Chapter 39

163 2 1
                                    

Sorry for the boring last chapter.

Now the story :-)

Lumipas 1 week na inis na inis ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung ano mga pumapasok sa isip ko. Feeling ko lahat ng tao galit na saken. Feeling ko masyado kong malandi, 12 lang ako pero. Si sean. Siya. Siya may kasalanan. Hindi ko alam kung ba't ko siya sinisisi. Pero. Ugh. Ayoko siyang saktan pero alam kong kailangan, kasi nga 12 lang ako. Sigurado naman akong masasaktan lang rin ako. Kaya lang siguro niya ko niligawan para pagtripan kasi inosente ko't walang kaalam-alam sa mga tungkol sa ganito.

Gusto ko...

Gusto kong...

Hindi eh...

Fuck... Kill me now...

Parang sa isang saglit lang nawala ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung ano pinag-gagagawa ko. Bigla na lang ako nagka-urge na mag-self harm. Hindi ako nagda-drugs. Bigla kong na, di ko alam. Gusto ko lang talagang umalis tas kalimutan lahat, mawala. Mukha kong tangang umiiyak, naglalaslas ako. Well, in fact, dati pag mat nakikita kong ganun-- i always thought it was stupud. Maliit na bagay sasaktan mo sarili mo, pero ngayon ako na gumagawa. Naka-ilang sugat ako tas tsaka ko umiyak ng umiyak. I hated myself. Mukha talaga kong sira. What the hell was I doing?

Binaba ko na yung blade tas tuloy tuloy nang umiyak. I regret doing this. Bigla kong nainis lalo sa sarili ko sa ginawa ko. Pinunasan ko wrists ko tas tumahan na. Tinago ko yung towel para hindi na makita ni nanay.

*monday//civilian*

Nag-sweater ako na naka-print ang american flag, black skinny jeans, tas red na vans. Nabanggit ko na ba sa inyo na nakapagpagupit na ko. This is something new. I mean bago talaga. And cut ng buhok ko hanggang balikat ko lang, pero meron parin siyang waves.

Bakit ako nag-sweater?

Para maitago ang marka ng katangahan ko kahapon. Tuyo-tuyo nanaman siya pero sadyang masakit parin. Ang tanga ko kasi eh, letche. Halata pa talaga sa mga mata ko na umiyak ako ng umiyak. Namamaga pa kaya. Buti nalang hindi ako yung tipong magang maga, medyo sisingkit lang mata ko, kaya ok lang saken. Dahil nga maputi ako kahit kagabi pa ko umiyak, pink na pink parin cheeks ko at sa may baba, hindi ko alam pero lagi akong ganun.

Nag-tricycle nalang ako papasok ng school, swerte ko wala si mama. Kung hindi mahabahabang tanungan at sermon aabutin ko. Baka nga makita pa niya mga sugat ko eh.

Pag-dating ko sa school agad kong naramdaman na may matang nakatitig saken. Si Sean. Bumulong siya dun sa kasama niya tas agad naman yun tumango. Papalapit na siya saken pero kunwari nalang na hindi ko siya napansin. Naglakad ako papunta sa room ko kahit masyado pang maaga.

"Bea" hinila niya ko sa may wrist

"Aray shit." Nag-mumble ako para hindi niya gaano marinig.

"Huh? Sorry, napa-lakas ba hila ko? Sorry bea. Bea?" full of concern at worry naririnig ko sa boses niya kaya hindi ko mapigilang harapin siya at sabihing ok lang ako.

"Uh, ok lang" sabi ko na pinipigilan yung mga luhang gustong tumulo dahil sa sakit ng mga sugat ko.

"Bea? Umiiyak ka? Grabe naman ata..." Biglang kumunot noo niya parang concerned, na confused na may halong galit na nakikita ko.

Hinila niya yung braso ko pero hindi gaano kalakas at kahigpit, making sure na hindi niya ko masasaktan. I was like the most fragile thing in the world nung ginawa niya yun.

Tinaas niya yung sleeves ng sweater ko dahan-dahan tas tinignan ako sa mata.

"baket?" yung lang nasabi niya

kumunot noo niya lalo tas napailing "bat mo to ginawa?"

"h-hindi ko talaga.. a-alam" yumuko ako tas tumulo na paunti-unti mga luha ko

"bea.." nilapit niya ko sakanya tas niyapos ako sa baywang. pinatong niya ulo niya sa balikat ko tas para kong batang hinele niya.

"alam mo, galit na galit ako sayo ngayon..." bulong niya, ramdam na ramdam ko pagsasalita niya sa may leeg ko.

"sorry." yun lang nasabi ko.

"sorry? bat ka nagsosorry saken? magsorry ka sa sarili mo. matuto kang mahalin sarili mo bea.." bulong niya, may patak akong naramdaman sa may likod ko

alam ko nang umiiyak siya.

"umiiyak ka..."

"hindi noh.. pawis yun.. sige na nga.." binitawan niya ko tas nilayo ako sakanya, arms length, habang hawak niya balikat ko.

"ayoko nang makakakita ng bagong sugat, dapat magaling na yan.."

tumango nalang ako sakanya

Started With A TeaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon