#37:Xiiefer

8.8K 152 8
                                    

[Mini note:Spotlight muna for other characters.]

#37:Xiiefer

Kiefer's POV:

Hindi niya ako naiintindihan =_=

hanggang kelan ba ako magbibigay ng clue para maalala nya? Kunsabagay, sa tinagal-tagal ba naman nun maaalala pa ba ako ni Xii? Parang si Phoenix lang eh, hindi na kami maalala.

I let out a deep sigh. Tumingin ako sa itaas habang nakasandal ang ulo sa isa sa mga bench dito sa field. Ang gara rin ng school na to eh, pinagmukhang park ang field.

Naramdaman kong may tumabi sakin kaya napalingon ako, si Kaizer pala.

"Badtrip," sabi niya habang magkasalubong ang kilay at parang papatay ng tao. Napaayos ako ng upo at tiningnan siya

"Ano nanamang problema mo?" tanong ko sakanya na parang naiirita pero hindi naman ako naiirita, ganito na talaga ako, alam na nila yan.

"Si Coleen, bumalik na," kaya naman pala eh. Hindi na ako magtataka kung bakit ganyan ang mukha niya.

Kung kami ni Phoenix mahal namin ang isa't isa---este mahal namin ang childhood sweethearts namin. Pwes, si Kaizer kabaligtaran. Ano ba yang iniisip ko, kinikilabutan ako =_=

"Tara ipasalvage na natin," pagaaya ko sakanya with a serious tone, pero nagbibiro lang ako ha.

"G*go, anong ipasalvage? Siraulo ka ba?" akala ko pa naman papayag siya "pag pinasalvage mo yun, mabubuhay at mabubuhay pa rin yun, masamang damo yun eh" poker face niyang sabi. Akala ko nag-aalala pa siya dun.

Mukhang manika....Annabelle na naging Barbie dahil sa retoke. At paniguradong nababanas siya dahil gusto yan ng mga magulang niya para sakanya, naku baka ma-arrange marriage din tong g*gong to, wag na uy! sobrang cliche na ampupu.

"Kai-Kaiii~!!" lumingon ako dun sa biglang sumigaw dto sa field. Pati yung ibang nakatambay ngayon sa field napatingin, ang lakas ng boses eh.

Ayun, si Coleen nga. Nagparetoke nanaman ba to ng mata at lalong nagmukhang manika? tch. eww =_= buti pa si Xii natural ng mukhang manika.

Biglang dinamba ni Coleen si Kaizer kaya natumba sila. Muntimang talaga to kahit kelan, mas mataba ka sa dinamba mo Coleen!

"F^ck," narinig kong nagcuss ng mahina si Kaizer pero parang hindi narinig ni Coleen yun at sabay silang tumayo.

Fini-flirt ni Coleen si Kaizer pero si Kaizer nagroll lang ng eyes at walang magawa para ilayo itong babaeng to dahil siguradong magsusumbong to na inaaway niya. Yari siya sa dad niya pagnagkataon.

Tumayo na ako at naglakad palayo, nakasunod naman sakin si Kaizer pero nakakapit pa rin yung Coleen na yun sakanya. Nakasalubong naman namin sa corridor si Dex at Kevin, at may nakakapit na mga monggoloid sakanila, tatlo pa kay Kevin.

Ano to? Pinagpapalit na niya yung Sandra? Ang bilis ha.

Nagulat na lang ako nang lumipat yung isa sakin at yung isa kay Kaizer kaso nagalit si Coleen.

"Hey! Don't touch my boyfriend, flirt!" galit na sabi ni Coleen. Boyfriend? XD wtf?!

lumipat rin sakin ulit yung isa kaya dalawa na sila, tinanggal ko sila sa pagkakahawak sakin at bubulyawan na sana kaso lumapit sakin si Phoenix at bumulong.

"It's Showtime," narinig ko palang yung sinabi niya na-gets ko na.

So, pati ako idadamay nila? Pati si Kevin nakisama? Wow ha.

...

Pero in the end hindi rin ako nakaangal kaya dumiretso na kami ng cafeteria ng may mga lintang nakakapit samin. Oo nga naman, bakit hindi namin gamitin tong mga to para magka-aminan na? tutal sila naman ang lumalapit hindi kami.

My Under Husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon