Chapter 30

212 4 4
                                    

Sumunod na araw nagsisisi ako. Wala. Nakahiga lang sa kama. Ang late ko kasi gumising e! Di tuloy nakasama sa pagsundo kay kuya.

Enebeyen!

Kaasar lang, e.

Maya-maya eto na si nanay. Pagpasok niya ng kwarto umupo siya sa kama.

"Bumangon ka na jan at may bisita ka."

Bisita daw?

Kumunot noo ko kaiisip kung sinong bisita meron ako. Tsaka di naman ako yung tipong pala-dalaw ng mga friends noh.

Paglabas ni nanay, sinara niya yung pinto. With sound-effects pa.

Minsan paglalabas si nanay ng kwarto ko tas isasara niya yung pinto feeling ko gigiba na tong bahay ee.

Tumayo na ko tas nagunat-unat.

Tinali ko sa isang messy bun yung buhok ko tas nagpalit ng t-shirt at tokong. Nag tsinelas na ko tas bumaba. Wala namang tao. Pumunta ko sa CR tas nagtoothbrush muna. Nakakahiya kaya!

Lumabas ako ng bahay tas dun ko nakita kung sinong bisita nga meron ako.

"SHIT." Bulong ko

"Maka-Shit ah." Tawa niya

Natulala nalang ako tas napangiti bigla. Takbo ko sakanya tas yapos ng mahigpit to the max!

"KUYA!" Tili ko

"Ba? Parang dinalaw ka sa bahay ni Daniel Padilla sa itchura mo ah?" Asar niya

"Che!"

Pagkasabi ko ng "che" kinurot niya magkabilaang pisngi ko tas may binulong.

"Explain ko sayo mamaya, ha?"

Natulala nanaman ako tas hindi alam kung ano sasabihin. Na-tongue tied nanaman ata ako.

"Una na kami, ha? Marami pang gagawin e. Text nalang kita,"

Tumango lang ako sa sinabi niya.

"Pasalubong mo nga pala. Nandyan na!" Sabi niya habang natatawa.

Nagpaalam na sila kuya tas pumasok na rin ako sa loob ng bahay.

"Yung mga malalamon nandun na sa ref" sabi ni nanay

"Sige nay."

"Ayan na pasalubong mo, sa sofa. Mamamalengke muna ko, ha? Sarado mo tong pinto ah." Paalam ni nanay.

Tumango lang ako. Kinuha na niya yung mahiwagang bayong. Joke! Yung paborito niyang bayong tas umalis na. Ni-lock ko yung pintuan tas naupo sa sofa, tabi nung box na bigay ni kuya.

"Ano kaya to?" Bulong ko.

Tinanggal ko dahan-dahan yung wrapper. Box siya ng Vans na sapatos! Binilhan niya ko?!

Binuksan ko yung box tas ang laman nun, isang dress tas yung vans. Wow, mapapasabak ata ko sa pagsusuot ng dress, ah?

TOK! TOK! TOK!

"Waaaaait !"

Kumatok uli yung nasa pintuan.

"WAIT NGA E! DI MAKAPAGHINTAY?!" Sigaw ko

"Ayoko maghintay e!" Sagot niya saken. Ah, kilala ko na tong boses na to.

Si kuya.

Binuksan ko yung pintuan tas pinapasok ko na siya.

"Bagay sayo yan. Seryoso. Tas ang ganda" Turo niya dun sa dress

"Malamang masasabi mo yan, duh. Galing sayo ee. Kung iba ba magbibigay sakin niyan sasabihin mo yan?"

Started With A TeaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon