Chapter 21

274 5 5
                                    

Dahil dun sa nangyari: Di na ko umiimik, di na rin ako kumakain. Simpleng oo o kaya hindi, di ko rin masabi. Puro ako tango at iling. Konting tubig ayos na rin. Di ko alam, nag luluksa ata ko dito.

Tapos na sembreak, yung hinihiling kong makabalik sa school naging miserable ! Pagpasok ko palang, magulo na uniform dahil hindi plantsado, magulo rin ang buhok kasi hindi sinuklay. Pinagtitinginan ako, pinagtatawanan din ng mga 4th year. Nakakahiya talaga !

Dumiretso agad ako ng CR tas tinignan sarili ko sa salamin. Di kaya matakot sakin mga teachers or staff pag nakita kong naglalakad sa hallway o makasalubong. Seryoso.

Mukha akong multo !

Naglabas agad ako ng suklay sa bag tas inayos yung buhok ko.

"Nagpapaganda ka girl?" nagulat ako nung may lumabas sa isang pintuan. Si Glaiza lang pala.

Umiling ako. Like what i said, wala akong lakas para magsalita.

"Girlie, you look so pale-lalu ! Ayusan kita ha. Sa ayaw at sa ayaw mo parin."

Wala akong nagawa kung di hayaan si Glaiza sa gusto niyang mangyari. Inayus niya yung curls ko na magulo at tiname (tame) sila. Pinahilamusan niya din saken yung mukha ko at kung ano ano pa pinag-gagagawa sakin. Pagtingin ko uli sa salamin. Nagmukha akong less stressed or depressed at more blooming.

"Smile ka lang and things will get better" kumindat siya tas iniwanan na ko.

Tinitigan ko sarili ko dun sa salamin tas pinaglaruan curls ko. Paghinila kasi babalik sa pwesto, parang spring.

-----LUNCH TIME-----

Umupo ako dun sa pwesto ko lagi, dun sa bench na tabi ng puno. Nilapag ko muna yung bag ko sa tabi tas naglabas ng tubig. Lumagok lang ako ng onti tas akalain mo? Nagburp agad ako maya-maya.

"Kumain ka na ba?"

May tumayo sa harap ko, kaya pala lumilim nalang bigla. Inangat ko ulo ko tas napailing nung nakita ko kung sino.

Si Sean.

Alam ko iniyakan ko siya kagabi. Pero hindi ko hahayaan na isipin niya okay na yun. Simpleng sorry pwede na siya uli, tanggap ko na uli siya. Hindi noh!

"Kumain ka muna.. Please"

Umiling ako.

"Isang subo lang.. Balita ko kasi di ka daw kumakain"

Kumunot noo ko tas tumingin ako sa ibang direksyon.

"Bea kausapin mo naman ako oh.. Please?" kulit niya.

Umiling ako uli. Di ba siya titigil?

May kinuha siya sa bag niya. Yung lunchbox niya? Baket?

Di rin ba siya kumain?

"Bumili ako ng lunch ko, eto nalang sayo oh.." Kumuha siya ng kutsara tas nag-scoop ng kanin na may kasamang ulam

"Sinigang yan oh.. Diba paborito mo yan?"

Ha? Pano niya yun nalaman?

"Luto yan ni mama.. Masarap yan promise!"

Tinitigan ko siya sa mata..

"Please.. Please Bea, kumain ka.."

Wala ee. Nakatitig ako sa mga mata niya. Natulala for short.

Bat siya nag bibigay effort?

"Alam ko nasaktan ka. Bea I'm sorry sa nangyare. Pero, ayoko namang di mo na ko pansinin. Bea... Kahit kuya nalang tingin mo sakin, kapatid rin nalang naman tingin ko sayo eh, kung yun ang gusto mo..."

Started With A TeaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon