Chapter 34

203 5 1
                                    

Monday, eto nanaman tayo. Pagpasok ko palang ng campus si kuya Sean na agad hanap ko.

Halos gusto ko siyang hagilapin kahit san man!

Nag-bell na at umakyat na kami sa mga rooms. Di ko parin talaga nakikita si kuya sean!

Langya! -____-"

Pag-akyat ko sa room, di ko akalain na nandun na pala sina Sheenah.

"Bea! Sang lupalop ng mundo ka ba sumusuksok, ha?!" Sigaw sakin ni Sheenah.

"Hinahanap mo ba si Prince Charming?" Asar naman ni Pat

"Mabuhay kayo ng tama. Please." Sinabihan ko sila habang naka-poker face.

"Ano problema?" Tanong ni Glaiza

"Kasi...."

"Ano?!" Sigaw nilang lahat, sabay sabay pa talaga sila!

"Wala wala."

"Girl ah." Warning ni Sheenah. Sigurado ako na mamaya kakausapin ako nito.

Tumango nalang ako at tumuloy na sa seat ko. Tutal papasok na rin naman ng room teacher namin. Nagsibalikan narin sa pwesto sina Sheenah.

Nangalumbaba lang ako dun sa upuan ko. Boring nanaman to panigurado!

"Sean! Pwede ba?!" Sermon ni Ma'am Ortiz na natatawa.

"Bakit ba?" Sigaw naman ni kuya sean pero di ko parin siya nakikita! Litsi.

"Akin na notes at visual aids ko!" Command ni ma'am.

"Ayoko nga!" Asar lalo ni kuya kay ma'am.

"Sean! Papapasukin kita dito!" Panakot niya

Sabay may 2 textbooks at madamidaming visual aids ang lumagpak sa sahig malapit sa door. Pano hinagis. Iniiwasan ba ko neto?!

"Ay Sean Martin!" Tili ni ma'am

Sabay tawa naman ng ibang students.

Si Sheenah, inuubo na nabibilaukan ang naririnig ko galing sakanya pati narin yung ibang students.

"Uso ba ubo?!" Irap ko na pinipilit pigilan yung smile na gustong lumabas ng bibig ko at magpakita.

Lalo lang silang umubo, yung iba naman nagtutunog as if wangwang sila -.-" hindi ba pinagbawalan na yan?!

At yung ibang epal.

"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig!!" -.- litsing pisti.

Inirapan ko nalang sila tas nangalumbaba na, nakita kong sumilip siya ng onti sa may pinto, dun na niya nahuli mga mata ko.

Tinitigan niya lang ako tas (emotionless) umalis na.

-

-

Lunch time na at ako naman. Wala, nganga. Ayokong bumili ng pagkain! Ayoko din kumain! Nakakatamad ngumuya at maglakad!

Kaya eto ako. Nganga. Nangangalumbaba nanaman sa table ko sa room.

"Leshugas na buhay to." Bulong ko

"Bakit naman?"

Nanlaki mata ko sa narinig ko--

"Konsensya?!"

Bat ba laging conscience ko naiisip ko! Eh kasi naman ako lang tao sa room.

"Ano?!" Sabi nung boses, nagulat ata.

Ang deep nung boses, tas husky. Parang morning voice or inaantok or lasing siya--- wutt?! Dejoke. Para siyang bagong gising na antok pa.

"Konse---- sean."

Started With A TeaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon