HAYDEN POV
Kasalukuyan akong nakaupo dito sa upuan kakatapos ko lang ihatid si jade sa kanila hindi ko mawari ang aking nararamdaman ngayon hindi ko alam kung ano nangyayari sakin. Alam ko lalaki ako pero bakit ganto nagkakagusto ako sa bakla hindi ko alam pero oras-oras pumupukaw sa isip ko si Jade lalo ngayon na siya padin laman ng isip ko kahit kanina lang magkasama kami.
"Nababaliw na ata ako." Bulong ko sa sarili dahil di ko talaga alam kung ano ang nangyayari sakin.
Pero bukod pa dun may isa pa akong iniisip na tiyak kong makakaapekto samin ni jade. Paano kung mafall ako sa kanya at maging kami paano ko sasabihin lahat ng ginawa ko tiyak ko pag nagkataon malabong patawarin ako ni jade hindi naman hindi ko pwedeng gawin dahil tiyak mas lalong lalayo sakin si jade.
FLASHBACK
Andito ako ngayon sa tapat nila jade hindi ko alam kung anong ginagawa ko pero di kasi ako makali dahil sinuntok ko siya kaya gusto ko humingi ng tawad. Hanggang sa may biglang lumabas ng pinto nila.
"Ah iho ano yun?" Takang tanong ng may edad na babae na tancha ko nasa mga 40 na. "Ah ano po.. Ah si jade po?" Yun nalang ang nasabi ko dahil nahihiya ako.
"Ah iho tulog na eh bakit? Kaibigan kaba niya?" Tanong sakin nung matanda. "Ah ano po .. Ah . Man..li. Ligaw po." Hindi ko din alam kung bakit lumabas yan sa bibig ko buti nalang malalim na ang gabi at wala ng gaanong tao. Nakita ko naman na nanlaki ang mata nung matanda gulat na gulat na kala mo nakakita ng multong pogi haha.
"Ah ano iho.. Ah pumasok ka halika." Nagulat naman ako sa inasta ng matanda. " ako nga pala ang nanay ni jade ikaw?" Siya pala ang nanay ni jade. Nagmano muna ako bago ako sumagot. "Hayden po."
"Oh iho nagugutom kaba?" Tanong pa sakin ng nanay ni jade. "Ah hindi po busog pa po ako." Sagot ko nalang.
"Ah iho ikaw ba si Hayden Deveaux yung anak ng may-ari ng Deveaux group of company?" Salaysay pa ng nanay ni jade na kinagulat ko naman. Bakit niya alam ang pangalan ko at company ng family namin. "Ah opo ako nga po, paano nyo po nalaman?" Tanong ko naman sa matanda.
"Hala naku sir kayo ho pala yan pasensya na po di ko agad kayo natandaan. Matagal nadin kasi un 10 yrs. old ka palang. Dati kasi akong nagtatrabaho sa inyo bilang katulong kaya alam ko ang company niyo at kilala ko ang magulang ninyo." Salaysay ng nanay ni jade na napakagalak ng tono. "Naku sir pasensya na po kayo talaga." Dagdag pa ni nanay naks naka nanay na agad.
"Naku ayos lang po yun. Pasensya nadin po nakagambala po ako." Paghingi ko naman ng paumanhin.
"Naku sir ayos lang po iyon. Pero teka sir bakit kayo magkakilala ng anak ko? Chaka ano ung sabi mo kanina na ligaw." Tanong ng nanay ni jade na agad nagbigay ng tensyon sa akin.
"Ah ano po. Amh nahihiya po ako. Pero sige. Magkaschool mate po kami ng anak niyo. At yung ligaw na sinasabi ko po eh balak ko sana manligaw sa anak nyo hndi ko alam pero di naman po ako bakla kaya lang nagkaganto ako natamaan ako sa anak niyo. Pasensya na po ah. Sana payagan niyo po ako." Agad naman akong humingi ng kanyang kapayagan sa gusto kong mangyari ako kasi talaga yung taong gagawin lahat makuha lang ang gusto kaya pag gantong pagkakataon hindi nako nagpapatumpik-tumpik pa.
"Ay oo naman sir walang kaso po iyon pero himala po at pumayag siyang magpaligaw eh ang yaman niyo." Sambit naman ng nanay sakin nagulat naman ako, bakit may issue ba siya sa mayayaman ang arte niyang bakla ah.
"Ah hindi ko pa naman po sinasabi sa kanya na nanliligaw ako di pa po niya alam. Chaka bakit naman po? Ano po bang kaso kung mayaman? Ayaw niya po ba sa mayaman?." Tanong ko naman kay inay. Bago pa man siya magsalita huminga muna ng malalim si inay.
"Alam mo sir galit kasi sa mayayaman si jade. Bata palang kasi yan nasira ko na buhay niya. Sinabi ko sa kanya na tinakwil siya ng tatay niya dahil nung bata yan ayaw tumigil at hahanapin daw niya ang tatay niya kaya nasabi ko yun. Ginawan ko nalang ng kwento na ayun nga tinakwil siya at ubod na nga yaman ito at ayaw na madungisan ang pangalan nito. Hindi ko naman alam na hanggang sa paglaki niya dala dala niya iyon natatakot ako na pagnalaman niya ang katotohanan itakwil nalang ako ng anak ko hirap pa naman ako ngayon pag nawala siya mas mahihirapan pako." Napaluha nalang ang nanay ni jade pagtapos maisalaysay ang mga bagay nayun.
Agad naman akong napaisip na grabi pala yung napagdaanan niya halos maawa ako sa nanay niya at sa kanya.
"Pasensya na sir naiyak po ako." Dagdag pa ng nanay ni jade. "Naku okey lang po iyon." Pero paano ito anong gagawin ko? Nagsisimula palang ako parang ang hirap na. Sa lahat ng nagustuhan ko feeling ko itong bagay nato ang pinakamahihirapan akong makamit. Pero hindi ako susuko alam ko sarili ko at pag gusto ko gusto ko.
"May naisip po akong paraan tita. Magpapanggap po akong mahirap." Agad naman nanlaki ang mata ni nanay sa plano ko. "Tulungan niyo po ako inay ah para magustuhan niya ako. Wag po kayo mag-alala tutulungan ko po kayo dito sa bahay niyo mga gastusin pa at iba pa.
"Naku iho salamat. Sige maasahan moko." Agad namang sang-ayon ng nanay ni jade.
Hindi na ako nagtagal ng gabing yun dahil anong oras nadin. Nagpaalam na ako kay nanay at agad naman akong inihatid sa sasakyan ko.
END OF FLASHBACK
Lahat nang to ginagawa ko para sa kanya hindi ko nadin maintindihan ang sarili ko pero may gusto na talaga ako sa kanya alam kong hindi awa lang nararamdaman ko kaya itutuloy ko ito hindi din naman magtatagal ito at aaminin ko din sa kanya gusto ko lang mabago ang paniniwala niya tungkol sa mga mayayaman pero after non tuloy-tuloy na kami.
Kasalukuyan kong inaayos ang gamit ko dahil wala naman akong damit dito uuwi nalang ako samin gabi gabi para dun matulog. Buti nalang may kaibigan ako na malapit dito sa bahay na naupahan ko kaya di ako nahirapan sa paghahanap. Di ko alam kung paano ko natitiis to para lang kay jade pero alam ko ginagawa ko to kasi gusto ko siya.
Agad naman akong nakauwi samin mabuti nalang at wala ang magaling kong ama kung hindi hindi na naman ako makakalabas ng room ko.
"Oh anak andito kana pala. Kumain knba? Halika kana sumabay kana samin ng kapatid mo." Pag-aya sakin ni mommy habang nakaupo na sa harap ng mesa. "Sige po ma busog pa po ako eatwell po." Sabay akyat sa room ko.
Nagmumuni-muni ako ngayon habang nakahiga sa kama ko. Wala pading ibang laman tong isip ko kundi si jade hays ano ba ang ginawa mo sakin jade.
Teka text ko nga muna. Agad ko naman tinext si jade hindi padin ako nagpapakilala sa kanya kaya naisip kong magpakilala na para masave niya number ko. Nakuha ko number niya sa nanay niya. Ang schedule naman niya sa school ko nakuha malakas nga ako dun diba kaya pati bahay nila natunton ko nadin dahil sa school buti nalang tlaga.To: Jade
"Hoy bakla si hayden to! Save mo number ko."Hindi ko alam pero mas kinikilig ako pag inaaway at inaasar ko siya.From:Jade
"Bwisit!" Reply niya haha nakakatuwa anyway bukas nalang at inaantok nako. Sunduin ko kaya siya sa kanila tas magjeep kami hay bahala na.Agad ko din pinatay ang phone ko at unti-unting pumikit at di naman nagtagal agad din akong nilamon ng dilim at agad ding nakatulog.
BINABASA MO ANG
The Poor Bad Boy (COMPLETED)
RomanceWalang pinipili pag dating sa pagmamahal. Kapag nainlove ka sa taong hindi mo gusto ang ugali, hindi mo kailangan piliting magbago siya.Bagkus ikaw ang magiging dahilan para magbago siya kasi mahal ka niya. Subaybayan natin ang namuong pagmamahalan...