Kasalukuyan kaming nag-lalakad ni hayden ngayon sa park walang makabasag pinggan saming dalawa dahil parehas kaming nabalot ng katahimikan.
"Sorry nga pala sa pagsuntok ko sayo actually hindi ko sinasadya yan nabigla lang ako." Pagbasag niya sa katahimikan napatitig naman ako sa kanya na parang nagtatanong na pusa ang ichura.
"Okey lang naman tapos naman na yun siya nga pala bat ba kasi sumingit ka sa pila?" Tanong ko sa kanya na tila nagmamasid at pinag-aaralan mga kilos niya. "Pasensya kana pala dun ganun talaga ako pag enrollan tita ko kasi may ari ng school kaya kilala ako lahat ng nagtatrabaho dun at alam nilang inisin ako kaya pag ganun asta ko talagang lahat sinasang ayunan nalang ng nasa school dahil pag nagsumbong naman sila tiyak ako padin ang tama dahil si tita nga may ari nun" mahaba niyang salaysay na kinakunot naman ng noo ko.
"Mhmm.. Eh bat mo ginagawa yun?" Tugon ko sa salaysay niyang nakakainis. "Wala lang siguro ang hirap na mag-bago na lahat ng tao tingin sayo abusado, bad boy pero sa totoo lang di naman talaga ako ganun" sambit niya na nagpagulo lalo sa isipan ko. "Kala mo lang mahirap pero pwede naman mag-bago lahat naman ng tao pwede kung gugustuhin lang" sabi ko sa kanya na may halong malambot na tono sa pagkakasabi ko.
"Salamat sana ganun nga kadali natatakot kasi ako. Siya nga pala bat ka sumama sakin at di na nagreact na kala mo narape kung alam mo naman na masama ako at nasaktan na kita?" Biglang niyang sambit sa akin habang nakatitig sa malayong lugar. "Oo nga no bat pala ako sumama sa kanya?" Bulong ko sa sarili. "Eh kasi napansin ko kahit pala masamang tao kailangan din paminsan minsan ng dadamay sa kanya" nasabi ko nalang na di ko alam kung malinaw sa kanya.
"Hah? Ano sabi mo? Di ko maintindihan?" Tugon niya sa sinabi ko na kahit ako mismo di ako sure kung tama. "Wala ang sabi ko pogi ka kasi" hala? Bat yun nasabi ko? Wtf!
"Pinagloloko moko ewan ko sayo. Pero salamat talaga ah kasi pumayag kang samahan akk sa kabila ng ginawa ko sayo". Pagpapasalamat niya at unang beses nakitaan ng ngiti sa mga labi. Lalo siyang pumogi nung ngumiti siya para akong nakuryente sa hampas ng pimpong pamatay ng lamok :)
"Hey ayos kalang?" Pamumutol niya ng imagination ko. "Ah oo. Uy may ice cream." Sabay turo sa nagtitinda ng dirty ice cream. "Paborito mo? Eh madumi yan diba" bigla niyang pagpigil sa akin. "Ano kaba masarap yan dali bili tayo." Pagyaya ko sa kanya na magmistulan na akong bata sa pinakita ko sa kanya. "Sige na nga tikman natin" ratchada naman niya at agad naman bumili. Oo siya ang bumili.
Pagabi nadin at nagyaya na akong umuwi wala naman siyang sinabi at gusto nadin umuwi. Habang naglalakad kami nakasalubong namin si xander na di ko akalaing mapapadpad dito.
"Hi jade andito ka pala kala ko umuwi kana?" Tanong sa akin ng mokong. "Hala andito ka pala xander. Hindi kasi nagpahangin lang siya nga pala si hay..." Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil bigla akong hinatak ni hayden paalis. "Tara na!" May tonong galit ang sinabi niya sabay kaladkad sakin hanggang sa makalayo kami sa kinaroroonan ni xander.
"Anyare sayo!?" Padabog kong tanong sa kanya ng marating namin ang parking lot. "Wala! Nakita mo lang yung lalaki na yun yung ngiti mo hanggang tenga!" Bigla akong nagulat sa inasta ni hayden ba parang nagseselos na boyfriend pero di ko nalang pinansin dahil nga sa ugali niya inintindi ko nalang siya. "Ewan ko sayo tara na nga umuwi na tayo" nasabi ko nalang dahil wala akong masabi sa ginawa niya.
Agad naman kaming sumakay at pinagarurot ang sasakyan. "Hayden magdahan-dahan ka naman!" Sigaw ko sa kanya dahil halos paliparin na niya ang sasakyan. Wala siyang imik at tila ingay nalang ng tambutcho ng sasakyan ang naririnig ko. Maya maya pay di ko namalayan nakatulog nalang ako.
Pag gising ko nagulat nalang ako at andito sa kami sa tapat ng bahay nakatitig lang si hayden sakin na hindi man lang ako ginising. "Buti naman nagising kana" sabi niya sakin pagtapos niya akong titigan. "Sige na ingat pauwi bye." Pababa na ako ng bigla niya ako hatakin sa kamay sabay yakap sakin.
"Sorry di ko sadya kanina siguro nainis lang ako sorry tlga" mas lalong humigpit ang yakap niya sakin na kinagulat ko naman. Bakla ba tong si hayden at ganto siya sakin? Pero malabo kasi lalaking lalaki talaga siya. Inisip ko nalang na may problema siya kailngan intindihin.
"Wala yun sige na ingat pag-uwi" sabay kalas sa yakap niya na agad naman niyang binitawan. "Sige salamat sa time ah." Tugon niya ng makababa ako habang silip silip siya. Agad namang kumaripas ng takbo ang sasakyan.
Nung makita kong wala na siya humarap agad ako sa pinto ng bahay at nagtatalon sa kilig ewan pero parang milyon milyong bultahi ang namuo sa puso ko sa ginawa niya. Nagulat nalang ako ng biglang may bumusina sa likod ko.
"Jade anong ginagawa mo?" Tanong niya ng makababa ng sasakyan. Gulat na gulat ako bat siya bumalik nahihiya tuloy ako. "Ah ano hayden nageehersisyo lang" palusot ko sa kanya dahil di ko alam sasabihin ko sa kanya sa hiya.
"Ah ganun ba. O siya nga pala yung donut mo kasi naiwan mo" sabay abot niya sa akin ng donut. "Ah .. Oo nga .. Pala sige.. Ano.. Mm.. Salamat" sabay kuha ng donut at nagpaalam na. Agad naman kumaripas ng takbo ang sasakyan. Sa hiya ko pumasok na agad ako baka bumalik pa siya haha.
"Hi anak anjan kana pala kamusta?" Bati sakin ng nanay ko pagpasok ko na hindi niya naman usually ginagawa. Ibang iba tlga ang kinikilos ni inay parang may tinatago sakin. Pinagwalang bahala ko nalang dahil pagod ako. "Oh ma oh donut. Sige po akyat na po muna ako medyo pagod po" nasabi ko nalang sa nanay ko sabay lapag ng box ng donut sa mesa.
Kasalukuyan akong nakahiga ngayon hindi mapakali kakaisip sa nangyari ngayong araw. Paano niya kaya nalaman kung san ako nakatira? Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy na sa pagpapatulog sa sarili maya maya may biglang tumawag sa phone ko. Agad ko naman itong sinagot.
"hello?" Sagot ko matapos pindutin ang cellphone. "Goodnight." Sabay baba ng phone. Siraulo yun ah di man lang nagpakilala numero lang kasi. Hindi ko na pinansin dahil pagod talaga ako. Agad naman akong binalot ng kadiliman at nakatulog din.Sorry guys short update lang :)
Next update hahabaan na natin.
Pasensya na kung di msyadong maayos ibang part haha first time eh. Pero salamat padin sa mga nagbabasa :)
BINABASA MO ANG
The Poor Bad Boy (COMPLETED)
Roman d'amourWalang pinipili pag dating sa pagmamahal. Kapag nainlove ka sa taong hindi mo gusto ang ugali, hindi mo kailangan piliting magbago siya.Bagkus ikaw ang magiging dahilan para magbago siya kasi mahal ka niya. Subaybayan natin ang namuong pagmamahalan...