Sumunod na araw si Glenn kasama ko sa bench. Si kuya Sean parang iniiwasan ata ko. Parang lang, pero wag naman sana.
"Bea, uhm.. Alam mo ba yung.. Carrie?"
"Ah! Oo! Yung movie yun diba?"
"Ahaha, oo yun.."
"Mm.. Baket?" Tanong ko
"Kasi.. Uhm.. Free ka ba sa Saturday?"
"Ah.. Ano... Oo naman!"
Ililibre niya ko?! :")
"Ah.. Nood tayo.. I mean.. Kung gusto mo lang naman.."
"Gusto ko kaso.."
"Sagot ko naman e."
"SERYOSO?!" Ngiti ko
"Oo naman! Ako nangimbita diba?" Ngiti niya
"Sige ba! Thank you ah!" Sabay yapos ko sakanya
- - - - - - - - - - - - -
Nakapila ko sa canteen nung napansin kong nakapila pala sa likod ko si kuya Sean. Tinignan ko siya,
"Mmm?" Bat parang ang tamlay niya
"May sakit ka ba o ano?"
"Wala.." Sabay kumunot noo niya tas lumabas ng linya
Nakain nun?
- - - - - - - - - -
Buong araw akong di pinansin nung gago.
"Uy, Bea.."
"O Glenn?"
"Excited na ko sa Saturday" ngiti niya
"Ako rin eh."
"Talaga?!"
"Ha? Ah.. Oo.."
"Excited na ko manood tsaka makasama ka.."
"Ay.. Ang sweeeeet !! Kaw ah." Sabay kurot ko sa pisngi niya
Actually cute eh. Pero di ko siya type. And wala kong nararamdaman talaga eh. As in. Plain.
SEAN's POV
"Kita mo yun?" Sabi ng isa kong kaibigang baliw, si Jack a.k.a Si boy manyak!
"Tingin mo bulag ako?"
"Ewan. Baka kasi magbulag bulagan ka, pare. Kasi alam mo, pare. Ikaw yung tipong, pare, ganun, pare eh.. Pare! Mahal mo siya, di ka niya gusto, pare! Kasi pare, bata yan pare.. Tanda mo na pare! Tsaka pare.. Gusto niya si boy pogi oh. Diba pare?"
"Tigilan mo nga ko sa kapapare mo."
"Teka, pre.. Ano ba balak mo sabihin?" Sabi ng genius kong kaibigan na si Eduard
"Secret ko na yun."
"Weh?! Pare sabihin mo na!!!" Sabi ng pinakamadaldal kong kaibigan na si Jaime.
"Ano ka? Tut mo."
"Ba, ba, ba... Kilala ko yang linya na yan.." Nag smirk si Eduard
Inirapan ko nalang siya..
"Ano nga balak mo?! Sabihin mo na kasi.." Nangulit uli si Jaime
"Bat ko sasabihin? Eh kulang nalang balahibo magiging higad na sa kati yang dila mo!"
Inirapan niya ko tas umalis na ko sa pwesto ko.. Siguro nga tama sila.. Siguro nga mashado kong matanda para kay Bea.
Baka hanggang kuya lang tingin niya saken.
Ano kaya pinag usapan nila?
BEA's POV
Iniwan na ko ni Glenn tas nakaupo lang uli ako dun. Wala namang tao kaya, patayo na ko't magpapalipas ng oras sa library.
"Bea!" Hinila ko
"Ha?" Pagtingin ko si Sean
"Tumakbo ka ba? O sadjang biglang lumaki lang butas ng ilong mo?"
"Hiningal ako." Plain niyang sagot
Tumalikod na ko tas papaalis na nung hinila niya nanaman ako..
"So... Pwede mag tanong?"
"Ng?"
"Free ka ba sa Saturday?" Yung mukha niya willing na willing akong makasama tas parang excited sa sagot ko na ewan.
"Uhmm... May lakad ako eh, sorry ah." Sagot ko na mahinhin
Parang isang kislap nawala yung ngiti sa mukha niya..
"Ah.. Sean.. Okay ka lang?" Kumawaykaway ako sa harap ng mukha niya, kasi para siyang timang na tulala
"Ha? Ah.. Ako? Uhmm.. Oo, ayos!" Ngiti niya. Seryoso. Pilit na pilit.
"Sigurado ka?" Nag-aalala naman talaga ko eh. Ayokong ma-offend siya kasi di ako sasama.
"Oo naman! Ako pa" one word: pilit.
"Teka, kahit i-move mo nalang. Sunday? Gusto mo. Free ako. Ano ba gagawin?"
"Ah.. Manonood sana ng Carrie, e."
"Ha? Ah.. Eh.. Yan nga dahilan kung bat di ako makakasama sayo sa Saturday"
"Eh. Tamang tama naman pala eh! Sabay nalang tayo sa Saturday."
"Ha? Eh.. Libre lang yun ni Glenn." Ngiti ko
"Ganun.. Ba.. Ah.. Sige" ayan nanaman siya sa expression na malapit nang magtampo
"Ah.. Sorry talaga kuya ah, gusto mo iba nalang panoorin naten?"
"Di.. Di na.. Di na kailangan.. Enjoy kayo, ah. Sige Bea.. Una na ko"
"Sean! Hoy! Sean!" Tinawag ko siya pero di nagpaawat. Umalis na nga ng tuluyan.
Anong nangyari ??
Tinakbo ko yung campus pahabol kay Kuya Sean.
"Huy. Gusto mo ah.. Comedy panoorin naten..? O kaya uhmm... Sci-fi?"
"Ha.. Di.. Wag na.. Ayos lang.. Gusto ko mag-engjoy nalang kayo ni Glenn" pilit niyang ngiti
"Alam kong pilit yan.." Irap ko sakanya
"Kanina ka pa kaya" titig ko sakanya
"Bea.. Pwede ba? May gagawin pa ko, e. Sige, maya nalang ah." Sabay alis
Author's Note:
WOAH !!
Seloso nga siguro si kuya.
To be continued nalang yan sa next chapter ;)
Hope you like it ^___^
MORE READS PO!
S.W.A.T ftw >:D<
Sorry medyo maiksi <3
#pabitin?
Loves XoXo
BINABASA MO ANG
Started With A Tease
HumorIts funny how some things would start off with just a little tease. With one thing led to another. How can you survive this type of craze? Hi! Samahan niyo ang pag-ikot sa makabuluhang mundo ng isang grade 7 at isang 4th year highschool.