"TPBB Chapter 12"

6.9K 244 16
                                    

Naging maayos na ang aking palagay. Yung mga tanong na namuo sa akin bata palang ako hanggang ngayon nasagot na. Pero kahit ok na ang lahat nagbabalik na naman yung pakiramdam ko nung bata ako yung tipong gusto ko na ulit makilala ang tatay ko kahit papaano dahil hindi naman pala ako tinakwil nito. Ewan ko pero parang sa tuwing makikita ko ang sarili ko na malungkot parang naalala ko na kailangan ko ang tatay ko hay ewan.

"Jade ayos kalang?" Pagbasag ni hayden sa akin habang nagmamaneho. Kasalukuyan kaming nasa sasakyan tutungo kami sa bahay nila hayden dahil pakikilala daw niya ako sa kanyang pamilya nung una kinakabahan ako pero kinocontrol ko ang kaba ko pero habang papalapit ng papalapit sa bahay nila hayden para akong malulusaw e. Kahit pala nakahinga kana sa ibang pinoproblema mo iisipin at iisipin mo padin pala ang iba pang problema. Andae ko iniisip sa tatay ko at ngayon sa pamilya ni hayden.

"Wala ayos lang ako." Sagot ko kay hayden habang huminto ang sasakyan. "Wag mo na isipin wag kana kabahan andito na tayo." Sambit nya na nagpataas ng balahibo ko. Kinabahan ako ng todo ngayon hindi ko alam kung makakagalaw pako.

Inakay naman agad ako ni hayden papasok sa bahay nila. Halos ma windang ang mga mata ko sa ganda parang prinsepe at prinsesa ang mga nakatira sa nasasaksihan ko ngayon apaka ganda ng bahay nila kakaiba.

"Tara na tulala ka padin umayos kana andito na tayo." Agad naman akong sumeryoso sa sinabi ni hayden.

Pag pasok palang napukaw agad ng aking mga mata ang isang babae na napakaganda pero may edad na at isang lalaking parang may ari ng isang kumpanya sa hubog at porma palang kitang kita na mayaman na.

"Mom, Dad." Pagbati ni hayden ng makarating kami sa kinaroroonan ng mga magulang niya grabi ito pala parents niya kabog ah.

"Mom. Dad. This is jade my partner." Pagpapakilala sa akin ni hayden. "Oh siya pala. Well jade nice to meet you." Bati ng mommy ni hayden agad ko din naman binati bilang pag galang. "Nice to meet you din po."

"So jade ang nanay mo pala ay si cora ang dati naming kasambahay. Na nagnakaw dito kaya napatalsik." Agad na sindak sa akin ng nanay ni hayden agad naman akong nasaktan sa sinabi nito hindi ko alam to. "Hah? Ano po?" Pagmamaang maangan ko na hindi ko narinig pero rinig na rinig ko ang sinabi nito. Hindi magagawa ni inay ang magnakaw.

"Ang sabi ko magnanakaw ang nanay mo. Kinuha niya ang isa kong kwintas alam mo ba yun." Pag sigaw ng nanay ni hayden sa akin agad naman akong napaluha sa takot at kahihiyan.

"Mom tama na! Hindi si nanay cora ang kumuha nun! Wag nyo nga ako ipahiya kay jade mon please." Pagsagot ni hayden sa nanay nya. "Tignan mo john ang natututunan ng anak mo sa baklang yan." Sambit ng nanay ni hayden "Simula ngayon pinuputol ko na ang pagiibigan nyong dalawa! Hindi eh ok na sana kung bakla o ano pa pero sa anak ng magnanakaw na walang pinag-aralan no way! Lalo na yan pa natututunan mo! Hindi! Hindi ako makapapayag hayden." Bulalas ng nanay ni hayden.

Hindi ko na kinaya ang tensyon at tumutulo na ang luha ko ng sobra kaya nanakbo na ako palabas ng bahay nila. "Jade sandali!" Sigaw sa akin ni hayden pero hindi na ako huminto at nagderederetso nalang sa pagtakbo. Narinig ko pa ang huling hiyaw ng nanay ni hayden "Pag sinundan mo siya itatakwil ka namin at wala kanag babalikan dito sa amin!"

Nanakbo nalang ako ng nanakbo hanggang sa hindi ko na alam kung san ako napadpad. Hindi muna ako uuwi dahil ayoko makita ako ni inay na ganto.

"Tao po? May tao ba jan?" Pambubulabog ko sa bahay nila Sir gualberto dito muna ako dahil malapit lang naman ang bahay nito dito kung nasan ako.

"Oh Jade ikaw pala." Pagbukas ng pinto ni sir gualberto agad ko naman siyang niyakap hindi ko din alam kung bakit pero siguro sa sobrang emosyon na nararamdaman ko ngayon kaya ko siya nayakap. "Oh bakit ka malungkot?" Tanong sa akin ni sir gualberto habang nakayakap padin sa kanya. "Pwede po sa loob nalang natin pagusapan?" Tugon ko sa kanya sabay yaya niya pagpasok sa loob.

Halos isang oras kong nakwento lahat lahat kay sir gualberto magaling sya sa pagpapayo kaya alam kong malaking tulong din yun sa akin.

"Alam mo jade may pagtatapat ako sayo. Pakiusap ko lang sana tanggapin mo wag kang magwawala at ilabas mo lahat ng dapat ilabas kasi pag inipon mo yan sasabog nalang yan at hindi mo makokontrol ang sarili mo." Salaysay ni sir gualberto sa akin. "Sige po."

"Alam mo jade kaya kita tinutulungan lahat ng pangangailangan mo binibigay ko lahat ng kailangan mo laging anjan pinapadala ko sayo. Yun ay hindi tulong hindi din awa! Yun ay responsibilidad ko sayo." Pagsisimula ni sir na mas lalo akong naguluhan.

"Jade anak. Ako ang tunay mong tatay. Hindi ko sinabi sayo dahil ayaw pasabi ng nanay mo. Nung una kasi mga limang taon kapalang nun ang sabi ko sa kanya kukunin na kita at ako na ang mag-aalaga sayo. Pero ayaw ka niyang ibigay hanggang sa napagdisisyunan ko na sa nanay mo nalang ikaw dahil wala naman akong magawa ayaw ka niyang ibigay sa akin. Kaya ang ginawa ko nagpanggap ako sayo para patago man napagaaral kita." Mahabang salaysay pa ni sir gualberto halos manlata na ako sa sunod sunod na rebelasyon sa buhay ko hindi ko na alam kung kaya ko pa.

"Pasensya kana anak alam kong nahihirapan ka pero kailangan ko na sabihin sa iyo dahil alam mo na ang sikreto ng nanay mo." Tulala padin ako hanggang ngayon hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hanggang sa nahilo nalang akong bigla at medyo tumutuklap tuklap na ang aking mata pasara. "Anak anong nangyar.. Anak!" Huling sigaw ng tunay kong tatay bago akong lamunin ng dilim at natumba sa kinauupuan ko.

The Poor Bad Boy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon