Kaboom !
Over nine days of sembreak pang 7th na ituuu :)
Nakaupo ako sa kama habang nanonood ng TV. Actually di nanonood kasi nagfe-facebook ako. Nakatitig lang ako sa cellphone, nagiiscroll nung biglang MAY NAG TEXT.
Chineck ko kaagad..
From: Kuya Sean
Uy. Sama ka? EK pra may mgwa nman tau hbang patapos n sembreak ;)
EK ?! Seryoso. Malayo-layo yun ah.
To: Kuya Sean
Cgurado k? Layo un ah..
Nag reply agad siya. Less than 1 minute pa!
From: Kuya Sean
Oo naman ! Paalam ka na..
Bumaba ako tas hinanap sa baba si Nanay. Naghuhugas siya ng pinggan, diba dapat ako na gagawa niyan? Di ako hinintay.
"Nay..."
"Ano?"
"Ano kasi.. Ah.. Yung.."
"Alin?"
Actually, natatakot na ko kay nanay. Parang alam ko na, na hindi siya sasangayon.
"Kasi.. Pwede ba ko?"
"Saan?"
"May.. EK.."
"EK? Enchanted Kingdom kamo?"
"Opo.. Kung pwede?"
"Sino sino kasama, aber?"
"Sina kuya--"
"Hindi."
"Nay.. Minsan lang to.. Minsan lang naman eh ! Nay, payagan mo lang ako ngayon hindi na mauulit uli !"
"Ah.. Ako ba sinisigawan mo, ha?!"
Grabe nakakatakot si nanay. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Ngayon lang ako napagalitan ni nanay. Seryoso.
"Nay hinde.."
"Subukan mo lang.."
"Nay please.."
"Tigilan mo ko ! Umakyat ka na dun !"
"Nay !"
"Tabi !" Sabay lumabas ng bahay si nanay
Tumakbo ko paakyat sa kwarto at naupo sa sulok sa may kama.
To: Kuya Sean
Sorry. Di ako makakasama kuya ah. Ayaw ni nanay eh. :'(
"message sent failure" basa ko. SHIT NAMAN OH !
Pumunta ko sa fb sabay sinerch pangalan ni kuya.
Sean Martin, yun lang pangalan niya sa fb. Inadd ko kaagad siya tas naghintay. After 30 minutes na-accept niya. Minessage ko nalang sakanya yung sasabihin ko.
Sean Martin:
Okay lang :(( Sayang.. Gusto q p nmn sana ikaw kasama..
Nireplayan ko nalang siya.
"Okay lang :) enjoy nalang kayo ! Cnu nga pala kasama mo?"
Sean Martin:
Sheenah, Pat, Xaerus, Mama, Pinsan kong lalaki.. 2 yun
Nagulat ako kasama si Pat at Sheenah..
Sean Martin:
D raw kasi mkksama si Nicole kasi may lakad sila. Si Glaiza naman, may sakit raw..
BINABASA MO ANG
Started With A Tease
HumorIts funny how some things would start off with just a little tease. With one thing led to another. How can you survive this type of craze? Hi! Samahan niyo ang pag-ikot sa makabuluhang mundo ng isang grade 7 at isang 4th year highschool.