#65: Tour (1)

6.2K 131 15
                                    

#65: Tour 1

"Ya! Ano bang tinutunga-tunganga mo d'yan?"

"H-Ha?"

Huminga sya ng malalim saka tumingin sa'kin ng may pagka-dismaya "Kanina ka pa tulala eh~"

Napabuntong hininga ako. "I'm sorry." huminga ako ng malalim at kinamot ng madiin ang anit ko. Buisit na school yan!

Sino ba namang hindi maiinis? Bakit kasi may seating arrangement pa yang sasakay na nga lang sa eroplano? At worst? Isang studyante sa school namin ang ka-seatmate ni Xiea. Mukha pa namang hindi mapagkakatiwalaan ang katabi nya. Tss.

"Bakit ka ba naiinis dun? Para naman akong re-rape-in nun kung magalit ka," yun nga eh.

"Alam mo Xiea, ayaw lang niyang may ibang umaaligid sa'yo, 'diba Phoenix?" biglang akbay naman sa'kin ni Kevin, siniko ko nga."Aray naman! Ang brutal mo dude ah"

"Tss" ah basta! Subukan lang niya manyakin si Xiea at mukha niya ang isasalaksak ko sa inidoro nang matauhan sya.

"Ang possesive mo masyado Phoenix," lumapit pa ng kaunti sa'kin si Kiefer at bumulong. "Malapit ako sa upuan ni Xiea mababantayan ko siya."

"Hoy ano yang bulong bulong na yan?" singit ni Luxielle. "Ano 'to Broxbro? Kadiri kayo ah."

"Wag ka nga~" sagot pabalik ni Kiefer.

"Anong wag ako? Gumaganyan ka na ngayon?" nakapamewang na sabi ni Xii.

"Sabi ko nga tatahimik na ako eh,"

"Under," nakangising sabi ko.

"Nagsalita ang hindi under!" bulalas naman ni Kaizer.

"Bunganga mo uy! nasa airport tayo para tayong mga nasa bahay lang,"

natahimik silang lahat sa sita ni Sandra.

"Nga pala, maiba tayo, asan na? Bakit di pa tayo pinasasakay?" tanong ni Xiea. Aba ayos.

"Gusto mo na makatabi yung panget na yon?!"

"Hindi! May sinabi ba ako?!"

"Eh bakit ang atat mo?!"

"Eh bakit sinisigawan mo ako?!"

Natahimik ako. "Sabong na yan!" bulalas ni kiefer kaya binatukan ko, hinampas naman ako ni Xii at naglambingan ang dalawa -_- tss.

"Within 10 minutes dadating na yun, wag kayong atat mamaya hiwa-hiwalay na tayo," nakatingin sa wristwatch na sabi ni Sandra.

My Under Husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon