Chapter 8

358 11 7
                                    

Susunod na araw pag-gising ko palang, wala nanamang tao sa bahay. San ba napapadpad mga tao dito? Sabado ngayon, kaya.. Ah, siguro namalengke si nanay. Paglalakwatsahin nanaman ako nun, sigurado.

Baket?

Ano gagawin?

Namalengke siya, para sa pagtitinda ng merienda. Kada-Sabado at Linggo ako naglalako. Para naman mapahinga siya kahit 2 araw lang.

Binuksan ko muna yung TV tas naghanap ng mapapanood, syempre, 12 lang ako, di parin ako makakahindi sa SPOOOONGEBOB !!! ahaha.. XD

Sensya na, favorite ko kasi yun eh.

Kalagitnaan na nung episode sabay..

"BEA! Paki bukas nga tong pintuan, nak! Marami akong bitbit"

"Opo!! Saglit laaaaang!!!"

Tumayo agad ako sabay binuksan ko na yung pinto, pagkita ko andami ngang bitbit ni mudra. Binitbit ko yung iba papunta sa kusina.

"Maligo ka na habang nagluluto ako. Kasi pagkatapos ko dito, maglalako ka na."

Ay, akala ko mamayang hapon pa.

"Bea, almusal to ah. Mamayang hapon may merienda pa!"

"Ay... Sige po.."

"Bilisan mo ah. Para ka pa namang pagong kung maligo. Di ko malaman sayo kung marami ka bang libag o ano? Kasi isang oras ka jan sa banyo."

Natawa nalang ako tas naligo na.

Pagkatapos ko maligo, dahil maglalako ako. Kumuha ko ng t-shirt na puti. Tinupi ko yung manggas, mukha kong siga? Hala! Sabay nag tokong ako na checkered. Nagsuklay ako ng buhok tas tumapat sa bintilador, makapagpatuyo nga muna ng buhok.

Pagkatuyo ng buhok ko inipitan ko nalang muna sa side para lang hindi mapunta sa mukha ko.

"Naaaaay! Ano na?"

"Oh eto! Ikot mo jan, tas kung hanggang saan kaya mong puntahan. Balik ka para magpahinga tas para naman sa merienda."

Binitbit ko yung basket na may lamang almusal sabay LUMARGA NA AKETCH! xD

Syempre nagsisisigaw na ko, nagaalok. Pag patak ng 12 umuwi na ko.

Anong oras ako nagsimula?

8 ng umaga.

Nagpahinga muna ko sa may higaan ko, nakaupo dun nakatapat sa bintilador.

Ilang oras akong nakatunganga dun hanggang mag 3.

"BEA! ETO NA MERIENDA!"

Ibig sabihin madami nang nakahintay na kapit bahay o yung mga bahay na lagi kong napupuntahan at nabebentahan ng merienda.

Kinarga ko yung ginawa ni mamang Melon, ba?! Natural yun wag kayo! xD isang malaking galon binitbit ko sa kanan kong kamay. Sa kabila naman, malaking basket para sa pagkain.

May karyoka, banana-Q, quek quek, shanghai, lumpia at macaroni ((ung parang spaghetti ang luto))

Medyo mabigat pero.. KERI KO TO!

Nag-ikot na ko sa buong neighborhood at labas nun. Nung medyo paubos na, naalala ko yung bahay na lagi akong hinihintay, yung bahay sa may kabilang street. Napakalaki, tas ang ganda, ang linis, may sariling maliit na court.. Tas may bakuran sila ganun.. Basta ang laki ng bahay nila, lote nalang para clear.

Obviously mayaman nakatira dun, pero samin sila bumibili eh. Magagawa ko? Ahahaa XD

Pinuntahan ko na yun sabay..

Started With A TeaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon