-Hana's POV-
Parang tumigil sa pagtibok 'yung puso ko nung makarinig ako ng putok ng baril. Napapikit nalang kasi ako sa takot habang hawak hawak yung parte ng tiyan ko.
The next thing I knew, nakarinig na ko ng sunod sunod na putok ng baril at napadapa nalang ako sa may sahig. Hindi ko alam kung natamaan na ba ako or ano dahil feeling ko namanhid na 'yung buong katawan ko.
Lalo namang umingay 'yung paligid at bago ko pa mabuksan ulit 'yung mga mata ko, nakaramdam ako na may yumapos sa akin. Unti-unti ko namang binuksan ang mata ko pero tila nanlabo ang paningin ko saka ako nawalan ng malay.
Shin...
"M-Mabi..." Narinig kong may nagsalita at boses ito ng isang bata. Napamulat ako ng mga mata at parang nasa gitna ako ng isang kagubatan.
"Nasaan ako...?" Sambit ko sa sarili ko. Tumayo ako at naglakad papunta doon sa pinanggagalingan ng boses hanggang sa makakita ako ng tabing-dagat.
"My precious daughter... always remember that mommy and daddy loves you sooooo much." Wika ng isang babae habang buhat buhat niya ang isang batang babae. Nakaramdam naman ako na parang pamilyar sa 'kin ang lahat ng 'to. Na parang nangyari na 'to lahat dati.
"Always... no matter where you are, no matter where we are, we'll always protect you..." Saka niya hinalikan sa noo 'yung batang babae at niyakap.
"I.. I l-love.... mabi! babi!" (translation: mommy, daddy)
Pagkurap ko, lalo namang gumulo ang lahat kasi biglang nagbago ang paligid ko at puro puti nalang ang nakikita ko. Napalingon ako nung may tumawag sa pangalan ko.
"Hana..." Boses ito ng isang lalaki at isang babae.
Lumingon ako at may nakitang dalawang tao na magkatabi at nakatayo. Hindi ko maaninag ang mga mukha nila dala na rin na hindi sila malapit sa akin pero malinaw kong naririnig ang mga boses nila.
"It's not your time yet, Hana." Sabi nung babae.
Naguluhan naman ako. "We love you, my precious daughter. We'll always watch over you,..."
"Hana...."
uh.... teka, b-bakit bigla silang nawala? N-Nasaan na sila?
"Hana...! Ha---"
Bakit ganoon, parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko nung nakita ko sila?
"Hana! Hana!"
Awtomatikong napamulat ako nung naramdaman kong may yumugyog sa balikat ko at nagulat ako nung makita ko ang mukha ni Shin at ng iba pang taong hindi ko kilala.
"S-Shin?" Napa-exhale naman ng mabigat si Shin matapos kong sambitin ang pangalan niya at agad akong niyakap. Hindi pa nagp-process ng maayos ang utak ko kaya gulong-gulo pa ko sa nangyayari.
"I.... I thought I lost you." Rinig kong sabi niya. Lalo naman niyang hinigpitan ang yakap. "... I almost lost you. My God, hindi ko alam kung ang gagawin ko nung bigla kang tumigil sa paghinga. H-hindi pa ko handa, huwag mo kong iwan Hana... ikamamatay ko talaga kapag bigla mo kong iniwan." Sambit niya.
Doon ko naman tuluyang naintindihan ang mga sinabi niya.
Shaleen. Akito. Bata....
"Shin... Shin yung anak natin?!" Napakalas agad ako sa yakap niya nung naalala ko yung bata na nasa sinapupunan ko. "O-okay lang ba siya?!"
"The baby's fine, Hana. He or she is fine..." Malumanay niyang sabi saka niya hinaplos ang buhok ko. Tuluyan naman akong napaiyak nung narinig ko 'yun.
"T-thank god... akala ko... akala ko...."
"shhh...." Muli naman akong niyakap ni Shin.
Matapos ang insidenteng iyon, napag-alaman kong nasa bilangguan na si Akito ngayon at si Shaleen naman... nakipagpalitan ng putok sa mga pulis kaya naman pinaputukan din siya nung mga pulis na ikinamatay niya.
Hindi ko ginusto lahat ng nangyari sa kanilang dalawa. Pero hindi ko maiwasang magalit tuwing naalala kong nilagay nila sa piligro ang buhay namin... ng anak ko.
Isang linggo din akong nanatili sa ospital dahil pinatingnan din ako sa psychologist dahil sa shock at trauma sa mga nangyari. Pinayagan naman nila akong manatili nalang sa bahay kasama ang mga bata at pansamantalang titira muna si Coleen sa bahay namin para samahan ako.
"Kamusta na daw si Jop?" Tanong ko kay Coleen habang pinapanood namin na naglalaro ng stuff toy yung kambal.
"Nagising na siya nung isang araw at binabantayan ngayon ni Sulli. Pero baka matagalan pa bago siya makalabas kasi madami siyang natamong sugat at pilay." Wika ni Coleen.
Nakaramdam naman ako ng guilt tuwing naaalala ko na ako ang dahilan kung bakit nagkaganoon si Jop. Para bang ako ang sanhi ng lahat ng nangyayaring 'to.
Ipinatong naman ni Coleen ang isang kamay niya sa kamay ko at nagsalita, "Wala kang kasalanan Hana, hindi natin ginusto lahat ng nangyari."
Pinilit ko nalang ngumiti doon sa sinabi niya. "Alam ko, Coleen. Thank you talaga dahil nandito ka sa bahay para samahan ako, kami ng mga bata."
"Ano ka ba naman, magbetfriends tayo. Soul sisters pa nga eh! Kaya yakang yaka lang 'to, keri lang. O' hala tumigil na tayo bago tuluyang maging drama 'to, inumin mo muna 'tong gatas o'."
"We'll always protect you,..."
Napalingon ako sa may likod ko nung marinig ko iyon. Ang boses na iyon.
Pero sa paglingon ko, wala akong nakita kung hindi ang bintana at ang kurtina na dinadala ng hangin.
***
AUTHOR'S NOTE:
SUPEEEEEEEEEER SORRY sa supeeeeeeeeer delayed update. Napa-hiatus kasi ako dahil you know, school stuff.. and other things. Anyways, I'm back and hindi na rin ako mental block sa story sa wakas. HAHAHAHAHA.