Chapter 24.1

21K 280 51
                                    

MHISSY: Ang hirap pala maging graduating student. Ang daming gagawin, rushed pa ang lessons. Saan ka pa hindi ba?  Jusmiyo, major author's block ang dinaranas ko talaga ngayon. XD Bwahaha, bara-bara lang ang pag-ttype ko nito kaya baka i-delete ko din ito. XD 

Haha, hindi ko sure, malay mo i-delete ko or not. :) 

***

-Hana's POV-

Katulad naman ng ibang mag-asawa, gustong-gusto nila magka-anak.

Pero mayroong ibang mag-asawa na kahit anong gawin nila, hindi sila nabibiyayaan ng anak. 

Pero tingnan mo naman kami? 

Hindi pa namin iniisip ang mga bagay na iyon, naging instant mommy at daddy na kami. 

"Sure ka diyan, Hana?"(Sheina) Hinampas naman siya ni Abigail.

"Ayaw mo nun, instant ninang na tayo?" Sabi naman ni Abigail.

"Sabagay! O' edi go nalang pala!^____^" (Sheina)

"Maghahanap na pala ako ng mapagtataguan sa Christmas at New Year.>__> "(Dianne)

"Gusto ko ng frappe. TT__TT NEIL!" (Kim)

=___________= Napakatitino talaga nilang mga kaibigan.

"O' ano nga, itutuloy niyo ba 'yung adoption papers nung dalawa?" Tanong ni Coleen.

Tiningnan ko naman siya. "Sabi ni Shin, baka ituloy na namin ang pagkupkop kina Kristopher at Krystal."

"Edi good! Tita na ko! finally~!" Masayang halakhak ni Sulli. 

"Pero next time, totoong pamangkin naman ah? 'Yung blood related na." Pabirong sabi ni Janine sa akin. Siniko ko naman siya. >//< ANUBEY.

Tinawanan naman nila ako. HAAAAY, hindi ko alam pero parang kinakabahan yata ako. 

Hindi ko alam kung magiging mabuting mommy ba ako!

***

Busy ako sa pag-aayos ng mga damit ni Shin ngayon dahil nung naglalaro kasi silang tatlo nung mga bata, kung saan-saan na napadpad ang mga damit namin. Kaya ayun, maid lang ang drama ko ngayon.

Buti na nga lang at sumama sila kay Coleen para bantayan kasi hindi ko alam kung masisimulan ko ba ang paglilinis kung nandito sila. 

"Pahinga ka na?" Bigla namang may yumakap sa akin mula sa likod na ikinagulat ko. Paglingon ko naman, bumungad sa akin si Shin na bagong ligo. *sniff* ay grabe, ang bango ng asawa ko!

"Matatapos ko na 'to, teka lang." Saka ko nilagay ang huling set ng polo niya sa loob ng closet. Hinarap ko naman siya pero hindi niya inalis ang pagkakakapit niya sa beywang ko. >//<

|COMPLETED|Public Vs. Private: Hana and Shin's Married Life (FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon