"Kung ang iniisip mo ay ang mga sinabi ko. Oo ipinaglaban kita!" Dagdag pa ni hayden. Sobrang naguguluhan na ako. "Halika may pupuntahan tayo." Sabay hablot sa kamay ko. "Teka san tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya pero tila hangin ang tinanong ko dahil wala akong nakuhang sagot sa kanya.
Naglakas kami at sumakay ng jeep. Habang binabaybay namin ang daan alam ko kung san kami papunta. Daan ito papunta sa bahay niya nung nagpapanggap pa siyang mahirap habang nanliligaw sakin.
"Andito na tayo." Bigla niyang litanya pagkahinto namin sa tapat ng pintuan. "Hayden ano ba to! Itigil mo na nga ito. Ito ka na naman eh. Umuwi kana." Bigla kong bulyaw sa kanya. Bigla siyang napatitig sa akin at nagbigay ng malungkot sa ekspresyon. Hindi na ako nagsalita at hinayaan ko na siya. Oo nakaramdam ako ng awa at ayoko siyang nakikitang ganto ang ichura.
Pagkapasok palang agad ko na siyang tinanong kung bakit andito na naman kami. "Hayden ano bang ginagawa natin dito please lang nahuguluhan na ako sa....." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng simulan niyang magkwento.
"Kaninang umaga tinanong ulit ako ni mommy mas malaman ang mga katagang sinabi niya." Pagsisimula nito habang nakatulala at balisa. "Ok daw payag na siya pero sa isang kundisyon! Bigyan ko daw siya ng magandang rason kung bakit ikaw daw ang minahal ko. Pero di daw ibig sabihin nun tanggap ka daw niya ang kanya lang bahala daw ako kung ano gusto ko basta bigyan ko lang daw siya ng rason." Dagdag pa nito sabay luha ng isa niyang mata. Alam ko sa sarili ko na hirap na hirap din siya. Kaya mas minabuti kong pakinggan at unawain siya.
"Ang sabi ko. Mom ayoko nang maulit ang nangyari sa amin ni hanna. Nasaktan ako ng sobra. Alam niyo yan dahil kayo nasaktan din. At ngayon sobrang nagmamahalan kami ni jade kung tutuusin mas masaya pako ngayon pero bakit niyo ko pinipigilan maging masaya. Lahat yun sinabi ko sa mom ko at magdesisyon nadin ako nung mga oras nayun jade. Umalis na ako sa bahay at mas piniling mamuhay mag-isa para maging masaya kasama ka. Tutal hindi kadin naman nila tanggap at hahayaan din naman pala nila ako eh mas pinili ko nalang to para matapos." Mahabang magkwekwento ni hayden. At dun na tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Napakagago lang nito. Alam ko na mahal na mahal ako ni hayden at ganun din ako sa kanya pero mali ang desisyon niya. Kahit saan tignan maling iwanan ang pamilya.
"Hayden makinig ka ha." Bigla kong sabat sa kanya mas pinili kong maging malumanay para mas maintindihan niya. "Bumalik ka sa magulang mo. Kung ako importante sayo for sure mas importante sila. Mali ang desisyon mo eh siraulo ka." Agad naman napatingin sa akin si hayden na parang may pagtatanong sa mga mata.
"So ganun lang yun jade? Lumaban ako tapos ikaw susuko ng ganun ganun lang. Ganyan lang ba talaga ako sayo. Kanina ganyan ang sinabi mo tapos kwinento ko nasayo lahat ganyan padin? Tangina naman jade!" Mahabang litanya niya na nagpainis sa akin. "Makinig ka muna kasi hindi pa naman tapos diba." Agad naman siyang umayos at nakinig. "Bumalik ka sa parents mo pero hindi ibig sabihin nun sumuko na ako. Ang gusto ko lang wag mong iwanan ang magulang mo lalo pat alam mong may problema sa magulang mo. Andito padin naman ako tayo padin at hindi tayo maghihiwalay. Oh ano kung ayaw nila sa atin. Ipagwalang bahala nalang muna natin dadating naman ang panahon at tatanggapin din ako ng parents mo. Hayden una palang to kaya sana wala agad susuko. Marami pa tayong pagdadaanan kaya walang bibitaw kahit anong mangyari ok." Mahaba kong tugon sa kanya. Agad naman bumalik sa katinuan si hayden at lumapit sa akin.
"Mahal na mahal kita jade. Alam ko mahirap pero tama dapat walang susuko. Sige uuwi na ako maraming salamat. Hindi nga ako nagkamali sa pagpili ng mamahalin." Sabay yakap sakin ni hayden at biglang dumampi ang labi niya sa ilong ko. "Mahal na mahal din kita." Ang sagot ko naman sa kanya sabay halik sa labi niya.
"Bat mo ginawa yun?" Bigla niyang sambit sa akin matapos kong tanggalin ang lapat ng labi ko sa labi niya. "Ang torpe mo kasi tayo naman hehe" bulong ko sa kanya. At sabay naman kaming nagtawanan at ipinagpatuloy ang paglalapat ng aming mga labi na may senseridad at pagmamahalan.
Natapos kaming magayos ng mga sarili namin. Pauwi na ako at pauwi na din si hayden oo mas minabuti niyang ngayon na umuwi. Hindi ko naman siya pinigilan at hindi nadin ako nagpahatid dahil medyo padilim nadin baka kung mapano pa siya.
HAYDEN POV
Nandito na ako sa tapat ng bahay namin medyo natatakot pa ako pero nilakasan ko na ang loob ko. Pero bago pa man ako makapasok sa loob agad ko ng napansin ang daddy ko na nasa labas sa garden. "Son! Halika dito." Pagtawag sakin ng daddy ko. Lumapit nalang ako kahit galit na galit ako sa kanya.
Nang makalapit ako sa kanya agad siyang nagsalita pa. "Son. Bakit mo ginawa yun? Dahil lang sa baklang yun kaya mo ginawa yun? Mas pinili mong iwan kami?" Mas lalo akong nagalit sa litanya niya. Ayoko sana siyang sagutin at sigawa dahil tatay ko siya pero siguro ito nadin ang oras hindi ko nadin kasi mapigilan.
"Mahal ko siya! At hindi ako papayag na mawala siya sa akin. Hindi niyo ako katulad dad! Hinding hindi." Pagkatapos kong sabihin lahat yan bigla akong sinampal ng daddy ko. "Bakit niloko ko ba ang mommy mo?" Tanong ni dad ng may pagkadiin ang tono. "Bakit hindi ba? Pwede ba dad magpakatotoo na tayo! Oo alam ko ako lang ang nakakaalam. Dad minahal ka ni mommy wag mo naman gawin sa kanya to. Pati kapatid ko madadamay. Dad sige na wag na tayo maglokohan!" Sabay alis at iniwan ko ang daddy ko. Hindi muna ako pumasok at dumeretso muna ako sa likuran ng bahay namin dahil may garden din dun at dun muna ako magpapalamig.
BINABASA MO ANG
The Poor Bad Boy (COMPLETED)
RomanceWalang pinipili pag dating sa pagmamahal. Kapag nainlove ka sa taong hindi mo gusto ang ugali, hindi mo kailangan piliting magbago siya.Bagkus ikaw ang magiging dahilan para magbago siya kasi mahal ka niya. Subaybayan natin ang namuong pagmamahalan...