Intro for the final chapters

5.6K 115 5
                                    

3rd Person's POV:

Xiea...

"Phoenix, nakuha na namin yung impormasyon tungkol sa tatlong pinapahanap mo," inabot ng isa sa miyembro ng black gate ang mga papeles na kanina pa hinihintay ni Phoenix. Ito lang naman kasi ang pinunta niya sa ngayon.

Malaki ang pasasalamat niya sa black gate society dahil sa bukal sa pusong pagtulong nito sakanya, hindi naman ito alintana ng black gate dahil malaki na ang natulong niya sa mga ito lalo na sa namumuno talaga dito, ngayon lang humingi ng tulong si Phoenix sakanila at natutuwa pa silang sakanila lumapit si Phoenix sa panahong kailangan niya ng tulong.

"Salamat," iwinagayway pa ni Phoenix ito habang papalayo na nakatingin sa nagbigay, sumaludo silang dalawa sa isa't isa at tuluyan ng naglakad palayo si Phoenix.

Pagkarating sa bahay ng magulang ni Xiea ay pinilit niyang umaktong parang walang problema, alam niya namang hindi siya magaling umacting pero sinusubukan niya ang makakakaya niyang hindi maghinala si Xiea.

Maghinala sa lahat ng nalalaman niya sa nakaraan nito.

"Hey yow, ba't ang tagal mo?" pabirong salubong ni Xiea sakanya at niyakap siya nito ng mahigpit, niyakap nya rin ito pabalik. "Uwi na ba tayo?" tumingala ng kaunti si Xiea sakanya at tumango naman si Dex.

"Ang sweet~ kinikilig naman ako, harhar," kinikilig na sabat ng kapatid ni Xiea habang nakadaop pa ang mga palad na parang nagdedaydream. "Eonnie, dalasan mo naman dito, ang boring kaya," napapout pa ito habang sinasabi yun.

"Hmm, sige try ko. Ah pakisabi pala kila eomma aalis na kami. Babush Xaia!" hinatak ni Xiea si Dex papunta sa sasakyan na parang sya pa excited umuwi, hinayaan nalang 'to ni Dex dahil na rin sa malalim ang kanyang iniisip.

Bigla bigla nalang ay nagring ang phone ni Dex kaya napahinto sya. "Sagutin ko lang saglit to ah" nakangiting sabi ni Dex at tumango naman si Xiea. Lumayo layo siya saglit dahil si Kiefer ang tumatawag.

"Dex. Mag-iingat na kayo, malapit lang sila," bungad agad ni Kiefer nang pagkasagot niya.

"Nasan sila?"

"Si Sanji, alam na nya... lahat lahat,"

"Anong ibig mo sabihin?" kinakabahan si Dex sa narinig niya, hindi pwede iyon, natatakot siyang baka alam na ni Sanji ang isang bagay na hindi pa alam ni Ailee at Trixie, isang impormasyon na dati ay totoo ngunit binaon na nya sa limot.

Tinanaw niya pasimple si Xiea sa kinaroroonan nito, inosente itong naghihintay sa tabi ng kotse nila na parang walang kamuwang muwang. Inalis nya saglit ito sa kanyang paningin at nagfocus sa sinasabi ni Kiefer.

"Dex..." huminto ito saglit na parang ayaw pa niyang sabihin, pero ilang saglit lang nang magsalita ulit sya. "Alam na ni Sanji, ang tungkol arrange marriage, at sa hidden agenda ng parents mo,"

"Hindi... hindi pwede to,"

kasabay ng pagkabitaw ni Dex sa kanyang cellphone ay isang malakas na sigaw na tinatawag siya ang umalingawngaw sa lugar kung nasaan siya...

"Deeeeex!!!"

*to be continued*

-------------------------------------

Lime's note:

this is a very short update. Intro for the last final parts, kayo na pong bahala kung itutuloy niyo pa pagbabasa, and I don't know kung papasa sa taste niyo ang magiging ending nito.

about po pala sa sobrang tagal na hindi ko pag a update sorry po, im really sorry, i really want to update yet I'm doubting na baka ma-OA-yan parin kayo, if I can't reach your expectations, isa pa po, this past 3 days something went wrong na hindi ko mabuksan account ko yun pala may naghack na, buti na lang nabawi ko, sorry rin dahil ang ikli nito, like what I said this is an intro; I hope you guys understand.

ps. If hindi na po kayo nagagandahan, pwede niyo na pong hindi basahin, lalo lang po kasing nakakadepress yung nagrereklamo pwede naman po akong kausapin ng maayos.

My Under Husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon