"TPBB Chapter 10"

8K 263 6
                                    

Kasalukuyan na kaming andito sa school. Tulala padin ako dahil iniisip ko pa din yung sinabi nung tindera sakin. Kung bago palang si hayden dun eh bat sabi niya dun na talaga siya dahil ulila na siya eh bay ganun? Ang gulo gulo ano ba talaga? Niloloko niya lang ba ako? Hays ang gulo gulo niya kahit kailan.

"Oh papasok kana sa klase mo tulala kapa? Kanina kapa ganyan ah may problema ba?" Pagbasag niya ng katahimikan ko agad naman akong bumalik sa katinuan. "Ah? Ano yun?" Ang nasabi ko dahil ko narinig yung sinabi ni hayden. "Ay ewan ko sayo tulala ka. Sige na pumasok kana sabay nalang tayo umuwi mamaya puntahan kita dito ito lang namang ang class mo ngayon." Mahaba nyang ratchada napatunga nalang ako hudyat ng pagpapaalam agad naman siyang umalis at pumunta na sa class niya.

Natapos na ang klase ko tulala padin ako buti nalang walang quiz hays bakit kaya di ako makali kanina pa bumabagabag yung kwento nung tindera sakin hays.

"Oh anjan kana pala oh bakit tulala ka padin." Pagtingin ko si hayden pala ang nagsalita. "Wala to tara." Walang gana kong pagyaya agad nman siyang sumang-ayon.

Hindi muna ako hinatid ni hayden dahil nagyaya siyang gumala muna dahil maaga pa naman agad naman akong pumayag dahil gusto ko din gumala. Dinala niya ulit ako sa park kung san kami pumunta dati.

"Uy kanina kapa tulala nagaalala na ako." Malungkot na sabi sakin ni hayden agad ko naman siyang tinignan at binigyan ng ngiting walang kagana gana. "Ayoko ng ganyan ka naiinis na ako." Dagdag pa niya hays sige na nga baka bigwasan pako nito pag di ako umayos pero tila nasa isip ko padin ang mga salitang sinabi ng tindera ewan ko pero parang bumabaybay sa isipan ko na parang walang katapusan na ang paglalakbay ng mga salitang iyon.

Dahil hindi ko na mapigilan ang sarili ko agad ko nang niyaya si hayden na maupo muna para makapagusap agad naman siyang sumangayon.

"Hayds gaano kana katagal nakatira dun sa tinitirhan mo?" Agad kong tanong sa kanya pagkaupong upo palang namin. "Ahh. Ano... Mga .. Ano hindi kasi kasi ano dun talaga ako lumaki kaya matagal na din. Bakit." Agad naman akong kinabahan dahil taliwas ang kwento ng tindera sa kwento niya mas lalo tuloy akong nabaliw sa kakatanung sa isipan ko.

"Ah wala natanong ko lang." Pagsisinungaling ko dahil hindi ko pa talaga alam ang lahat kaya magmamatyag muna ako.

"Ah okey kala ko naman kung ano. O ako naman ang magtatanong. Anong nangyari bakit tulala ka buong araw?" Agad naman niyang tanong sakin agad tuloy akong kinabahan. Anong isasagot ko dito? Sasabihin ko ba yung totoo? Hayss. "Ano .. Ah wala ganun lang talaga ako pag walang gana." Yun nalang ang nasabi ko. Agad naman niya akong tinitigan ng masama

"Yung totoo? Wala kang gana dahil ba sa akin?" Bigla niyang tanong na ikinataranta ko naman dahil nakatingin siya ng masama nung tanungin niya ako. "Baliw hindi. Wala parang malata lang ako." Agad ko ding dahilan para hindi na siya magtanong agad naman niya akong hinipo at tinignan kong nilalagnat "wala ka namang lagnat? Kulang kalang sa saya halika mag bike tayo hanggat maaga pa oh." Agad naman niyang hatak sa akin wala naman akong nagawa at sumama nalang din.

Andito na kami ngayon sa pabilog na upuan nagpapahinga sa isang oras naming pagbabike sa park nakakatuwa dahil kahit papaano naging masaya ako. "Oh siya tara na mag gagabi na oh baka hinahanap kana ni tita." Agad din niyang yaya sakin matapos kaming magpahinga. Agad din akong sumangayon dahil basang basa na ng pawis ang mga uniform namin at pagod na din kami.

Patapos na ang araw at andito na kami sa bahay halos kararating rating lang din naman sa layo ng parkeng pinuntahan namin agad naman kaming dumertso sa kwarto ko para makapagpalit ng damit dahil hindi man lang natuyo ang nga pawis namin sa byahe.

Maganda ang pangangatawan ni hayden panay ang iwas ko kapag nakikita niyang nakatingin ako sa katawan niya ngumingisi naman ang gago maya maya tumalikod siya at aktong pupunasan niya ang likod niya pero hindi niya masyadong mapunasan ito kaya lumapit ako sa kanya para tulungan.

"Ako na jan." Sabay hablot ng towel na hawak niya agad ko naman siyang pinunasan. "Oh tapos na." Sabi ko sa kanya agad naman siyang humarap sa akin at ngumiti. "Salamat mahal ko." Sabay kindat niya sa akin maka mahal tong unggoy na to. Haha "oh talikod ako namn magpupunas sa likod mo baka matuyuan kapa niyan." Dagdag pa niya agad naman siyang tumayo at pinatalikod sa kanya.

"Oh siya iwan muna tong uniform mo labhan ko nalang tapos bibigay ko nalang sayo. Yan na munang damit ko ang suotin mo." Agad kong sambit sa kanya matapos kaming magbihis.

Nakauwi na si hayden hinatid ko siya sa labas pagtapos naming magdinner. Oo dito siya kumain ayaw kasi pauwiin ni nanay ng hindi kumakain kaya wala na siyang nagawa.

Maaga akong matutulog ngayon dahil sa pagod at tiyak kong maaga akong dadalawin ng antok.

Kasalukuyan na akong nakahiga wala akong magawa kaya nagcellphone muna ako. "MakapagFB nga muna." Bulong ko sa sarili sabay hablot ng cp sa tabi ng higaan ko.

Binuksan ko ang fb ni hayden dahil naisip kong tignan kung sa picture pogi padin siya. At tama nga ako ampogi padin niya. Inaadd ko siya dahil di pa kami friend then tinignan ko ang mga picture at about niya since di naman siya nakaprivate. Agad namang may pumukaw sa aking isipan ng mahagip ng aking mata ang family niya sa fb may nakalagay ng mother at father binuksan ko naman agad ang fb nito baka kasi kaibigan lang o barkada. Pero hindi mga may edad na ang mga ito at kilala ko sila. Sila yung may ari ng deveaux group of company pero teka sabi ni hayden ulila na siya. Pero oo deveaux ang apilido niya hindi ko naman akalain na mayaman pala siya pero bakit sabi niya mahir... Teka bakit panung nangyari? Nagsinungaling siya?

The Poor Bad Boy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon