Chapter 32

215 4 1
                                    

Naka 1 week na rin kaming back to school. Over those 5 days, 4 days naman absent si kuya sean. Ang dami nang chix dito sa school na nagaalala. Kapal ng mga mukha -___-"

Ha?

Ah.. Ano raw?!

Ano sabi ko?

Wala. Wala. Wala.

"BABAITA!" Bati sakin ni Sheenah.

Nakita siguro nila kong kumakain sa canteen mag-isa.

"Hoy! Ba't mag-isa ka ah?" Sermon ni Pat

"Masama bang gusto kong mapag-isa?" Sagot ko habang natatawa.

"Di naman. How's your utak na?" Dagdag ni Pat sakin.

"Chusera! May how's your utak, how's your utak ka pang nalalaman jan." irap ni Sheenah

"Ano nga, kamusta na memory?" Tanong ni Glaiza

"Ulyanin pa rin sya!" Sigaw ni Pat

"Ano bang pinakain niyo jan ha?" Tanong ko na nakataas isang kilay

"Pinakain? Di siya napakain kamo. Kagutuman yan sistuur!" Biro ni Sheenah

"Manahimik ka nga!" Sigaw ni Pat kay Sheenah

Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung bat ako nagkaroon ng mga kaibigang ganto at pano ko pumayag na makipagkaibigan sakanila. XD HAHAHA!

"GAGA KA!" Binatukan ni Sheenah si Pat

"Umayos nga kayo, tinatakot niyo si Bea" sabi naman ni Nicole

"Hay nako.." Nag sigh ako

"So asan si prince charming chinito?" Asar ni Sheenah.

Maka-out of topic nga naman ano po ba?

Yun nga din iniisip ko ee. Ano na kaya nangyari kay Sean? Ilang araw na din oh! 4 days. Isang araw lang pumasok sa school. Ano ba yung klaseng trip na yun ha?

Pwede paki-explain? Kasi love ko siya. Eww! Ang korny ko! Ewww.

Nakakainis. Litsi !

"Hoy! Asan si Chinito!?" Binulabog ako ni Sheenah

"Chi--Chin---Chinito?! Sin--Sino?" Nabulabog ako sa pambubulabog nila

"Si sean. Nakuuu!" Tili nilang lahat

"Di ko nga alam ee. Apat na araw na nga siyang absent.." Bigla nalang akong napangalumbaba. Pahina ng pahina volume ko habang nagsasalita, para bang nag murmur nalang ako at kausap ang sarili.

"YIIIIIIEEEEEE~~! CONCERNED SIYA!" Asar nilang lahat.

"Mga sira talaga kayo..." Bulong ko

~*~*~*~*~*~*~

Dismissal na. Ang ingay nanaman ng mga students at kalat-kalat. Sa totoo lang hindi ko alam kung san bang lupalop ng mundo punta ko, pero nasabi ko kina Sheenah na mauuna na ko.. Hay nako!

"Uy tanga!" Pabulong kong sigaw sa sarili ko.

Dahil isip ako ng isip, hindi ko na alam kung san ako dinadala ng mga paa ko. Pagtingin ko sa paligid.

Napa-nganga nalang ako.

Tadhana!

Meant to be ba talaga kami o pinaglalaruan mo lang nanaman ako? Ha?

Pagkita ko, nandun na pala ko sa may looban nila kuya sean, hay nako naman. Siguro dalawin ko nalang siya, tutal nandito na rin lang naman ako e.

Kumatok ako sa pinto tas naghintay. Wala man lang sumasagot! Langya naman, oo.

Started With A TeaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon