"TPBB Chapter 7"

9.8K 288 4
                                    

JADE POV

Hindi padin ako makapaniwala na mahirap lang pala si hayden pero kung umasta kala mo hari. Hay ewan apaka misteryoso niya, sa ugali, sa buhay. Ewan ko nalang kung anong susunod.

Mabalis natapos ang kahapon ngayon papasok na ulit ako sa school pangalawang araw ng pasok at inaasahan ko na may mga bago akong makikilalang mga kaibigan si perrie at xander kasi ay iba ng program kaya lunch lang talaga kami nagbobonding syempre sa loob ng klase gusto ko din magkaroon ng kaibigan.

Papasok na ako dahil 7am ang pasok ko hindi ko na ginising si inay dahil baka pagod siya. Agad naman akong lumabas pagtapos kong kumain ng agahan at sa di inaasahan lumantad sa akin si hayden na nasa tapat ng pinto namin nakauniform na siya at handang handa ng sagupain ang pangalawang araw ng klase pero teka anong ginagawa niya dito?

"Oh anong ginagawa mo dito? Bat andito ka?" Agad kong bungad sa kanya habang tinitignan ang mga kapitbahay naming haliparot na nagtitilian na kala mo nakakita ng dragon. "Sabay na tayo pumasok ayaw mo?" Tugon naman niya sa tanong ko.

Minsan hindi ko nalang talaga maintindihan tong lalaking to nahihirapan akong suriin ang pagkatao niya.

"Ang corny mo! Lalaki ako kaya ko mag-isa may pa sabay sabay kapang nalalaman jan" pagbanat ko sa kanya na agad naman niya akong binigyan ng tiger look. "Ikaw na nga tong gustong makasama nagiinarte pa!" Nagulat naman ako sa sinabi ng mongoloid na to. Ano? Gusto niya ako makasama at bakit aber.? "Ewan ko sayo tara na nga." Pagyaya nalang ang nagawa ko dahil baka bigwasan na naman ako nito pagnagkataon.

Agad naman kaming lumabas at huminto ako sa pinaka labasan namin para hintayin siya ng bigla niya akong sigawan "hoy ano pang ginagawa mo jan tara na baka wala na tayong masakyang jeep!" Agad naman akong sumunod sa kanya buong akala ko magcacar kami haha oo nga pala naalala ko di pala siya mayaman.

Agad din namin narating ang sakayan at nagulat ako na sa dulo kami ng jeep sumakay sa may malapit sa driver eh ang luwag luwag pa naman ng jeep. "Oh bat dito tayo dun tayo malapit sa pinto ng jeep para makalabas agad tayo." Bulalas ko sa kanya agad naman itong tumingin ng may pagtataka at biglang nagbigay ng ngiti ang gwapo niya lang sa ginawa niya. "Eh bat nakangiti ka? Ano bang trip mo?" Agad ko namang tanong sa kanya na may pagkainis sa toni dahil magaabot lang naman kami ng bayad dito sa pwesto namin.

"Ma bayad oh." Sabay abot ng pera ng isang pasahero. "Ma bayad ho oh jan lang sa may kanto." Sambit naman ng isa pero siya lagi ang umaabot at masayang masaya pa sa pag abot. Ewan ko eto ang trip niya sakyan nalang.

Agad naman kaming nakarating sa school sa awa ng diyos. "Oh paano papasok na ako bahala kana jan." Sabi ko sa kanya sabay lakad papalayo agad naman niya akong tinapik bago pa man ako makalakad hudyat ng pagpapaalam din niya.

Unang klase ang filipino saklaw dito ang pag gawa ng baby thesis sa sarili nating wika na tagalog hindi naman na late ang prof. Namin at agad din pumasok.

"Goodmorning" bati nito sa amin agad din naman namin itong binata bilang pag galang. "Ngayon iaannounce ko na ang magkakapartner sa thesis dalawa lang bawat topic para mas maging mahusay kayo sa pag gawa at para narin hindi kayo masyadong umasa sa group lang." Agad naman kaming kinabahan sa agarang anunsyo ng prof. Namin dahil unang meeting palang.

"Ngayon ko din sasabihin sa inyo kung sino ang mga makakateam niyo. Kaya ito agad ang binungad ko dahil sa pag gawa lang naman ng thesis ang buong semester natin sa subj. na ito at hindi ito basta basta may babagsak at may nabagsak talaga." Mas lalo kaming kinabahan dahil bago to samin dahil first time naman magthesis at alam kong mahirap dahil partner partner lang eh paano kung tamad makapartner ko edi yari na.

"Tahimik class. Mas magigimbal kayo sa susunod kong anunsyo. Hindi niyo classmate ang nakakapartner niyo. Bago pa man magsimula ang semester na ito kumuha na agad ako ng master list ng lahat ng tinuturuan ko hindi lang iisang kurso at ito ay pinagpares pares ko na kaya wala dito ang magiging partner niyo. Syempre magigingmadali sa inyo kung di ko lalagyan ng twist diba." Susmaryosep maldita tong teacher namin ang hirap nun paano kung ang makapartner ko eh laging conflict sa schedule ko hays.

"Okey isa isa na natin sabihin ang mga ka partner niyo. Tatawagin ko kayo isa isa at lumapit dito sa akin para malaman niyo kung sino ang magiging partner niyo sa ibang college" agad naman kaming naghanda sa sinabi ni maam.

Natawag na halos lahat ng mga kaklse ko yung iba masaya dahil kilala daw nila yung iba naman ay medyo mapakla ang ichura dahil siguro hindi pa nila kilala ang makakapareha. "Jade Santillan" tawag sa akin ni maam hudyat na ako na ang sunod.

"Jade ang makakapareha mo ay galing sa marketing. Hayden deveaux goodluck" sabi ni maam na nagpahinto ng mundo ko. Hindi ko alam kung humihinga pako para akong nakarinig ng sekretong malupit dahil sa sinabi ng prof. Ko. "Jade pwede kanang maupo." Agad naman akong nahimasmasan ng magsalita ulit ang prof. Ko agad ko ding tinungo ang upuan ko.

Natapos na ang klase pero hanggang ngayon hindi ko padin alam ang gagawin. Paano yan si hayden ang partner ko alam kong siya yun dahil napansin ko na din ang surname niya sa ID niya kaya di ako pwede magkamali.

"Oh jade andito ka pala pauwi kana?" Pagbasag ng pagkabalisa ko ni xander kasama si perrie habang naglalakad ng mabagal pa sa karo. "Uy andito pala kayo wow magkasama mukhang nakakapagmabutihan na kayo ah" agad kong pang aasar sa kanila. "Sira haha o bat pala tulala ka problema mars?" Agad namang puna ni perrie sa akin.
"Yung project na thesis kasi sa filipino hayss" agad ko namang reklamo sa dalawa.

Bigla naman silang nagtawanan na parang may mga sapak sa ulo. "Oh anong nakakatawa?" Agad ko ding pagbasag sa tawanan nila sabay namn tumingin sakin ang dalawa. "Kasi mars kami din ganyan pero himala si xander ang partner ko kaya ang saya ko diba." Pagkagalak ni perrie na kinainis ko. Buti pa sila hays.

"Sige mauna nako may gagawin pako." Pagdahilan ko sa dalawa dahil gusto ko na umuwi at mag-isip. "Sige ingat ah." Sabi ni xander "ingat mars ha" dagdag pa ni perrie agad naman akong lumabas ng campus para makauwi na sa kamalas malasan nga naman eh nakita ko si hayden na naghihintay.

"Oh anjan kana pala. Tara uwi na tayo. Hatid na kita." Bungad niya sa akin. Agad ko naman siyang binigyan ng malungkot at walang ganang ichura.

Nakasakay na kami ng jeep ni hayden pauwing bahay namin nabalot kami ng katahimikan na wala talagang nagsasalita. "Ah may problema ba?" Pagbasag ni hayden ng katahimikan naming dalawa. Hindi naman ako nagsalita hanggang sa makababa na kami ng jeep. Bago pa man namin matunton ang pinto huminto muna ako at tinawag siya di ko din kasi alam ang gagawin.

"Ah hayden sandali." Agad naman siyang huminto at tumunga sa harap ko. "Alam mo naba yung project?" Agad kong pahayag sa kanya. Agad naman niya akong binigyan ng mapait na ekspresyon. "Kaya ba nagkakaganyan ka dahil ako partner mo sa thesis?" Sambit niya na may lungkot sa tono. Ibig sabhin alam na niya. "Sabihin mo lang kung ayaw mo papaiba ko nalang kay maam sabihin ko ayaw mo." Pagsusumamo pa niya na parang binaksakan ng langit sa lungkot.

"Hayden hindi sa ganun." Agad kong pagtatanggol sa sarili ko pero bigla nalang siyang nag-lakad ng naka yuko at pumasok na sa bahay. Nauna pa siya ha.

Naawala tuloy ako sa kanya pero kasi di ako handa na makapareha siya lalo na di ko alam kung seryoso ba siya sa mga gantong project. Di naman kasi ako pwedeng bumagsak at may nagpapa-aral lang sa akin. Hays

The Poor Bad Boy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon