Sa haba ng nilakad namin hindi ko na alam kung meron pa akong suot na sapatos kaladkad dito kaladkad dun hanggang sa marating namin ang isang maliit na bahay.
"Bitawan mo nga ako!, ano bang problema mo!?" isang sigaw lang ang nasabi ko dahil sa pagod ko kakalakad. "Wag kanang magsalita pag ako nabwisit mo. bubugbugin kita!" bigla akong kinabahan sa sinabi niya bakit ba ganto nalang kagalit ang taong to sakin eh tama naman ako kanina nauna naman talaga ako sa kanya sa pili sa totoo lang hindi naman siya pumila.
"Parang awa muna pauwiin mo na ako hinahanap nako sa amin" paluha luha nako ng bigkasin ko ang salita na yan sa kanya. "Hindi! maupo ka jan" pinaupo niya ako sa isang upuan na sira sira at may binulong siya sa akin
"alam mo ba dito ko binubugbog mga taong sinisira araw ko!" bigla akong kinabahan sa takot ay nag-isip nalang ako kung paano ako makakatakas. maya-maya pa bigla nalang akong sinuntok sa bibig nitong lalaking to. para akong nawala sa sarili sa sobrang sakit at napasigaw nalang ako.
"ahhhhhhhhh...!! ansakit" at unti unti nalang tumulo ang mga luha ko. mabuti nalang at hindi nakasarado ang pinto at saktong nakatalikod ang lalaking simula ngayon ay kinamumuhian ko na. agad akong tumakbo palabas kahit masakit ang mga paa ko. sa awa ng diyos ay natakasan ko ang lalaking nagbigay hirap sakin ngayong araw.
kasalukuyan akong nasa tapat ng bahay namin nag-iisip kung ano ang idadahilan kay inay at panigurado ilang sigaw na naman ang ibubungad niya sa akin pero bahala na.
"O buti umuwi kapa kala ko lalayas kana! sa susunod kung nahihirapan kana sabihin mo lang hindi naman kita pinipilit tulungan ako." nagulat ako sa inasta ni nanay parang bago kasi lagi niya ako sinisigawan pero ngayon parang may lungkot sa puso niya at parang may bahagi sa kalooban niya na ayaw niyang mawala ako. kahit hindi ganun kalaman yung sinabi sakin ni inay kahit may galit siya parang nawala padin ang kirot ng mga sugat na natamo ko kanina at napalitan ng saya parang ngayon lang napalambot ni inay ang puso ko.
"Pasensya na po inay akyat na po muna ako" yan lang ang nasabi ko dahil sa takot na baka mamaya pagalitan naman niya ako pag nagdrama pako sa kanya buti nalang hindi napansin ni inay na may sugat ako sa labi na suntok ng lalaking walang modo na yun. kasalukuyan ako ngayong nasa kwarto ko kakatapos ko lang linisin ang sugat ko nagmumuni muni ako ngayon at iniisip bakit ganun ang ugali ng isang yun kakaiba parang hindi lang matupad ang kagustuhan lahat gagawin niya makaganti lang nakakatakot na baka sa pasukan eh lagi niya akong pahirapan hays. ngayon eh inuunti-unti ko nalang pagaanin ang sakit na natamo ko at para narin makatulog dahil bukas bibili pako ng gamit ko sa school at uniform na kailangan.
unti unti na akong nakaramdam ng antok at maya maya pay binalot na ako ng kadiliman.
HAYDEN POV
Hindi ko din alam kung ano ang nagudyok sakin para hanapin ang baklang nambwisit ng araw ko kasi pwede ko naman baliwalain nalang yun at makikita ko din naman siya sa school. sa pagiikot ko paglabas ng school nahawi ng mata ko sa di kalayuan ang baklang hinahanap ko aktong paakyat na siya ng jeep kaya agad ko itong tinakbo at pinigilan
"Manong sige po hindi siya sasakay nantitrip lang po siya." pagsabi ko sa driver dahil ito'y naghihintay. "Hoy kayo kung mangiistorbo kayo wag ako ha nagtatrabaho ako mga batang to!" buti nalang at kumaripas na ng takbo yung driver kung hindi nakatikim siya sakin. agad kung kinaladkad ang baklang to sa bahay na ginagawa kong palipas oras sa mga taong sumusuway sa mga gusto ko.
hindi ko namalayang nasuntok ko siya pero mahina lang naman di ko kasi napigilan ang sarili ko agad naman itong sumigaw ng pagkalakas lakas at napansin kong nagdugo ang parte ng labi niya na nasuntok ko. kaya agad akong tumalikod sa kanya para kuhanin ang first aid. siraulo ko lang sinuntok ko ngayon gagamutin ko. pagtingin ko sa kinaroroonan niya tila may galit na naman na namuo sa akin aba nawala ang bakla at tumakas dahil ang pinto ay halatang umuwang ng pagkalaki laki. agad ko naman siyang hinanap ngunit sa kamalasan natakasan niya ako. lalong tumindi ang galit ko sa kanya. "Wag kalang magpapakita saking bakla ka kundi patay ka sakin" bulong ko sa sarili.
Umuwi ako ng bahay at nakita ko na naman ang daddy ko. gigil na gigil ako pag nakikita ko siya. nambababae kasi ang daddy at naawa ako sa mommy ko dahil wala siyang kaalam alam. simula nun hindi ko na siya pinapansin siguro kaya ganto ang ugali ko dahil lumaki akong may galit sa dad ko.
"O hayden son anjan kana pala" wika ng dad ko na may pagkagalak. "Bat andito ka? diba dapat nasa office ka!?" pagsagot ko sa kanya na may halong galit sa tono. "Ah anak kasi gusto ni daddy mo nagmagdinner tayo ngayon sabay sabay" pagsingit ng mommy ko na kala mo alam na alam ang pinag-gagawa ng daddy.
"Oo nga kuya kaya tara na kain na tayo" sambit pa ng bunso kong kapatid na si hanna. "Ayoko wala akong gana! gusto ko na magpahinga pagod ako" yan nalang nasabi ko sa pamimilit nila, ayoko talaga makita ang daddy ko namumuo ang galit at puot sa puso ko pagnakikita ko siya kahit boses lang niya marinig ko naiinis ako.
"Anak sige na naman na ngayon lang...." hindi na natapos ni mommy ang sasabihin sa pamumutol ng magaling kong ama. "Hindi hon hayaan muna baka pagod talaga ang anak mo." isang katahimikan nalang ang bumalot sa kanilang tatlo matapos sabihin ni yun ni daddy. "Ge akyat na po ako!"
Kasalukuyan akong nasa kwarto ko ngayon pagod talaga ako at gusto ko na magpahinga at matulog kaya lang kanina pa may gumagambala sa isip ko. naiisip ko na naman ang baklang nambwisit sakin pag talaga nakita ko yun humanda siya sakin. agad naman akong dinalaw ng antok dahil narin sa pagod at dahan dahan binalot ng dilim at nakatulog na din.
BINABASA MO ANG
The Poor Bad Boy (COMPLETED)
RomanceWalang pinipili pag dating sa pagmamahal. Kapag nainlove ka sa taong hindi mo gusto ang ugali, hindi mo kailangan piliting magbago siya.Bagkus ikaw ang magiging dahilan para magbago siya kasi mahal ka niya. Subaybayan natin ang namuong pagmamahalan...