2 | His playful smile

30.3K 617 14
  • Dedicated kay Jushley Mangussad
                                    



"Kaninong condo 'to?" tanong ko agad pagkapasok sa condo unit.

"Mine.." tipid na sagot niya.

Nang makapasok na kami sa sala ay tumingin siya sa wrist watch niya. Seryoso ang kanyang mukha at parang medyo kinakabahan. Napakunot ang noo ko, bakit naman siya kakabahan kung siya ang may idea nito? Natakot kaya siya bigla sa mga tauhan ni daddy?

"I'm giving you one hour to decide. I'll just take a shower," Aniya. Naka poker face lang siya saka dumirediretso sa comfort room.

Umupo na lang muna ako sa sofa at tiningnan ang paligid. Ang linis ng condo unit niya, daig pa kwarto ko. Ang lakas maka-aesthetic ng paligid, black and white ang interior nito at ultimo pagkaka salansan ng magazine at news paper sa ilalim ng coffee table kahit medyo messy ay parang ang cool tignan. Eh kamusta naman kaya ang kwarto ko? makalat kasi talaga kwarto ko kulang na lang daigin ang dinaanan ng bagyo at tsunami.

I sighed. Jusq, papayag ba ako o hindi?

Inee minee na lang kaya?
Ay hindi... uhhmm maputi-alis? ay ang panget magisa lang ako.
Toss coin? Nah.
Aha! Yung sa flowers nalang!

Kinuha ko yung isang flower dun sa may terrace at ginawa ko na yung choices ko. Parang yung she loves me she love me not na laro? Pero imbes na yun yung sasabihin ay binago ko.

"Sasama- hindi- sasama- hindi- sasama- hindi- sasa----OMYGOD!" Napasinghap ako saka napa-lakas ang boses. Sasama ako sakanya? Ayoko! Pero ayoko rin sumama sa taong di ko pwede i-divorce pag panget, atleast si kuya gwapo-- teka di ko pa pala alam name niya?

"Fvck, bakit ka sumisigaw?" Biglang sulpot niya sa harapan ko ng hinihingal. Napatingin ako sa katawan niya. May sabon sabon pa siya, basang basa pa at nakatapis lang--

OMYGOD NAGKAKASALA AKO! My virgin eyes!

"OMYGAD!" Nang marealize kong half naked siya ay bigla akong napatakip ng kamay sa aking buong mukha. Sisigaw pa sana ako ng my virgin eyes kaso naalala ko na ang dami nga palang k-actor at k-idol sa cellphone ko na half naked. Feelingera ka masyado, Xiea, virgin eyes your face.

"Wag ka nga sumigaw, para naman akong nakahubad kung takpan mo yang mata mo," seryoso niyang sabi saka ko narinig ang yapak niya papalayo at click ng pinto na sumara, bumalik na siguro siya sa cr.

Grabe naman kasi, bakit bigla siyang lalabas ng naka ganun? Ano ba siya, model ng Bench? Model ng kaning tutong kamo. Hmp.

Kinalma ko na lang ang sarili ko at umayos ng upo. I sighed. Tama ba 'tong gagawin ko? Magpapakasal ako sakanya? Pero infernes gwapo siya ha, hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. Eh kasi naman napakabilis ng mga pangyayari. Err gulong gulo na ako ng bonggang-bongga.

"Hoy babae," napatingin ako sa direksyon nya. Tinaasan ko siya ng kilay habang naka dekwatro saka ko siya tinignan mula ulo hanggang paa. Naka polo na ang loko, ayos na ayos siya na parang sasabak na sa gyera- este sa kasalan. Alam na ba niya ang desisyon ko kaya ganyan ang porma niya? Tsaka ngayon ba kami agad ikakasal para 'di sayang outfit ko? Pero wala na akong make-up. Hays, 'di bale maganda pa rin ako kahit wala yun. Haha! "Nababaliw ka na ba? Bakit ka tumatawa?"

"Bakit?" Tanong ko pabalik sakanya. Ginaya ko yung tono ng pananalita niya na ikinakunot ng noo niya.

"Nakapagdesisyon ka na ba?" Seryosong tanong niya muli na ikinaseryoso rin ng mukha ko.

"Wait... ano muna name mo? Di ko natanong sumama na ako sayo," tanong ko pabalik sakanya. Kanina pa kami nagtatanungan pabalik balik at parang hindi naman niya napapansin.

My Under Husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon