Lumipas ang maraming taon. At nanatili kaming magkasama ni hayden, maraming pagsubok ang dumating pero naging matibay kaming parehas para harapin at lutasin iyon.
Ngayon dalawa na ang anak namin at halos hindi kami magkandamayaw sa kanilang kakulitan. Parehas kasing lalaki ang naging anak namin ni hayden. Yes nagpunta kami sa amerika para magkaanak. Alam niyo na ginamit ang aming mga semilya para mabuo iyon hehe. Si Tal ang anak ko. At si Jair naman ang anak ni hayden pero ganun pa man medyo magulo dali mas malapit ako kay jair. Si tal naman laging nasa daddy hayden niya at dun siya mas malapit pero parehas namin silang mahal syempre anak namin sila parehas.
Hanggang ngayon masaya padin kami na kahit mga college na sila eh talaga namang hindi kami nabigo at napalaki namin silang mabuti. Parehas mataas ang mga grado sa skwelahan. Kaya natutuwa ako dahil talagang pursigido sila sa pagaaral nila.
Hanggang sa dumating yung oras na may mababago sa pagsasamahan ng dalawa naming anak. Napansin nalang namin na masyado na silang close sa isat-isa yung tipong mas close pa sa magkarelasyon. Kaya minabuti naming matyagan iyon ni hayden.
At di din kalaunan nalaman naming magkarelasyon sila. Pero tutul ako dahil hindi pwede iyon! Magkapatid sila. Okey naman sa amin ni hayden kung ganun din ang gusto nilang tahakin sa buhay. Pero silang dalawa? No way! Bawal na bawal na bawal.
Pero habang tumatagal si hayden parang hindi sila sinusuway. Kumbaga boto lang sa dalawang anak namin kahit magkaroon ito ng relasyon.
"Ano kaba naman hayds! Bakit mo hinahayaan yung ganto? Malaking kabaliwan. Oo kabaliwan! Hindi pwede to! Anak natin sila!" Pero nanatiling nakatitig si hayden sa akin at walang ekspresyon ang mukha. Ito yung oras na kinausap ko siya dahil nga sa nangyayari sa aming mga anak.
"Mahal ko. Wag kang mabibigla." Panimula nito ng magsalita na ito matapos ang mahabang pagtitig sa akin.
"Patawarin moko kung di ko nasabi sayo. Dahil alam kong okey naman kahit hindi mo alam. Pero dahil sa nangyayaring ito. Feeling ko kailangan mo nang malaman" dagdag pa nito.
Mas lalo tuloy akong naguluhan dahil sa tagal naming nagsasama meron pa palang itinatago itong asawa ko.
"Ano ba yun? Bat ka naglihim.?" Tanong ko pa sa kanya. Huminga muna siya ng malalim bago sabihin ang sasabihin niya. "Kasi mahal ko balak ko naman talaga sabihin sayo kaya lang habang tumatagal nawawala na sa isip ko at sa tingin ko naman hindi naman na masyadong seryoso iyon habang tumatagal na magkakasama tayo, ng mga anak natin." Sambit niya sabay yakap ko sa kanya. "Oh ano ba yun mahal ko?" Tanong ko pa ulit.
"Ampon lang si Jair!" Sabay higpit ng yakap sa akin at di na ako nakagalaw sa pwesto ko at umiyak nalang ako habang yakap yakap ng asawa ko.
Soon!!!!!......
BINABASA MO ANG
The Poor Bad Boy (COMPLETED)
RomanceWalang pinipili pag dating sa pagmamahal. Kapag nainlove ka sa taong hindi mo gusto ang ugali, hindi mo kailangan piliting magbago siya.Bagkus ikaw ang magiging dahilan para magbago siya kasi mahal ka niya. Subaybayan natin ang namuong pagmamahalan...