"TPBB Chapter 19"

5.2K 189 1
                                    

Sa haba ng byahe halos mapagod kaming lahat pagdating sa venue. Hindi pa ako makapagpahinga ng maayos dahil kanina pa ako kinukulit at hinaharot ni hayden kaya halos buong paglalakbay namin sa daan puro kulitan lang ang inatupag naming dalawa.

Sila Perrie, Xander, at halos lahat ng pamilya namin lahat sila tumba at halos lahat tulog, kami lang tlaga ang bukod tanging maingay at gising. Ang kulit talaga ni hayden. Pag di ako hahalikan sa leeg kikilitiin ako hihi.

Pagdating na pagdating palang namin sa venue agad kaming nagpahinga. Nagpunta sa kanya kanyang room na nakaassign at nagayos na ng aming mga gamit. Nagulat naman ako dahil pagbaba palang ni hayden ng gamit namin dahil magkasama kami sa room eh bigla nalang nawala at hindi naman nagpaalam sakin. Inisip ko nalang na baka naihi lang o may pinuntahang importante.

Halos inabot ako ng isang oras para mag ayos at magligpit ng aming mga gamit ni hayden. "Oh anak tara na kakain na tayo." Pagbati ni nanay ng biglang sumulpot sa pintuan. "Ah sige po inay." Sambit ko sabay hatak kay nanay pababa.

Pagdating namin sa hapag eh andun na lahat. Ang tatlo kong kapatid, si papa, si mama, si mommy (mommy ni hayden), at si Hanna kapatid ni hayden. Ngunit napansin agad ng aking mga mata na wala pa si hayden kaya agad ko itong tinanong sa kanila.

"Nakita niyo ba si hayden? Kanina pa wala" agad kong tanong sa kanila bago pa ako umupo at humarap sa hapag. "Ah anak hindi ah diba nagkasama kayo?" Tugon naman ng mom ni hayden. "Eh mommy hindi kasi nagpaalam kanina. Pagbaba umalis na agad at hindi man lang nagpaalam." Agad ko ding sagot kay mommy.

"Oh siya baka nagbanyo lang yun o may pinuntahan. Tara na at kumain na muna tayo" agad ding pagyaya ni mommy para masimulan na ang hapag.

Makalipas tatlong oras matapos ang aming pananghaliang iyon wala pading hayden na nagpaparamdam sa akin. Nabalot na ako ng takot at pangamba. Baka kung san na siya napunta.

Wala naman akong nagawa dahil hindi ko siya makontak dahil naiwan niya phone niya kaya pinagmasdan ko nalang ang pamilya ko na nagsasaya. Ang sarap sa feeling na ang saya saya nila. Masaya na ako makita ko lang ang mga mahal ko na masaya.

Halos maglilimang oras na at magdidilim na pero di ko padin alam kung asan si hayden. Kaya minabuti kong hanapin nalang ito. Palakad lakas ako kung saan saan. Halos hindi ko na alam kung nasaan ako napadpad hanggang sa mapunta ako sa isang liblin na lugar medyo magubat din pero hindi siya nakakatok kasi para din siyang isang isla may mga kubo at may mga tao din kaya tumungo agad ako para makita baka andun si hayden.

Halos malingay na ang mata ko pero di ko padin nakikita si hayden. Hanggang sa maaninag ko siya sa si kalayuan. Malapit siya sa isang kubo. At nakita kong nakikipagharutan sa isanh babae. Nope hindi lang isa. Dalawa pa at halos mabali ang ngiti nito. Magaganda yung mga babae at halos lasing edad ko din. Nabalot ako ng inis at pagkadismaya.

"Akala ko ba naman kung asan. Eh naghanap lang pala ng pagtataguan" bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang impaktong hayden. May pa mahal mahal pa sya eh hindi pa kami nagtatagal naglalandi na.

Agad naman akong napansin ni hayden at agad nanlaki ang mga mata nito ng makita ako. At nung aktong pupuntahan ako nagpaharurot na ako ng takbo. Hindi ko alam kung san ang pabalik pero sige takbo padin ako. Hanggang sa makakita ako ng isang kweba. Agad akong nagtago dun para di niya ako makita dahil halos nasundan na kasi ako ni hayden.

"Jade alam ko anjan ka! Lumabas kana!" Sigaw nito na alam kong malapit lang sa akin dahil medyo maypagkalakas ang boses at rinig na rinig ko ito. "Jade lumabas kana!! Naiinis na ako" sigaw pa nito. Halos nakailang bulyaw si hayden pero hindi ako lumabas at nagmistulang bato na humihinga sa gilid sa loob ng kweba.

Pero sa huling hiyaw ni hayden dun lang ako lumabas dahil kinabahan ako. "Jade pag di kapa lumabas magpapakamatay ako!" Kaya agad na akong lumabas at nagpakita sa kanya.

Agad naman kaming nagkatinginan at tumakbo siya sa akin para yakapin ako pero hindi ko nalang ito pinansin at kumalas agad sa yakap niya at natpatuloy sa paglalakad pabalik sa lugar kung asan sila nanay. Sumunod naman agad si hayden.

"Ano bang problema.?" Pagbasag niya ng katahimikan ng makarating kami sa silid namin. Pero nanatili akong pipe at hindi nagsasalita. "Kinakausap kita jade sabi ko anong problema?" Pagulit nito sabay hawak sa kamay ko.

Pinilit ko kalasin ang pagkakahawak niya ngunit malakas siya at mahigpit ang pagkakadampi sa aking mga kamay kaya hindi na ako kumalas at inisip nalang na wala na.

"Ayaw moko kausapin paano tayo magkakaintindihan? Yung kanina wala lang yun. May importante lang akong inaasikaso" dagdag pa nito. Ah importante pala ang maglandi! Pwes "ah importante. Wow sige bumalik kana dun baka naaabala kita sa IMPORTANTE mong ginagawa." Bigla kong sambit sa kanya. Agad naman akong binigyan ng yakap ni hayden.

"Mahal wala yun basta importante. Trust me" pero di ko padin magawang maging masaya at ngumiti. Ano ganun ganun lang. "Tss tumigil ka nga jan. Bitawan moko at matutulog nako. Pagod ako!" Sabay bitaw sa yakap niya at higa sa kama sabay talukbong ng kumot.

Nakiramdam ako kung andito padin ba ang prisensya ni hayden habang nakatalukbong dahil tila wala na si hayden kaya agad kong tinanggal ang kumot at tama nga ako wala nga at iniwan na naman ako.

Wala naman akong nagawa at naging tahimik nalang at nagmukmok. Habang iniisip ko yung pagiwan niya sa akin ng biglaan at ng makita ko siyang may kasamang dalawang babae agad ko ding naramdaman ang unti unting pagbagsak ng mga luha ko hanggang sa makatulog ako dahil sa kalungkutan.

The Poor Bad Boy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon