#30:Confused

9.7K 157 11
                                    

~'Dedicated to Jerkellersyy(tama ba spelling? huehue XD) Thank you beri beri mats sa new book cover :"> . baka malagay ko siya pag nagopen na ako sa desktop. tabblie lng gmit ko eh.

[NEW COVER ON THE SIDE>>>>>> made by Jerkellersyy]

#30:Confused

Xiea's POV:

"H-ha?" na-tanga ako sa sinabi ni Zui."Paano---"

Paanong nalaman niya?!!

"Hindi na mahalaga kung 'pano ko nasigurado at nalaman. Pero Louise, may pag-asa ba ako?" nakahawak pa rin siya sa magkabilang pisngi ko. Anong sasabihin ko?

Hindi ko alam kung ano'ng ire-react ko!!

"H-hindi ko alam," nakatingin ako sakanya ng medyo nanlalaki ang mata. My goodness bakit ayaw niya sabihin? nag ala- spy ba siya para malaman? nagpaka- tsismoso? Paano?!

"Ayos lang," ngumiti siya sakin, pero hindi ko alam kung totoo pa ba yung ngiti na yun, para kasing malungkot siya eh.

Kinuha niya yung panlinis saka ginamot yung sugat ko. Hinahayaan ko lang siya, hindi siya nakatingin sakin pero nakatingin ako sa mukha niya. Bakit niya ginagawa to? akala ko ba may mahal siya? Yung kinas---

Anak ng gilagid ni Kris naman o! bakit ngayon ko lang na-realize?!!

Biglang nagflash back yung sinabi niya sakin "Ang wierd no, kasal na siya pero ka-edad ko lang siya," tanga ever lang Xiea at hindi mo napansin yun! kaya pala!

Tinapang baozi talaga o, gusto ko tuloy buhusan ng bubble tea ni Sehun yung sarili ko, Hindi para matauhan ako kundi para si Sehun mismo sumampal sakin at magising ako!!

"Tapos na," ngumiti ulit siya sakin tapos inayos yung mga gamit na pinanggamot niya sa ulo ko, nilgyan rin niya ng benda para daw tumigil yung pagdudugo.

"A-ah Ano..." hindi ko matuloy tuloy yung sasabihin ko sa pagka-awkward. Magtapat ba naman sayo yung tao tapos hindi mo alam yung sasabihin mo eh, shunga ever ka talaga Xiea!!

"Ihatid na kita sainyo," ngumiti ulit siya saakin, yung ngiti niya, kung dati kulang na lang malaglag ang panty ko sa ngiti niya ngayon parang nagi-guilty ako.

"A-ano wag na kasi baka ano.." puro ka ano Xiea! ano bang nangyayari sayong babaita ka?! Speechless? haba ng hair mo ah!

I heard him sigh, parang ang bigat bigat ng dala dala niya...alin ang mabigat? --Ano ba namang pagiisip meron ka Xiea! kinakausap mo na nga sarili mo kung anu ano pang kaberdehan at kalokohan ang iniisip mo!

"Sige..." hinatid naman niya ako hanggang sa gate ng bahay niya.

Bago ako lumabas na ng tuluyan sa gate humawak siya sa braso ko kaya napatigil ako at tumingin sakanya "Hindi kita mina-madali sa Desisyon mo Louise dahil alam kong naging close na rin kayo kahit sa sandaling panahon lang. Pero sana Louise pag-isipan mo"

nagulat ako nang biglang yakapin niya ako at suklayin ng kamay niya ang buhok ko "Tandaan mo Louise pag kailangan mo ng tulong o kailangan mo ng kasama lagi lang akong nandito para sayo," hindi ako makapag react sa ginagawa niya, ano ba to? guilty? awa? or Love? ang gulo gulo na ah!

Unti unti niya akong hinalikan sa noo saka ako pinakawalan sa pagkaka hug niya sakin, once again ngumiti siya sakin "S-sige aalis na ako..."

tumalikod na ako at nagsimulang maglakad, napamilyar ako sa lugar dahil malapit lang ang bahay namin dito, magkavillage lang kami diba? So, kaya ko na tong lakarin.

habang naglalakad ako kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko...

Ako ba talaga yung tinutukoy ni Zui? Bakit akala ko little sister lang ang turing niya sakin? Kung nagtapat ba ng maaga si Zui kami na matagal na at hindi na ako nakasal kay Dex? Bakit ganun si Dex kanina? Ano tong nararamdaman ko sakanilang dalawa?

My Under Husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon