Chapter 11

342 8 9
                                    

Pagdating ni nanay sa bahay pumunta agad siya sa kwarto ko..

"Ayos ka na ba Bea?"

"Ha? Ako? Ako nay?! Ako tinatanong mo --"

"Natural. May iba pa bang Bea dito?"

"Uhmm.. I'm great, I'm fine, I'm good ! MAGALING NA ATA KO NAY !!"

"Anong magaling.." Sabay hipo sa leeg ko

"Yan ba ang magaling? Bea magpahinga ka nga jan, wag kang makulit. Grabe init mo, mas mainit pa kesa kahapon. Kung gusto mo pumasok bukas, magpagaling ka."

"Ay... Mataas parin lagnat ko?" Bulong ko

Bat parang feeling ko magaling na ko. Yung tipong ok na ok na! Tooooda maxx! Sabay.. Mataas pa lagnat ko.

Enebeyen?!

Bumalik si nanay: "Pumunta ba dito yung... Sino yun... Si sean?"

"Ha? Ah.. Opo"

"Ano sabi?"

"Ah.. Sabi? Sabi niya? Ah.. Pagaling na daw ako, tas ayun! Napadaan lang daw sha." Ngiti ko kay nanay

"Ah.. Sige.." Na-weirdohan ata si nanay saken

- - - - - - - - - -

"Bea! Kain na!"

Hapunan na pala, ibig mong sabihin 3 oras o higit pa ko nakatulala lang sa kesami?!

Mayy goodness!

Iba nga talaga nagagawa ng.. Lam na!

*FLASHBACK*

"Weh? Weh? Weh? Ang cute mo kya pag napipikon ka.."

"Weh?"

"Oo kaya." Ngiti ko

"May proof ka?"

"Tanong mo sa iba."

"Inlababo ka lang kasi saken." Sabi niya tas nag-smirk..

*FLASHBACK ENDED*

Ay nako! Si kuya Sean nga naman, iba nagagawa sa buhay..

So.. Buong araw talaga ko nakatulala ? Sa kesami ? Nagrereplay ng FLASHBACKS.

Ahhhhy. Nakuuuu ! >__<

Tumayo na ko tas nahilo agad bigla.. Pumunta ko sa kusina tas kumuha na ng pinggan

Pagkakuha ko ng pinggan, naglagay lang ako ng isang subong kanin. Tas buntot na parte nung pritong tilapia. Naupo ako sa may sofa tas dun na kumain. Nagkamay ako, syempre.

"Bea... Pagkatapos niyan uminom ka ng gamot, may pupuntahan lang ako, ha..."

Tumango nalang ako sabay tuloy sa pagkain.

Naghugas ako ng kamay tas uminom ng gamot. Ako na rin naghugas ng mga kinainan kahit na alam kong bawal ako.

Bumalik ako sa kwarto tas nag-isip isip uli.

Pano kaya yun biglaan nalang nangyari?

Yung dati na nangaasar sayo, tas yung kinayayamutan mo. Ngayon parang may gusto narin sayo, tas parang gusto mo ngayon lagi mo sha kasama.

Enebeyen?!

Dumating na si nanay sabay punta agad siya sa kwarto ko..

"Bea, hinugasan mo yung mga kinainan?!"

"Opo."

"Sabi ko ako na diba? Pag ikaw di pa magaling bukas, bahala ka."

- - - - - - - - - - -

Started With A TeaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon