Sorry sa napaka-late na update. Naging super busy lang, literally BUSY. -____- Ka-stress talaga!
***
-Hana's POV-
FINALLY! Nakabalik din kami sa pilipinas.
It feels good to be home~! uwaaaaaaaaaaahh!
At dahil nga dakilang busy si Shin, nagpaiwan siya dun sa Korea. T__T
Bukas pa daw ang uwi niya kaya heto ako, loner ang drama sa bahay. Haaaaay, ang laki laki nitong bahay pero bakit parang ako lang ang nandito? I mean, exclude the maids and butler.
Ang lungkot, miss ko na si Mama...
Si Mama??
TING! *sabay litaw ng isang light bulb na pundido na.*
"Young mistress, saan po kayo pupunta? Hindi po kayo pwedeng umalis ng hindi kami kasama!"Sabi nung isang bodyguard ko.
"Chill lang kayo, day off niyo ngayon. Wag kayong mag-alala, pupunta lang ako sa Mama ko."
"Ihahatid na po namin kayo."
"Wag na, sasakay nalang ako ng jeep at tricycle. Day off niyo nga diba?"
"Pero young mistress, mapapagalitan kami ni young master. Ayaw po naming mawalan ng trabaho."
"Akong bahala dun kay Shin. Basta day off niyo ngayon, sige babyeeee!!!"Sabay takbo ng mabilis. Baka habulin pa ko eh. XD
Sa village namin~
"Ate Hanaaaaaaaaaa!"Sigaw nung Rae, na anak ng kapitbahay namin.
"uy, kamusta ka na Rae? Ang tangkad mo na! Tumangkad ka ng 1 inch!!!"
"Ate Hana naman eh!!"
"Haha, joke lang. Eto naman di mabiro."
"Asus, ikaw nga eh lalo kang tumaba."Sabi niya sabay takbo.
"HOY RAE! BUMALIK KA DITO! HOOOOOOOOOY! HALIKA DITO AT NANG MAPEKTUSAN KITA! HOY!"
Adik na bata yon, di naman ako tumaba eh! >3< Hindi lang nila alam ang pinagkaiba ng payat,sexy at mataba.
Kumatok ako sa pintuan ng bahay ko noon since wala kaming doorbell.
"MAMAAAAAAAAAAAAAAAAAAA~!"Sabi ko pagkabukas ng pinto. Agad ko namang niyakap si Mama.
"O Hana, anak, akala ko nasa Korea ka?"
"Kakauwi ko lang kanina. *U*"
"Eh si son-in-law?"
"Nasa Korea pa, as usual, busy."
Naupo ako sa sofa.
"Nako naman Ma, ang kalat!"Grabe, nagkalat ang papel, pagkain at kung ano ano pang unidentified objects. Grabe, bumagyo ata dito sa bahay.
"Naglaro kasi kanina si Rae at si Yanyan(anak ni Mama sa bago niyang asawa) pero after nun natulog na din siya nung pinauwi ko si Rae."
Pinulot ko ung mga balat ng papel at naglinis. Grabe, nakakamiss din pala maglinis. -__- Di ko inaasahan na sasabihin ko un, dahil siguro ang mga maid ang naglilinis dun sa bahay este mansion pala namin.
Sabagay, mamatay ata ako kakalinis dun sa laki ba naman nun.
"Ang kalat talaga ng mga bata."Kinuha ko ung walis tambo at nagwalis.
"Aysus, parang hindi ka dumaan ng pagkabata. Ay mali, bata ka pa pala."-Mama sabay tawa.
Ung totoo? Lahat ba ng tao gustong pinagtitripan ako?
"Ma!"
"Joke lang! ^__^v"
"Eh kelan niyo ba balak magka-anak ni son-in-law ha?"Dagdag niya.
Nanigas naman ako dun sa tanong na un. Anak ng tokwa, parang bumalik tayo sa dati ah?
"Wala pa sa isip namin yan Ma, at busy din si Shin."
"Pwede naman siya dun mag-leave diba kasi pinapatakbo din un ng kapatid niya."
"Si Shin naman ang successor."
"Kahit na ba. Kailangan niya ng time for you eh. You're his wife."
Napaupo ako bigla sa sofa.
"Pero kasi Ma eh... alam mo namang di ganun kadali un. Ung process palang... Err.... di ko na maimagine."
"Anak, pagdadaanan at pagdadaanan mo din yan. Ikaw din, baka iwan ka din ni Shin kasi ayaw mo siya bigyan ng anak."
"Eww ka talaga ma, ba't ba kayo ang nagmamadali at hindi kami?At di ako iiwan nun noh. Yun pa eh parang ngang linta yun kung makadikit."=_____=
"Excited lang ako magka-apo siyempre! *U*"
"Edi maghanap kayo ng ibang apo, problema ba yun?"
"Hana, payong magulang lang, mas masaya ang buhay na may anak ka kesa sa kayong dalawa lang ng asawa mo."
***
Sabaw na update. xD Hahahaha!!
My Kpop Story, pabasa (Gawa yan ng kaibigan ko! *__*) --->>> http://www.wattpad.com/story/1582834-my-kpop-story-ongoing-my-korean-world