Chapter 40

179 2 0
                                    

Grabe dami ng tao, kalat-kalat silang lahat. Lahat naka-suit, naka tuxedo pa yung iba. Yung iba naka-gown, dinaig pa ko. Pero yung iba naka-dress lang. In short, naka formal wear silang lahat.

Nga pala, 13th birthday ko na. Astig! Papasok na ko sa teenage years, oha oha. Simple lang suot ko, ala 18th birthday ni Kathryn Bernardo. Joke! Si nanay kasi grabe mag-effort. Wala na ngang budget nagawa pang magpaparty ng ganitong kabongga. Hay nako si mudra, ayan tuloy lagas. Joke.

Ayan na, 13 roses na. Tama ba tawag ko? Sorry ha, di kasi ako rich kid kaya wala akong alam sa mga ganito. Ang alam ko lang 13 na lalake isasayaw ako tas blahblahblah. Ganun? Si papa nga pala nandito, kasama niya pamilya niya. Oh diba? Parang fairytale buhay ko, ang saya-saya na? Nagkaayos na kaming lahat.

Unang nagsayaw saken si papa tas nagsunod-sunod na. Andami na rin ng roses na hawak ko.

Shit.

Nagpawis na kamay ko.

Ayan na siya.

Pinakahihintay ko.

"Ano?" Nag-smirk siya.

"An- a-ano?" Nako Bea nauutal ka nanaman. Tigil nga! Mukha kang tanga.

"Ayaw mo?" Tumawa siya ng onti nakangiti saken.

"May sinabi ako?" Smirk ko, yes! Nakasagot din ako. Buti nga sayo sean!

Inabot niya saken yung rose at kinuha ko naman. Niyapos niya ko sa may baywang tsaka naman ako tumingkayad at yumapos sa leeg niya. Clingy much? Haha. Fuck off. Moment namin to ok? Wag ka mangialam. May mga 'yie' na sumabog sa ere galing kung saan, dun sa tabi-tabi. Pero i really don't care. Hayaan niyo sila.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal nagsayaw dun, basta ang alam ko: ayoko nang lumayo sakanya. Ok lang saken kahit nandun lang kami pareho buong araw. Ang ganda pa naman ng kanta, All about us ng He Is We. Niluwagan niya hawak niya sa baywang ko tas sinandal noo niya sa noo ko, ew pimples. Joke! Kinis ng mukha nung mokong na yun eh. Nagtitigan lang kami tas ngumiti siya, shet. Edi nginitian ko rin siya pero ganun parin pagkakayapos ko sa leeg niya.

'eyes on you

eyes on me

we're doing this right.

cause lovers dance when they're feeling inlove

Spotlight shining, its all about us

Its all about us'

Biglang bumilis heartbeat ko at nagpawis nanaman kamay ko, alam kong naramdaman niya yung pagiging tensed ko kasi binigyan niya ko ng reassuring na ngiti. Hay, thank God for giving me a Sean Martin S. Cruz in my life. Ako na ata pinakamasayang tao sa buong mundo! Swear.

"Bea, thank you" Bulong niya

"Ha? Saan? Wala naman akong ginagawa ah." Irap ko tas sabay tawa

"Sa lahat. Ang laki kaya ng binago mo sakin. Tsaka, di ko talaga alam kung asan ako ngayon kung wala ka. Siguro na-kick out na ko sa school o kaya nagpa-drop na ko" tawa niya, "Basta Bea, thank you kay ma'am kasi pinagsabay tayo bumaba nung recollection" nag-smirk siya habang pinapaalala lahat ng embarrassing moments ko. "Tas nung ang sungit sungit ko pa sayo nun, hindi ko alam na mapapalambot mo puso ko. Alam mo yun? Tas nung nakatulog ka sa stairs" Tumawa siya sabay nag-lip bit at pinigilan yun, "haha, ewan ko. Neneng ka nun eh. Haha"

"I hate you" Nag-glare ako sakanya

"Sorry, sorry. Haha. Natatawa talaga ko eh. Tas naalala mo yung tumuloy ka sa bahay namin? Naalala mo yun?" Sabay kumindat siya.

"Oh, how I wish I forgot"

"Wag ka nga. Ansaya kaya" sabay kindat nanaman niya. "Tas yung iritang irita ka kapag kumikindat ako, lalo na kung sobrang dalas" tas kumindat ulit siya.

Started With A TeaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon