"TPBB Chapter 18"

5.8K 193 4
                                    

HAYDEN POV

Sa sobrang excited 4am palang gising na ako pero ayos lang naman 8am kasi sakto aalis na kami. Halos handa na ang lahat. Personal bus namin ang dadalhin kaya kasya kaming lahat. Kinuha ko agad ang cp ko para matext ang mahal ko.

"Goodmorning pinakamamahal ko. Ang aga ko no? Haha. Bangon na jan dali" sabay send sa kanya. Hindi pa ako nakakatayo para maghilamos agad naman nagreply si jade. Wow maaga din siya haha. "Di ka naman atat niyan mahal ko? Haha. Sige na magayos kana baka may makalimutan kapa sa sobrang excite mo hihi" agad naman akong nangiti sa mensahing iyon ng mahal ko. Ang sarap sa feeling no? Ang sarap mag-mahal.

Bago pa ako makatayo nagtext ulit si jade sa akin. "Nga pala mahal. Yung sa daddy mo ano na?" Agad naman akong napaisip. Actually ayos na ang lahat nagkausap na kami ng daddy ko. Nakaplano na ang lahat.

FLASHBACK

Matapos naming magharutan ng gabing iyon ng mahal ko agad din akong nagpaalam dahil ayaw niya na gabihin ako. Eh syempre ayoko namang pagtalunan pa naman yun. At tama naman siya sa part na yun kaya agad din akong umuwi. Pero habang nilalakbay ko ang daan bigla kong naisip yung tungkol sa dad ko. Kaya minabuti kong itigil muna ang pagmamaneho at kausapin ko na ang daddy para di na tumagal pa.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan siya. "Hello? Anak?" Bungad nito ng sagutin niya ang tawag ko. "Magkita po tayo ngayon na." Sambit ko dito sabay baba ng telepono. Bago akong pumunta sa meeting place namin ni daddy tinext ko na ito agad kung saan iyon kaya alam niya kung san kami magkikita.

Pagdating sa shop na yun nakita ko na agad si daddy. Wow excited siya pero sabagay malayo kasi iyon at siya'y malapit doon.

"Anak anjan kana pal.." Aktong tatayo pa ito para salubungin ako pero pinigilan ko na. "Maupo na po tayo para masimulan ang paguusap." Agad naman itong nahinto at bumalik sa pagkakaupo.

Umorder muna kami bago namin simulan ang dapat pagusapan. Halos pagdating na pagdating palang ng order namin agad ko din tinanong ang daddy "bat niyo pa ginawa yun? Bat kay jade pa?" Agad naman siyang napatitig sa akin. "Ah eh anak kasi... Ano.. Ayaw niyo kasi ako kausapin at alam kong siya lang makakatulong sa akin." Tugon nito. Agad ko naman siyang tinitigan na para bang nagtatanong. "Dad ano na naman ba to? Tama na tong kagaguhan na to." Bigla kong sambit sa tatay ko pero mahinahon lang naman.

"Anak gusto ko na kayo makasama. Oo nagkamali ako nun kaya sana patawarin niyo ako. Mahal ko kayo. Mahal na mahal. At ayoko ng mawalay pa sa inyo. Gusto ko mabuo ulit tayo bilang pamilya at pinapangako ko hindi ko na ulit gagawin yun." Mahabang salaysay ni daddy. "Eh bat ginawa niyo padin? Ano dahil gusto niyo lang? Dad lagi niyo pong sinasabi sakin nun nung kami pa nung ex ko na wag akong gagawa ng kalokohan. Wag titikim ng ibang putahi kung sawa na. Lagi yan dumadaplis sa kokote ko hanggang ngayon tapos kayo gagawin niyo? Ano ba talaga dad?" Agad naman natahimik at aktong paluha na ang isang mata ng daddy ng marinig ang mga katagang iyon sa akin.

"Anak Nagkamali ako. Alam kong sobrang laki ng kasalanan ko sa inyo. Nagsisisi na ako anak. Tulungan mo ako. Gusto ko na kayo makasama. Sana mapatawad moko. Patawarin niyo ko." Agad naman nagsituluan na ang mga luha ni daddy pero halos di padin kami pansin ng ibang tao dahil mahina lang ang paguusap naming dalawa.

Agad naman akong tumayo at yayakapin ko ang dad ko. Nakita ko ang senseridad sa mga pinapakita niya sa mga oras na ito. Ayokong magbulagbulagan at maging manhid. Alam kong nagsisisi na ang daddy. At alam ko din na para din ito sa pamilya namin kaya sa mga oras na iyon nakapagdesisyon na ako natutulungan ko ang daddy ko.

"Sige po dad tutulungan ko kayo. Pero pag nagkamali pa kayo ulit wala na po kayong tulong na makukuha kahit na kanino." Sabay haplos sa daddy ko.

Ang hirap din kasi ng walang tatay lalo nat alam mong anjan lang naman sa tabi tabi pero ikaw mismo ang ayaw malaan ng oras para sa kanya i mean kausapin siya kung may nagawa man siyang kasalanan. Alam niyo kahit sinong tao! Walang karapatang hindi magpatawad lalo na kung magulang mo. Oo bad boy nga ako pero alam ko ang tama at mali lalo na pagdating kay god. Siguro kung meron man akong kasalanan sa diyos na alam kong hindi ko pinagsisisihan? Iyon yung minahal ko si jade kahit alam kong tutul ang diyos dito. Wala akong magawa. Mahal ko siya at mahal niya ako. Oo mahirap pero hindi ko padin alam ang sagot. Basta sa ngayon nagmamahalan kami.

Halos nagtagal kami sa yapusan ng daddy ko sa dami ng hugot ko. Eh hayaan niyo na minsan lang din naman ito mangyari sa amin ng daddy.

Halos lahat nagpasyahan namin ni dad ang outing para bukas ang pagsuyo muli kay mommy. Lahat lahat planado na. Matapos namin mapagusapan lahat ayon naliwanagan din ako kung bakit nambabae ang daddy. Lasing daw siya nun dahil nagtalo sila ni mommy. Eh hindi naman niya alam na andun ako. At sa totoo lang? One time lang daw yun nangyari wala ng ibang araw. Kaya mas lalo akong nagalak na pagisahin ulit ang mga magulang ko.

Halos malunod ako sa nangyari nung araw na iyon sa sobrang saya at halos lamunin agad ako ng dilim sa sobrang pagod sa mga nangyari kaya maaga din akong nakatulog pagkauwi ko nung araw ding iyon.

END OF FLASHBACK

At ayon nga masyadong madrama. Pero bago pa man ako tumayo para makapaghilamos na ay nireplyan ko din si jade para maupdate siya since naitanong naman na niya.

"Ayos na mahal nagkausap na kami. Diba sabi ko wag muna isipin yun? Ikaw talaga napakapasaway mo." Agad naman nagreply si jade sa reply ko na yan sa kanya. "Haha edi wag! I love you bad boy kong mahal <3" text niya pa at nagreply nadin ako bako nagsimulang maghilamos. "Ilove you more pasaway! Na galit sa poging mayayaman na katulad ko hihi mwa <3" sabay send at baba ng cp ko.

The Poor Bad Boy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon