- - Friday, sumunod na Linggo - -
"Hala! Grabe lakas ng ulan." Bulong ko sa sarili
Mag-isa kong uuwi ngayon, absent si Sheenah'ng mataray.
Anlakas ng hangin sa labas, kulang nalang liparin pati yung mga puno. Yung ibang dahon lalong nagkakalaglagan. Tas yung ulan sumasabay sa hangin. Parehong grabe lakas.
Nilabas ko yung payong ko sa bag ko. Pinatong ko muna sakin yung hoodie ko, para di ako mashado mabasa.
Lumabas na ko ng campus, seryoso ah... Feeling ko hinagangin yung payong ko... Naglakad na ko papauwi. Nung may nakita kong naglalakad rin, kapareho nung direksyon ko..
Si Sean?!
Di niya ata ko napapansin.
Nakapatong sa ulo niya yung bag niya, pero seryoso.. Nababasa parin siya, alangan. Basa na nga sha eh, kung tutuusin pinipigilan niya lang ginawin. Halata namang giniginaw na sha eh.
Sinabayan ko sha sa paglakad, which means: nilapitan ko na sha. Pinayungan ko na rin sha.
Napatingin sha saken tas napa smirk nung nakita niya ko..
"Bea..." Sabay hinila niya ko, akala ko mang-iismack nanaman eh. Niyapos niya lang ako.
ASSUMING MASYADO! xD
"Anlamig mo.." Bulong ko
PRAMIS! Anlamig niya ((tanga, basang basa nga diba?))
Nag- shrug lang sha.
"Da't kasi di ka nagpapaulan."
"Eh.. Basta.. Anlamig.." Hinigpitan niya pa lalo yung yakap saken
Tinulak ko sha sabay nag labas ako ng towel ko, yung mga parang sapin sa likod na nakatago lang sa bag ko, da't kasi extra ko yung sa P.E eh.
Pero pinamunas ko muna sakanya. Basang basa eh. Di sha sanay na maligo sa ulan. O magpaulan man lang.
"Sean... Di ka sanay magpaulan..."
"Alam ko... Wag ka na manlait please?"
"Di naman eh."
Binigay ko sakanya yung towel tas yung hoodie ko... Hayy.. Tinaklob ko muna sakanya..
"Oh? Sayo yan ah."
"Hayaan mo na, ako.. Sanay sa ulan.. Kahit umuulan naglalako ako.. Eh ikaw? Isa pa, nilalamig ka na eh. Pagbibigyan na kita." Ngiti ko sakanya
"Salamat ah."
"Wala yun.."
Niyapos nanaman niya ko...
"Sean... Sean? Huy sean... Basa na rin ako..."
"Ay! Sorry... Sorry ah..."
"Sige sige..."
Palakad na kami nung pinapayungan ko siya..
"Tapat mo sayo.." -siya
"Ha? Di. Okay lang. Kaya ko. Naninigas ka na jan sa lamig eh."
"Di eh. Ikaw yung babae eh, sayo nalang yan. Baka magkasakit ka pa.."
"Di yan."
"Para walang away.. Hati tayo.."
Inirapan ko siya..
"Sige na nga."
Palakad na uli kami sabay binulungan niya ko...
"Tricycle nalang tayo, Bea."
Tumango nalang ako... Sabay may naalala ko...
"Ahh.. Ikaw nalang Sean.. Ano kasi eh.."
BINABASA MO ANG
Started With A Tease
HumorIts funny how some things would start off with just a little tease. With one thing led to another. How can you survive this type of craze? Hi! Samahan niyo ang pag-ikot sa makabuluhang mundo ng isang grade 7 at isang 4th year highschool.