Napabuntong-hininga ako pagkatapos kong mabuksan ang aking locker. Nasulyapan ko ang isang kulay-lila na stationary paper na naroroon.
“Another one?”natawa si Faith nang makita ang hawak kong iyon, tumango ako.
Isa lang ito sa mga natanggap kong love letters simula nang manalo ako bilang ms. Campus Model last week. Marahil ay nailusot na naman ito ng nagsulat sa mumunting butas sa gilid ng aking locker.
“Ayaw ko nga sa mga ito eh. I’m happy with my lame and boring school-life before kahit na wala namang pumapansin sa akin noon.” Sagot ko habang inaayos ang mga letters na naipon sa loob ng locker ko. Ni isang liham ay wala pa akong nababasa mula roon. “Isa pa, panandalian lang naman lahat ng ito.” dugtong ko.
“Kaya nga eh, so if I were you... I’ll seize the moment.” Tumaas-baba ang kilay niya. “Tanggapin mo nalang na after ng search ay pumatok iyang fezlak mo uy!” tinapik-tapik pa nito ang balikat ko.
“Katie’s beautiful naman even before,Faith. Mas lalo lang siyang nag-bloom ngayon dahil medyo nag-aayos na.” Sabat ni Claire at pinasadahan ako ng tingin. “Lady na ang dating. Naks!”
“O, Talaga? Saan banda?” Sagot ni Faith habang tatawa-tawa. “Sa pagkakaalam ko, sa mata lang siya ni Dylan maganda.”
Ano daw?!
Pinitik ko ang kanyang tenga. “Aray!” sigaw niya.
“May problema ka ba sa akin Miss Faithful Annjealin Lacson?” sabi ko.
“Hindi ka talaga mabiro! Isa kang dakilang pikon, bruha!” sagot niya habang hinihimas-himas ang nasaktang tenga.
Mukhang nagtatampo itong BFF ko. Eh sa nagbibiro rin naman ako ah. Di ba halata? siguro’y napalakas na naman ang pitik ko sa kanya.
“Sorry na po.” Lambing ko sa kanya. I batted my eyes, pouted my lips and curled my arms on her waist. “Alam mo naman na nag-iiba ang timpla ng mood ko kapag sinisingit mo ang isang iyon.”
“Eh sa totoo naman ah, Si Dylan lang naman ang palaging nakakapansin sayo or let’s just say, nang-iinis pala... siguro ay type ka niya. Haha. May sira sa mata ang isang iyon!”
“Duh?! Di ba’t naikwento ko na sa inyo ang naging engkwentro namin sa mall? He just wanna save his bruised ego! Dahil sa lahat ng babae ay ako lang ang napa’pangitan’ sa kanya, at ako lang din ang naka-football sa eggnog niya! gumaganti lang siya.” paliwanag ko. Busangot na ngayon ang mukha ko.
“Kamusta naman ang tooot girl? Matigas ba?” Claire asked while grinning from ear to ear.
Biglang uminit ang mukha ko nang may maalala ko, naputol iyon nang may tumikhim sa gilid ko kung kaya’t napalingon ako sa babaeng pinanggalingan niyon.
“Mauna na ako sa inyo.” Pagpapa-alam ni Dolly.
“Hindi ka ba sasabay mag-snacks, Dol?” tanong ko kasabay nang pagkandado ko ng locker ko.
Inayos niya ang kanyang eye-glasses at agad na iniwas ang paningin sa akin. “No, busy ako.” Yun lang ang sinabi niya at tuluyan nang umalis.
Nang makalayo na si Dolly ay nagsalita si Claire. “Haven’t you noticed something about her lately? She’s quite aloof now... particularly with you, Katie.” Ngumuso si Claire sa akin.
“Si Dolly? But why?” kumunot ang noo ko. “Ano ka ba! sadyang busy lang yung tao. You know, student council and some stuffs. Right, Faith?”
Nagkibit-balikat lamang ito. “Tara na!” sabi ni Faith habang hila-hila ako, umagapay naman si Claire sa paglalakad.
Papunta kami sa cafeteria upang mag-lunch.
BINABASA MO ANG
Fated to Hate You
ChickLit"I'm not a walking disaster, you beast!" I said. "I'm the only recipient of your clumsiness Kate, accept it. Kusa kang mababangga, madudulas at.....'Mahuhulog', trust me. But I'll be there to play as a knight in shining armor, coz you're such a clum...