HAYDEN POV
Nakahiga na kami ngayon ni jade andito ako sa lapag sapin sapin ang bigay ng nanay niya kahit nahihirapan ako hindi ko pwedeng ipahalata dahil ang alam niya mahirap ako. At isa pa umamin na ako sa kanya na gusto ko siya ligawan kaya dapat tiisin ko.
Sunod sunod naman ang ingay na nabuo ko dahil sa paghampas ko sa mga parte ng katawan ko dahil panay kagat ng lamok. Hindi din kasi ako mahagip ng electric fan isa lang ito at medyo mataas pa na kapantay ng kama ni jade ayoko naman magreklamo kahit alam niyang ugali ko yun eh parang sa oras na ito natatameme ako sa kanya.
"Alam ko nahihirapan ka kasi kanina kapa hampas ng hampas ng malok jan halika na dito kana sa kama malaki naman ito kasya tayo." Agad na sambit ni jade na nagpabasag ng aming pagkakailangan. Akala ko tulog na siya buti nalang.
"Nakakahiya okey lang ba?" Pagtatanong ko ulit baka kasi napipilitan lang siya. "Ano kaba okey lang sige na mahiga kana" agad naman akong sumunod sa gusto niya. Hays napreskohan din kaya lang may unan na nakapagitan namin nakakainis pero ayos nadin atlis magkatabi padin kami.
"Jade di naman sa nagingialam ako bakit may unan sa pagitan natin? Iniisip mo ba hahalayin kita?" Agad naman siyang natawa sa sinabi ko. Ano naman nakakatawa dun eh nagtanong lang naman ako. "Haha osige tanggalin na natin kung naiilang ka." Agad naman niyang tinanggal. Wala padin kibuan parehas namin yakap ang mga sarili namin at nakatitig sa kisame ng kwarto niya. Hindi pa man ako antok pero pumikit na ako paa mabilis ako makatulog.
"Ah hayden kwento ka naman about sa buhay mo." Agad naman niyang pagsisimula para makapag-usap kami pero tila napipe ako at hindi nakapagsalita. "Ay tulog na pala sige na nga matutulog na ako." Dagdag pa niya na pabulong ang pagkakasabi.
Bago pa man ako lamunin ng antok eh may naramdaman akong humawak sa pisngi ko. Alam kong dalawa lang naman kami kaya alam kong siya yun. "Alam mo minsan kahit ang sama sama mo parang wala lang sa akin ewan pero nakakaramdam talaga ako ng kakaiba. Una palang kita nakita sa cashier kumalabog na agad ang puso ko sayo kahit bwisit na bwisit ako sayo nun. Buti nalang hindi ka mayaman may pag-asa talaga tayo nararamdaman ko." Mahaba niyang bulong sa akin habang hinihimas ang pisngi ko hindi niya alam gising pa ako.
Nakaramdam ako ng kakaiba dahil sa ma sinabi niya pero nakaramdam din ako ng takot dahil sa pagkokunwari kong mahirap hays. Agad ko naman siyang niyakap nung mga oras na iyon hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinigpitan ko ang yakap ko para di na siya pumalag.
"Tang*na! Gising kapa?" Gulat na sambit sa akin ni jade habang pumapalag sa yakap ko. "Wag kana pumalag hahalikan kita." Agad din naman siyang tumigil haha ayaw niya talaga pahalik sakin haha hindi ko naman siya pinipilit binibiro ko lang siya alam kong darating kami sa punto na yun.
Agad din kaming nakatulog dalawa ng mga oras na iyon siguro sa tindi nung eksenang iyon at sa sobrang binalot na kami ng mundong kakaiba kaya siguro tinamaan nalang kami ng antok.
JADE POV
Nagising nalang ako ng biglang may narinig akong ingay iyon ang pagtawag ni inay hudyat na handa na ang agahan. Hindi ko agad dinilat ang mata ko dahil antok pa talaga ako at nakaramdam ako ng matigas na malambot na nahihigaan ko agad ko din dinalat ang mata ko at sa di inaasahan muntik na ako mapasigaw buti nalang napigilan ko dahil tulog pa si hayden. Hello nakahiga lang naman ako sa dibdib niya habang yakap niya ako. Ang himbing ng tulog niya kaya agad akong kumalas sa yakap niya para maghanda at magayos sa sarili agad naman akong nakawala.
"San ka pupunta?" Hindi pa ako nakakalabas ng pintuan ng kwarto ko ng marinig kong sabihin yan ni hayden agad ko naman siyang nilingon at nakita kong nakadilat na ito ang gwapo gwapo niya padi. Kahit bagong gising.
"Ah ano.. Kasi.. Ano.. Kasi tinatawag ako ni inay." Pautal utal kong sabi sa kanya agad naman siyang ngumiti at tumango hudyat ng pagpayag niya. Agad ko naman tinungo si inay at nadatnan kong naghahanda na siya sa mesa.
"Oh nay bakit po.?" Agad kong bungad sa nanay ko habang abalang pinupunasan ako mga plato. "Oh anak gising naba si pogi? Kumain na kayo nakahanda na ako." Agad namang tugon ni inay na may pagkagalak.
Minsan tong nanay ko para ring si hayden eh ang hirap basahin..
Wala pang sampung minuto agad namang bumaba si hayden at ngiting ngiti ang ibinagay niya sa amin ni inay habang bumababa ng hagdan kala mo nanalo ng isang milyon.
"Oh pogi gising kana pala nakascore ba tayo?" Agad na bungad ni inay kay hayden. Teka anong nakascore? "Ah opo tita ayos na ayos po." Agad namang sagot ni hayden. Teka ano ang hindi ko alam? Mm may tinatago tung dalawang ito! "Halatang halata sa ngiti mo." Pagsambit ni inay sabay naman silang tumawa.
"Teka anong score at ano yang tawanan na yan? Mm ano ibig sabihin nito nay?" Agad ko namang pagmamatyag sa ginagawa ng nanay ko. "Naku nak wala nagpustahan kami ni pogi sa nba." Palusot ni inay alam kong hindi totoo yun. Alam ko namang hindi sasabihin sakin ni inay ang sikreto nilang dalawa kaya hindi nadin ako nagpilit.
Patapos na kaming kumain at agad naman na akong naligo dahil maaga pasok ko si hayden din kasi maliligo sabay na daw kami pumasok.
Nang matapos kaming magprepara agad din kaming nagpaalam kay inay at pumasok na pero hindi agad kami dumeretso sa skwelahan sa bahay muna kami ni hayden tumungo dahil maguuniform pa siya wala kasi ako uniform na extra eh since maaga pa naman kaya sinamahan ko na siya.
Agad din naman naming narating ang bahay ni hayden. Ang gulo gulo pero tila parang may iba. Lahat kasi ng tao nakatingin sa amin eh dito naman nakatira si hayden. Hindi ko nalang pinansin baka nagwagwapuhan lang sila kay hayden.
"Ah bili muna ako kendi sa tindahan ah." Agad ko namang paalam kay hayden dahil magbibihis pa naman siya. Agad naman siyang pumayag.
Andito na ako sa tindahan habang bumibili ako chinismis ako ng tindera. "Ah iho bago lang ba kayo jan?" Sabay turo ng tindera sa bahay ni hayden. "Ay hindi po bumista lang ako. Yung kasama ko po jan tlga nakatira bakit po?" Agad ko namang salaysay at nagdagdag pako ng tanong sa tindera dahil tila napaisip ang tindera. "Eh kasi iho kakalipat lang din niyang lalaki na kasama mo eh. Nasa dalawang araw palang ang nakakalipas." Agad naman akong nagulat sa sinabi nung tindera halos lahat ng taka at tanong eh pumasok na sa utak ko. Kala ko ba dito talaga siya nakatira?...
BINABASA MO ANG
The Poor Bad Boy (COMPLETED)
Roman d'amourWalang pinipili pag dating sa pagmamahal. Kapag nainlove ka sa taong hindi mo gusto ang ugali, hindi mo kailangan piliting magbago siya.Bagkus ikaw ang magiging dahilan para magbago siya kasi mahal ka niya. Subaybayan natin ang namuong pagmamahalan...