"TPBB Chapter 20"

4.7K 180 1
                                    

Nagising nalang ako dahil sa sinag ng araw. Halos damhin na ng buo kong katawan ang prisensya ng buong vitamin D dahil halos buong katawan ko eh nakatapat na sa araw sa laki ng bintana.

"Goodmorning anak. Bangon na umaga na oh. Para makapagsaya naman tayo." Agad na bungad sa akin ni inay. Siya pala may kagagawan ng pagbukas ng bintana, si nanay talaga. "Nay kayo talaga oh. Eto na sige na susunod na po ako." Sabay bangon at naupo sa kama. "Oh asan si hayden? Pagpasok ko wala na siya. Ang aga naman nun" pag pansin ni inay kay hayden ng makitang wala ito sa kwarto.

"O nga pala nay. Pwede po ba umuwi na po tayo?" Agad naman nagulat si inay sa sinabi ko. "Oh bakit nam... Teka bat maga yang mata mo? Umiyak kaba o nagpuyat?" Agad ding pagpansin ni inay sa aking mga mata. "Wala to nay sige na po magayos na po tayo para makauwi. Ako napo kakausap kila mommy. Sabihin niyo nadin po kay papa ha." Pagutos ko sa nanay ko. Wala na talaga kasi akong gana magbakasyon. Naiinis lang ako.

"Eh anak ngayon panga lang kami tatapak sa dagat tapos pauuwiin mo na agad kami?" Pagreklamo ni nanay. Agad naman akong nabusangot lalo. "Please nay. Next time nalang. Wala talaga ako gana." Dagdag ko pa. Agad naman akong inisnob ng nanay ko at iniwan na ako sabay labas ng kwarto pero bago pa ito lumabas may sinabi pa ito. "Ay ewan ko sayo. Bahala ka basta kami party!!!" Natawa naman ako sa inasal ni inay parang dalaga lang ang peg. Kaya hindi ko na pinilit pa sila at hinayaan nalang. Baka ako nalang umuwi magisa.

Pagbaba ko andun sa silang lahat sa hapagkainan para makapagbreakfast. Agad naman akong naupo para makakain nadin. Halos lahat sila bakas sa mukha nila ang saya kaya ayoko nadin talaga silang pilitin. Ayokong maging dahilan ako para maging malungkot sila kaya pagtapos naming kumain agad kong kinausap ang papa ko about sa paguwi ko.

"Pa uuwi po ako. Wag kayo magalala ayos lang ako." Nagulat naman ang papa ko "hindi! Anong uuwi. Magtigil ka jade" sagot ni papa. Nagtry lang ako dahil alam ko naman na di ako papayagan pero wala na ako magagawa ayoko na ng gantong pakiramdam.

Lumipas ang oras pero wala naman akong nagawa kaya halos lumamon at matulog lang ang aking ginawa. Hayop tlagang lalaking yon. Wala talaga siyang balak bumalik. Ano bang nangyayari sa kanya? Pero bahala siya wala nakong paki sa kanya.

Agad naman akong napansin ni perrie ng makalapit ito sa akin galing dagat. Si xander naman dumerto sa pagkain dahil nagugutom daw ulit ito. "Mars anong problema? Anyare sayo?" Tanong nito na may pagkaalala ang tono. "Naku mars wala ito ayos lang ako." Pagsisinungaling ko dito. Ayoko naman na alalahanin pa nila ako.

"Ay alam ko na. Si hayden yan. Naku yaan mo muna jowa mo baka importante lang talaga." Sabat naman ni xander sabay upo sa amin dala dala ang pagkain niya. "Oo nga mars. Tara magswimming nalang tayo. Last day nato bukas uuwi na tayo kaya wag kana magarte jan kembutin na natin to." Agad naman akong napangiti sa litanya ni perrie. Dun ko napatunayan na kaibigan ko talaga tong magjowang unggoy na to hehe.

Kaya naman nagpakasasa nalang ako sa tubig. Naglaro, nagswimming at kung ano ano pa kaya nasulit ko din ang bakasyon na ito kahit ang totoo malungkot talaga ako.

Mag gagabi na nang makabalik ako sa silid. Wala akong nagawa kundi ang tumunganga at kung ano ano pa. Hanggang sa bumukas ang pinto. "Anak tara tinatawag tayo ni hayden may pupuntahan daw tayo dali." Sabay hatak ni papa sa kamay ko. Hablot hablot ako ni papa hanggang makababa.

At nung nasa labas na kami katabi ang dagat agad naman akong bumitaw kay papa. "Pa ano bayan madilim na oh. Wag niyong pinagpapapansin yung lalaking yon" agad naman nagalit si papa sa inasta ko. "Tara na wag na magreklamo." Kaya nagpahatak nalang ako kay papa hanggang sa marating namin ang lugar.

Napaka romantic may isang parang kubo doon na punong puno ng bulaklak. Punong puno ng ibat ibang ilaw ang daanan na nagmistulang surpresa ang lugar para sa isang magjowa kapag anniversarry ng mga ito. Kaya halos matulala ako. Eh teka ano naman gagawin namin dito?

Agad ko din napansin ang buong pamilya namin. Napansin ko din yung iba pero di ko kilala. Pati yung dalawang babae na kasama ni hayden nung nahuli ko siya andun. Kaya yung saya napalitan ng bwisit.

Hanggang sa may biglang lumabas sa gilid. At yun pala si daddy (daddy ni hayden) may hawak na bulaklak. Agad itong lumapit kay mommy (mom ni hayden) sabay luhod at presenta ng kamay nito.

"Hon sana mapatawad mo na ako. Wala akong ibang hilinh sa panginoon ngayon kundi ang kapatawaran mo at ang mabuo ulit ang pamilya natin. Mahal na mahal ko kayo ng mga anak natin. Alam kong malaki ang kasalanan ko sa inyo pero maniwala kayo sa hindi isang beses lang yun nangyari at wala ng iba at hindi ko din sadyang saktan ka nung mga panahon na iyon dahil sa galit lang talaga kaya ko nagawa yun. Kaya sana mapatawad moko." Sabay tulo ng luha ni daddy habang sinasabi niya ang mga litanyang iyon kay mommy. Halos lahat maiyak iyak sa eksenang iyon. "Hon mahal na mahal kita kayo ng mga anak natin" kaya agad din napahawak ng kamay si mommy na nagpapahiwatig na pinapatawad niya na ang daddy.

The Poor Bad Boy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon