"Katie, are you okay?" sabi ni Faith.
"Of course, I'm fine!" I replied habang nakapalumbaba at kinakagat-kagat ang straw sa bote ng Mountain dew na iniinom ko.
Nandito kami ngayon sa loob ng cafeteria.
"Weh? Yung totoo bru? Mukha ka kasing beastmode simula pa kanina." Sagot nito habang sige ang papak sa hawak nitong Nagaraya.
"Alam mo naman kung ano diba? Tatanong-tanong ka pa. Haist."
"Oi. chill lang, ano ba! Hanggang ngayon ay yan parin ang ipinagpuputok ng butse mo? Move-on din te pag may time ha."
"Tell me Faith, paano ko magagawa yun kung everyday kong nakikita yung nakakabwisit niyang pagmumukha?" I clenched my teeth in irritation.
"ikaw lang ata ang hindi masayang makita siya araw-araw bru, alam mo bang halos lahat ng girls dito sa school ay siya ang bukam-bibig. Hayaan mo na yun, magsasawa din iyon sa kakainis sa iyo."
Hindi na ako sumagot pa at baka mahulog pa sa alta-presyon ang dinaramdam kong ito. Grrr kainis!
Paano ba naman kasi ay pinalabas ako ni Ms. Amore sa kanyang klase dahil sa biglaang pagsigaw ko at pagmura kahapon... and worst meron na akong 1st offense record from the discipline committee. Mabuti at warning palang at wala pang sanction.
Dahilan: Ang nag-iisang ungas na si Dylan Angelo Montereal.
Kakalimutan ko na nga rin sana yung nangyari sa amin last week noong first day niya dito dahil hindi na rin naman kami nagpapansinan.
Pero kahapon, habang nagkaklase si Miss Amore ay biglang may masamang hangin na naman ang sumapi dito at sinipa-sipa nito ang likod ng upuan ko ng ilang ulit!
Yes, sa likuran ko pa talaga siya ipinwesto ni Ms. Amore. Jusko.
Hindi pa ito nakuntento sa pananadyak dahil nilaro-laro pa nito ang buhok ko sabay sabing "Your hair is nice, mukhang barbed wire... haha. ay hindi mukhang bunot pala".
Pagkatapos ay tinutukso na niya akong "bunot. bunot. bunot" ng paulit-ulit.
Kasalan ko ba na medyo maalon-alon at mamula-mula ang buhok ko? Nang hindi ko na napigilan ang inis ay napatayo na ako sabay sigaw na...
"Tang*na! Demonyo ka! Hindi mo ba ako titigilan?!" sabay hampas ng librong hawak ko sa kanya. So ayun, ang ending napalabas ako ng classroom.
For the first time in history, napaluha ako sa school. Sa isang katulad ko na running for salutatorian at may magandang record sa school (maliban sa malagiang pagkalate) ay masakit iyon sa ego...
Nakakababa ng moral ang mapalabas ka ng classroom niyo, dahil gawain lang naman iyon ng mga makukulit at tarantadong estudyante. At alam ko, hindi ako ganoon.
Isang rason din kung bakit ako naluha ay dahil sa sobrang inis... I totally lose my cool yesterday at nagpasya na akong umuwi nalang sa bahay at hindi na pumasok sa ibang classes.
Hindi ako pikon, pero pag si Dylan na ang kaharap ko ang nawawalan talaga ako ng kontrol.
Sinabi ko nalang sa sarili ko na hindi ko nalang papansinin ang ungas na iyon, magtitimpi ako hanggang sa kaya ko.
--------------------------------------
"O, Katie ikaw na bahala rito ha? Mauuna na akong umuwi. Wag ka lang masyadong magpagabi nang hindi ka mapagalitan ng lola mo ha. Mamaya pa naman magsisiuwian ang mga nagpapractice na choir members doon sa auditorium, babalik din sila dito mamaya."
Sabi ni Maam Arguelles sa manipis na tinig. Isa ito sa mga music teacher ng paaralan namin at ang kasalukuyang namamahala dito sa music room. Tumingin ako sa wrist watch ko, 5:30pm pa lang naman.
BINABASA MO ANG
Fated to Hate You
Chick-Lit"I'm not a walking disaster, you beast!" I said. "I'm the only recipient of your clumsiness Kate, accept it. Kusa kang mababangga, madudulas at.....'Mahuhulog', trust me. But I'll be there to play as a knight in shining armor, coz you're such a clum...
