"TPBB Chapter 14"

6.5K 242 0
                                    

May mga bagay talaga na hahadlang sa pagmamahalan ng dalawang nagmamahalan. Bakit ganto ang life? Hindi ba pwedeng nagmahal kalang tapos? Nakakainis na kasi na nagmahal kalang akala mo bawal eh nagmahal kalang naman!

Kasalukuyan akong andito sa squater na inupahan ko oo yung dati kong inupahan nung nililigawan ko palang si jade. Matapos kong takbuhan ang mommy ko wala akong ibang naisip kundi ang mag-isa muna. Gusto ko mapag-isa ayoko munang puntahan si jade ayoko kasing guluhin lalo ang isipan niya ngayon. Ayoko sana gawin sa mommy ko yun kaya lang hindi ko na napigilan. Ayoko din kasing saktan ang mom ko katulad ng ginagawa ng dad ko na ako lang ang nakakaalam. At ayoko ding ungkatin ang samin ni hanna kaya siguro nailabas ko ang ganong ratchada sa mom ko. Speaking of hanna parehas kasi sila ng pangalan ng kapatid ko. Sana hindi siya nalulungkot ngayon sa nangyayari sa amin. Sana hindi to makaapekto sa kanya matalino kasi ang kapatid ko kaya di niya napapabayaan ang pag-aaral niya.

"Hay buhay." Pabulong kong sabi sabay higa sa kawayang upuan ko dito. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay jade ang lahat ay ewan bahala na.

Jade POV

Andito kami ngayon sa bahay ng papa ko buti nalang at ayos na sila ni nanay. Kahit may pinagdadaanan ako ngayon mas pinili ko nalang munang ngumiti dahil masaya ang pamilya ko ngayon. Ayokong magdamayan kami sa lungkot ngayon kahit ambigat bigat na ng pakiramdam ko. Sabi din ng doctor bawal akong masyadong magisip at magipon ng emosyon dahil makasasama daw sa akin kaya minabuti ko nalang na kalimutan pansamantala ang mga problema ko.

"Oh anak ayos kalang ba?" Sulpot ng papa ko ng mapansin niya akong nakatunghad sa kanila habang nagsasaya. "Opo naman po pa lalo na kasama ko na po kayo." Tugon ko sa papa ko ang swerte ko lang dahil siya ang papa ko alam kong sobrang bait niyang tao.

"Still si hayden padin ang iniisip mo? Alam ko anak naikwento ng nanay mo. Alam mo anak magusap kayo. Makasasama kasi sayo pag hindi mo nilabas yan remember sabi bg doctor." Mahabang pagpapayo ng papa ko "eh pa gusto ko man hindi ko pa po alam di ko nga alam kung magpapakita pa yun. Bahala na po. Ako nalang ang bahala pa magiisip muna po ako ng dapat gawin pag medyo gumaling galing na po ako" agad ko namang nakumbinsi ang papa ko at niyaya niya ako na magsaya kaya hindi na ako nagpapilit at sumama nalang sa papa ko para makalimot naman kahit papaano.

Natapos ang araw ng puro saya lang kainan kwentuhan sayawan at kung ano ano pa ang saya lang dahil kumpleto kami kahit ako lang ang anak ni papa sa aming magkakapatid walang namuong tensyon o hiya bagkus halos masasayang pangyayari lang ang natapos.

Araw na ng lunes kaya balik paaralan na naman at hanggang ngayon hindi ko padin alam kung kakausapin ko ba si hayden punong puno na naman ang aking pagiisip dahil tila hindi ko talaga alam ang aking gagawin.

Nakarating ako ng school at sa awa ng diyos hindi ko nakita si perrie at xander ayoko kasi na tanungin nila ako kung bakit halos tatlong araw akong hindi nakapagtxt sa kanila. Araw ng lunes HBO ang subj. classmate ko si xander at hayden pero minabuti kong wag na muna silang pansinin.

Pagpasok ko palang ng room tanaw ko na si xander at hayden. Alam kong magkalapit lang kami ni hayden dahil iisa lang ang pagitan namin at alam kong nakatingin siya sa akin bago paman ako makaupo pero mas minabuti kong wag na munang pansinin kaya tumingin nalang ako sa ibaba at chaka naupo.

Class dismiss. Natapos ang klase naghadali akong lumabas ng pinto para makaiwas sa maraming tanong ni xander at makaiwas literal kay hayden dahil wala pa akong naiisip kung paano siya kakausapin. "Jade sandali." Sigaw ni xander pero ipinagwalang bahala ko nalang muna at derederetsong naglakad palabas.

Kasalukuyan na akong palabas ng gate ng magtext si perrie sa akin. "Mars bat di mo daw pinansin si xander kanina at excuse me ho halos tatlong araw kang walang paramdam aba wag ganyan mars." Agad naman akong nalungkot dahil kahit papaano nagaalala ang mga kaibigan ko. "Dont worry ayos lang ako text ko nalang kayo pag okey na ako di masyado maganda pakiramdam ko pasensya na." Reply ko sa text ni perrie naaawa man ako pero kailangan ayoko muna kasing magsalita o makipagusap kahit kanino ayoko madagdagan pa ang iniisip ko.

Palabas na ako ng gate at papuntang sakayan na ng jeep oo nagjejeep padin ako kahit mayaman na kami ngayon eh astang mahirap padin ako. Ayokong magbago ito na ang nakasanayan ko. "Ma para po." Pag para ko sa padating na jeep. Aktong paakyat na ako ng may biglang humatak sa braso ko. "Ay hindi po manong hindi po siya sasakay nan titrip lang po siya." Sigaw nung humawak sa akin sa boses palang alam ko na kung sino ito.

"Hayden please wag ngayon." Pagpigil ko sa kanya at aktong ikakalag ko na ang braso ko ng bigla niya akong hatakin palayo. Nakarating kami sa dating bahay kung saan niya ako sinuntok dati. "Teka. Naulit na to ah." Pagsabi ko sa kanya agad nman niyang binuksan ang pinto ng makarating kami sa bahay. "Naalala mo ito yung unang beses tayong nagkita at nagkakilala bilang mortal na magkaawat." Sabay upo niya sa upuan at tumingin sa kisame na may pagkabalisa. "Hayden sige na please uuwi na ako." Pagmamakaawa ko sa kanya pero tila hangin ang aking kinakausap.

Nabalot kami ng katahimikan. Tumabi ako sa kanya at naupo dahil alam ko nang wala siyang balak pauwiin ako.

"Jade mahal na mahal kita. Lahat gagawin ko wag kalang mawala sa akin. Ayokong tularan ang daddy ko sa panloloko niya sa mommy ko. Mahal kita at ipaglalaban kita sa kanila." Mahabang litanya sa akin ni hayden agad namang tumulo ang luha naming dalawa alam kong nasasaktan siya at nasasaktan din ako pero hindi ko alam kung ano ang sagot na ibibigay ko sa kanya magulo pa ang sitwasyon naming dalawa. "Alam mo hayden mahalin mo ang pamilya mo. Wag mo sila iiwan. Kung mahal mo talaga ako mas piliin mo ang pamilya mo. Mahal din kita at kaya kong maghintay kung hanggang kelan nila ako kayang tanggapin para sayo." Bigla nalang lumabas sa bibig ko na alam ko sa sarili ko na gusto kong sabihin sa kanya ang mga salitang ito pero nahihirapan lang ako.

"Ano? Gusto mong mas piliin ko sila kesa sayo ganun ba?" Tanong ulit sa akin ni hayden na parang may diin ang pagkakasabi. Hindi na ako sumagot bagkus yumuko nalang ako at umiyak ng mahinahon. "Tangina naman jade. Ipinaglaban kita tapos ikaw susuko ng ganun ganun lang?" Dagdag pa ni hayden na nagpabalik sa akin para tignan siya. Anong pinaglaban eh ipaglalaban pangalang niya.

The Poor Bad Boy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon