JADE POV
Andito ako ngayon sa school. Friday na at bukas na ang outing ng buong pamilya namin ni hayden. Masaya ang umaga ko dahil kahit papaano gumaganda ang kalagayan namin ni hayden. Papasok na ako sa building namin ng may tumawag sa akin.
"Mare andito ka pala. Walang paramdam ah! Anong nangyari?" Bungad sa akin ni perrie ng makalapit ito sa akin kasama si xander. Oo sila na.
Wala naman akong nagawa at kwinento ko ang lahat. Mga tunay silang kaibigan kaya pinagkakatiwalaan ko sila. At halos silang nashock dahil kami na ni hayden. Ayos lang naman sa kanilang parehas. At tutal kaibigan ko naman sila at part narin sila ng family ko. Inaya ko na din sila sa outing.
"Nga pala. Bago ako pumasok bukas may outing kami sumama kayong dalawa! Wala ng pero pero." Agad naman silang nagalak at wala ng umapila.
Agad din kaming nagkahiwa hiwalay at nagpasukan na sa kanya kanya naming klase. Acctng ang subj. ngayon kaya halos handang handa ako dahil ganun ako pag major ang subj. nakafocus.
"Okey class bago tayo magdismiss may gusto lang akong ianunsyo. CBA night na next saturday at gusto ko umattend kayong lahat may plus sa grade sa akin ang aattend kaya lahat kayo kailangan andun." Pagaanunsyo ng prof. Namin sa acctng bago umalis.
Syempre aattend ako! Major yun hnd pwedeng wala akong plus haha. Kaya mas lalo akong naexcite. Alam ko si hayden si perrie at si xander CBA kaya alam ko may kasama ako.
Natapos na ang klase ko. At palabas na ako ng room. Hindi ako masusundo ni hayden dahil wala syang pasok ngayon at isa pa gusto ko din masulit niya lagi ang araw kasama ang mommy niya. Alam niyo naman ang nangyari sa pamilya niya diba. Oo may part na masaya dahil kasi dun natanggap kami ng mom ni hayden pero malungkot din kasi nagkahiwalay parents niya.
Palabas na ako ng gate ng mahagip ng mata ko ang tatay ni hayden na parang nagaabang at naghihintay. Ipinagwalang bahala ko nalang at nagtuloy tuloy hanggang sa tawagin ako nito bago pa ako makalayo.
"Jade!!!" Bulyaw nito. Agad naman akong napatingin. Lumapit na ako para hindi ako magmukhang bastos. "Bakit po?" Tugon ko ng makalapit ako. "Pwede ba kita makausap? Please kahit isang oras lang." Agad naman akong nakumbinsi ng tatay ni hayden dahil nahihiya akong tumanggi dito. Agad naman kaming tumungo kung saan ang sasakyan nito.
Halos trenta minutos kaming naglakbay sa daanan. Walang nagsasalita at umiimik sa amin. Hanggang sa marating namin ang isang coffee shop.
"Oh anong gusto mo? Order kana" alok sa akin ng tatay ni hayden pagkaupo namin sa isang table. "Kahit ano nalang po." Pagtugon ko rito. Hindi ko din kasi alam ang sasabihin ko.
Agad naman siyang umorder. At dahil wala pabg masyadong tao ngayon dahil tanghali palang at coffee shop ito eh mabilis dumating ang inorder namin.
Bago paman ako makahigop sa inumin ko agad nang nagsalita ang daddy ni hayden. "Alam mo naman siguro jade anak ang nangyari sa pamilya ko." Pagsisimula nito. "Ikaw lang ang naisip kong tumulong sa akin dahil miski ang anak kong si hayden at hanna hindi ako kinakausap. Kaya sana matulungan moko." Dagdag pa nito. Agad naman akong nakaramdam ng awa dahil sa pinapakita nitong ichura sa akin. Parang gumuhit sa mukha nito ang lungkot at pighati.
"Eh ano po bang tulong?" Agad kong tanong dito. Wala na kasi akong alam na sasabihin. "Tulungan mo akong makabalik sa pamilya ko. Oo nagbago na ako at mahal ko ang magiina ko kaya ayokong mawalay sa kanila." Agad ding tugon nito sa akin. Alam kong totoo ang mga sinasabi nito dahil hindi ito maguubos ng oras sa akin kung hindi totoo ang mga sinasabi nito.
"Eh .. Ah .. Ano... O sig..e po." Mautal utal kong pagpayag. Agad naman siyang nagalak at tumayo para yakapin ako at magpasalamat. At dun ko naramdaman na maysenseridad talaga lahat ng sinasabi niya.
Inabot kami ng halos dalawang oras kakaisip ng plano. Oo napagdesisyonan ko talagang tulungan ang daddy ni hayden. Para naman sa ikabubuti nila iyon at para mabuo ulit ang pamilya nila.
At dun ko naalala ang outing para bukas. Kaya agad ko itong niyaya at sinabi ang para sa outing bukas. Agad namang naming nabuo ang plano na pumunta siya bukas at dun makakuha ng chempo kausapin ang mommy ni hayden.
Pagtapos namin magusap ni daddy. Yes daddy na ang tawag ko dahil yun daw ang gusto niya dahil mommy nadin daw ang tawag ko sa mommy ni hayden marapat lang daw na tawagin ko din siyang ganun. Umuwi na agad ako. Hindi na ako nagpahatid dahil alam kong busy din si daddy sa kumpanya nila.
Andito na ako sa tapat ng bahay namin. Agad ko ding napansin ang kotse ni hayden na nakapark sa labas kaya agad din akong nagmadali pumasok sa bahay.
Pagpasok ko siya agad ang bumungad sa akin. Nanlilisik ang mata sa galit. Agad namang nagsalita si inay. "Anak kanina pa naghihintay ang nobyo mo dito! Bat ngayon kalang nakauwi?" Oo nga pala di ko namalayan ang oras. Agad naman akong humingi ng sorry kay nanay. "Naku kausapin mo na si hayden kanina pa inis yan" agad ding tugon ni inay matapos akong magbeso.
"Ah mahal anong...." Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil agad siyang lumabas sa garden namin. Oo may garden na kami. Dito na kasi kami nakatira sa bahay ni papa.
Agad ko naman siyang sinundan. Naupo siya sa isang upuan doon at naupo din ako.
"San ka galing?" Agad nitong tanong pagkaupo ko palang. Hindi pa ako nakakasagot agad din itong nagsalita pa. "Bat ngayon kalang!"
Nanahimik ako at mas piliing hindi sumagot. "Oh bat di ka sumagot jan!" Agad nitong bulyaw sa akin. Nainis nadin ako kaya sumagot na ako. "Paano ako makakasagot kong panay ang salita mo at puro ka hiyaw!" Agad naman siyang kumalma at nakinig.
Oo sinabi ko lahat sa kanya ng di na siya magtanong! Nainis niya ako ngayong araw sobra. Matapos kong magkwento agad nanlaki ang mata nito pero di ko na hinintay ang reaksyon niya at dali daling pumasok sa bahay at umakyat sa silid ko. Narinig ko pang tawagin niya ako pero di ko siya pinansin.
Andito na ako sa kwarto ko. Humiga na agad ako pa side habang yakap yakap ang unan ko. Gusto kong umiyak dahil ayoko nagagalit siya ng ganun sa akin. Kung hiyawan niya ako akala mo anlaki ng nagawa mo.
Maya maya pay narinig ko ang paguwang at pagbukas ng pinto ko. "Mahal ko." Malumanay na litanya ni hayden na tila nangaakit ang tono. Pero hindi ko na pinansin ito. Agad naman akong nakaramdam na may tumatabi na sa akin. Maya maya pay may kamay na na pumapalupot sa bewang ko. "Mahal sorry na." Bulong nito sa akin habang hinayapos ang aking chan. Agad ko naman itong tinangal. "Please hayden" sabi ko pero nagmatigas ito at niyakap ulit ako ng sobrang higpit na halos di mo na maalis pero magaan padin sa pakiramdam at nakakahinga pa.
"Mahal ko sorry na. Hindi ko naman sadya yun. Nagalit lang ako kasi pinagalala moko. Alam mo namang mahal na mahal kita. Kahit sinong lalaki nasa katayuan ko ng mga oras na iyon magagalit." Agad nitong litanya sa akin. Agad naman akong natunaw sa mga sinabi niya. Oo mali naman tlaga ako pero mali din siya at kung paiiralin namin ang pagiging isip bata namin walang mangyayari kaya agad akong humarap sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. "Sorry din mahal na mahal din kita." Agad naman niya akong hinalikan sa noo.
"Nga pala. Yung sa daddy mo mahal ko. Paano gagawin natin?" Bigla kong pagiba ng usapan habang yapos namin ang isat isa.
"Bahala na. Wag mo na intindihin yun mahal ko ako na bahala dun." Sambit nito at agad na naming itinuloy ang yakapan.
BINABASA MO ANG
The Poor Bad Boy (COMPLETED)
Roman d'amourWalang pinipili pag dating sa pagmamahal. Kapag nainlove ka sa taong hindi mo gusto ang ugali, hindi mo kailangan piliting magbago siya.Bagkus ikaw ang magiging dahilan para magbago siya kasi mahal ka niya. Subaybayan natin ang namuong pagmamahalan...