiri mang sabihin, inaamin ko na. Gwapo talaga siya! at minsan apektado din ako ng magandang boses niya.
Si Dylan ang vocalist ng bandang D' Crays sa school namin. Nag migrate kasi yung dating vocalist at siya ang pumalit. May 4 pa siyang mga kasama na pawang mga anak mayaman at mga gwapo din naman.
Pagkumanta na si Dylan ay halos masapian ang mga babae sa campus namin, pati mga boys ay napapaindak din sa musika ng banda nito. O.A mang isipin, pero totoo!
"Tssss. Kainis, ang yabang talaga!" Bulong ko.
Ewan ko ba, kahit pagngiti niya lang, pakiramdam ko mahangin talaga. I hate his guts! Pano kaya nagkasya ang t-shirt sa ulo nito?!
Nang nagpaulan ang langit ng kagwapuhan, syempre dilat na dilat ito. At noong umulan naman ng kahambugan ay gapatak lang siguro......
Ang hindi nito nasalo.
Naku ang hangin!Ano kasi, I do prefer the boy-next-door type eh. Yung cute, smart at may happy countenace. Yung mala-student leader o kaya naman yung mala editor-in-chief.
Dylan is arrogant...pa cool syempre at typical na playboy. Well, he's handsome of course. Pero siya yung tipong sumasaway sa lahat rules...
Matalino naman ito pero sadyang tamad lang, mayaman kasi. Tagapagmana eh! Meron silang mall, hotels, spas, pawnshops, restaurants at gasoline stations dito sa lalawigan namin. Isa sila sa mga alta dito.
Magda-dalawang buwan pa lang siya dito sa school namin. He's a transferee. Sa pagkakaalam ko ay dati siyang nagseminarista--3 years ago daw, dahil na rin daw sa pagpupumilit ng family niya. Yun nga lang ay hindi nagtagal sa seminaryo, isang buwan lang daw.
Dami kong tawa ng nalaman ko! Nakakasuya talaga!
Pagkatapos noon ay, tumigil siya sa pag-aaral at nagliwaliw lang sa states ng dalawang taon. Yun ang sabi ni Nash--na younger brother ng bestfriend ni Dylan sa mga kaklase namin, na naikwento din nila sa amin ni Faith. So basically, matanda siya siguro ng 2-3 years sa amin. 21 na siguro siya at 18 naman ako.
By the way, magkapit-bahay kami nitong si Nash. Crush ko siya kaso mailap talaga eh... siya yung running for valedictorian namin.
"Ms. Amore, I'm sorry for being late, naflat kasi yung Audi ko. Eto nga pala maam... sa inyo nalang." sabi ni Dylan.
Inabot nito ang isang box ng Ferrero Rocher sa guro namin. Pasimpleng lumingon ang kurimaw sa mga kagrupo niya at nag about-face. Binobola nito ang matanda...
"Dylan ako din!" Singit ng classmate kong si Zia. Tinaguan lang ito ni Dylan at halos mangisay na ang bruha.
"Salamat Hijo! Pero sa susunod ay hindi ko na palalampasin 'to. Ayaw kong may nalilate sa klase ko. Upo na."
Kumikislap ang mata at medyo namula pa ang pisngi ni Ms. Amore, first time sigurong mabigyan ng ganoon.
Sipsip ang gunggong! Ba't ako pinagalitan, siya nginitian pa. Unfair!
Nakita kong ngumiti ulit si Dylan at kita nanaman ang dimple at mapuputing ngipin nito, aba't kumindat pa ito sa mga katropa nito. Ngayon ay siguradong putok na ang garter nga mga panties ng mga classmates kong girls. Jusmio!
I flared my nose. Ewan ko ba, inis na inis talaga ako sa kanya. Nasa boiling point talaga ang dugo ko pag malapit siya. Siguro dahil na rin sa mga ginawa niyang atraso sa akin.
Aria_Glimmer2016
BINABASA MO ANG
Fated to Hate You
Chick-Lit"I'm not a walking disaster, you beast!" I said. "I'm the only recipient of your clumsiness Kate, accept it. Kusa kang mababangga, madudulas at.....'Mahuhulog', trust me. But I'll be there to play as a knight in shining armor, coz you're such a clum...