Chapter 38 [ Final Chapter ]

13.6K 236 15
                                    

AUTHOR'S NOTE:

HEP! Wala munang magr-react. Ako muna. Haha. 

Yes, hindi kayo naduduling or naghahallucinate. Final Chapter na po talaga ito. *cries at the corner* BUUUUT there's moooore :D Meron pa 'yang EPILOGUE of course hahaha, then I'll post some Special Chapters~ pwedeng #Shinna #SuJo or any tandem na lalabas sa utak ko hahahaha. 

***

-Hana's POV-

Six years later...

"Mommy, Boohoo doesn't want to play with meeee!" (Laureen)

"Mommy, how do I write a love letter?" (Krystal)

"Ah, so loud." (Kristopher)

Hindi ko alam kung matatawa ba ko or maiiyak sa sitwasyon na 'to. Ilang beses na ba nangyari 'to?

Saturday kasi ngayon at walang pasok ang mga bata. Well, bukas kasi aalis kami dahil family day nga so today kailangan nila gawin 'yung mga homeworks at projects nila. Kaso nga lang, ang aga-aga natapos ng mga batang 'to ang mga assignments nila at ngayon ay kung ano-anong pampalipas oras nalang ang ginagawa.

"Yaya Mel, pakuha naman po kami ng popcorn and cookies please. Thank you po." Pakiusap ko doon sa yaya ni Laureen. Agad naman siyang umalis at pumunta sa kusina. 

Nilapitan ko naman 'yung mga bata na lahat nakatambay sa sala ngayon.

"Laureen, Boohoo has to rest kaya he won't play with you ngayon. Play with your Kuya nalang ha, guluhin mo siya." Sabi ko kay Laureen. Nagliwanag naman ang mukha niya at nilagay si Boohoo(aso niya na niregalo sa kanya ni Hyun Oppa nung birthday niya last year) sa bed basket nito. 

Narinig ko naman na nagreklamo si Kristopher nung narinig niya yung sinabi ko pero no choice siya kasi tumakbo na si Laureen papunta sa kanya at ginugulo na siya ngayon.

"Mom, you're mean!" Rinig kong sabi ni Kristopher.

"Love ka rin ni Mommy, Kristopher. Mwah!" Pang-aasar ko.

Well, six years na nga ang lumipas at 10 years old na yung kambal at five years old na si Laureen. After all those home tutoring ng Filipino language, nakakapagtagalog na 'yung kambal pero dahil nga first language nila ang english ay most of the time ay nage-english sila. Pero nakakaintindi at nakakapagsalita na sila ng Filipino.

"At Krystal," Nilingon ko naman siya na nasa table kung saan may nakakalat na papers na crumpled at stationary. Ang itsura niya naman ay mukhang dala niya ang problema ng buong mundo. "What's this about writing a love letter?" Tinabihan ko naman siya.

"Love letter, letter for someone you like. Duh." Sabi ni Krystal. Agad ko naman siyang pinarusahan at pinisil ang pisngi niya dahil sa sinabi niya. 

Tsk tsk tsk, bakit patagal ng patagal nagiging kaugali ng kambal si Shin? Masusungit at matataray eh!

"Siyempre alam ko 'yon eh bakit nga?" Nakita ko namang lumibot pa yung mata niya sa ibang lugar bago nakasagot. 

|COMPLETED|Public Vs. Private: Hana and Shin's Married Life (FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon