Chapter 13: Crowning Moment

141 5 2
                                    

Agad ko munang ibinigay sa organizers ang mga trophies at certificates na nakuha ko para sa special awards, kasama ang aking framed picture bilang miss photogenic.

I hurriedly went back to my place alongside with my fellow candidates and immediately put my hands on my waist, trying myself to smooth down a little.

"Katie is our Queen! Katie for the win!"

Pagod man ay nangiti ako ng wagas nang itinuon ko ang aking mga mata sa mga balahura kong mga kaibigan at mga kaklase na walang himpit na naghihiyawan sa hindi kalayuan.

They were chanting those words for few hours! My Gassss!

Supportive ang mga tiyanak oy! Tibay ng lalamunan. Naks!

Bukas puro paos ang mga iyan, pustahan! Magpapa ice-candy talaga ako sa kanila... can't afford ang ice cream eh.

Kumaway ako sa kanila, nagpapahiwatig ng aking pasasalamat para sa kanilang suporta  mula pa kanina.

Nang muli kong iginala ang aking mga mata ay napadpad iyon sa hanay ng mga judges.

Napalunok ako nang makita ko na sumubo ng sandwich yung isang panot na judge na nakaupo sa gilid.
Halos masilaw din ako sa kinang na nakikita ko mula sa makinis na ulo ni sir...

At parang natakam ako kung ano bang palaman sa tinapay na hawak niya! Hay. Tuna sandwich ba yun? Chicken kaya? Or egg... hmmm.

I haven't eaten my lunch to make my tummy gracefully slimmer! mahirap na at baka masabihan naman ako ng lider ng 'Dylim' na may baby fats. Lintek na ugok 'na iyon!

Kanina pa nag-iingay ang pahamak na tiyan ko at nagdi-disco na ang mga alaga ko! Iniwas ko nalang yung mata ko doon sa sandwich... mas lalong humahapdi lang ang sikmura ko.

Pagoda wave lotion na aketch! Marahil ay dahil sa sobrang gutom at sa taas din ng suot kong heels. Imagine, six-inches besss! Six freakin' inches!

Kanina pa ako nangangawit sa kakangiti, halos pumutok na rin ang mga ugat ko sa talampakan!

I really wish this night to be over! I'm so tired---and hungry... naiiyak na ako sa gutom.

Yet aside from hunger and fatigue...mas nangingibabaw ang kaba sa aking kaibuturan.

Ni hindi nga nakatulong sa pagbawas ng nerbiyos ko ang singkong-duling na inipit ko sa loob ng aking bonggang stiletto!

Ayon kasi sa paniniwala ng mga gurang, nakakatanggal daw iyon ng kaba. Eh di wow! Wa epek ek-ek naman!

Paniguradong isang malaking paltos sa paa ang premyo ko nito..

Sa lima sa aming natitira, tatlo lang ang maaring magkamit ng titulo. So we're gonna be down from five to three.

I wasn't even convinced if my name will be called, the competition was too stiff to begin with...

But hell! I gave my all, so I guess I deserved it too... I had to win this!

Naging mabilis ng mga pangyayari. Namalayan ko nalang na muling nagsalita ang emcees upang tawagin na ang mga mapapabilang sa top three.

Pagkatapos nito ay agad nang iaanunsiyo ang second-runner up, ang first runner up at syempre hindi matatawag ay ang Miss Campus Model 2016!

Unang tinawag si candidate number two. Kasunod ay si candidate number seven....

"Only one spot left ladies!" sabi ng lalaking emcee.

Tatlo nalang kaming natitira, at isang pangalan nalang ang dapat na tawagin.

Fated to Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon