-Hana's POV-
"Hana Stella Kano, tabachoy ko, will you make the happiest man on earth and marry me?"
'Yan ang isa sa mga katagang hinding-hindi ko makakalimutan kahit kailan. It was when Shin proposed to me.
I could clearly remember everthing that happened that day.
Parang isang bagyo na hindi mo ine-expect na bigla nalang matutunaw bago matapos ang araw.
Naaalala ko pa na nag-away pa kami ni Shin nung kinaumagahan nun dahil sa isang pesteng regalo para sana kay Hyun Oppa na magb-birthday na bukas.
It was actually a date at the same time pero dahil nga medyo nagkatampuhan ayon, dapat talaga uuwi nalang ako kaso nagulat ako nung bigla na namang dumating ung mga men in black slash mga bodyguards ni Shin at kinidnap na naman ako.
Nagulat naman ako nung dinala nila ako sa isang island somewhere na hindi ko alam at nakita ko nalang si Shin doon sa may tabing gubat na nakangiti lang habang nakatingin sa'kin. Isama mo pa ung background niya na malapit ng mag-sunset shems, ang hot lang.
So ayon, nag-apologize kami sa isa't isa at nagtampisaw sa tubig hanggang sa nagulat nalang ako nung bigla siyang lumuhod sa harapan ko habang nasa gitna kami ng paglalaro sa tabing-dagat.
Well, I didn't hesitate in answering him, "Yes, I will." after that. Because at that moment, I just want him with me by my side forever, coz' we'll be making our own forever.
Kasi andoon na yung feeling mo na ayaw mo na talaga siyang pakawalan at alam mong handa ka ng makasama siya for the rest of your life.
I was 24 when we got married and I'm happy being with him. Hindi sapat ang mga salitang ito para ma-express lahat ng kasiyahan ko everytime na kasama ko siya.
I'm really proud that I became Hana Stella Chul.
And now we have our adopted twins whom we treat like our very own daughter and son, Kristopher and Krystal and the fruit of our love, our daughter Laureen.
"Hey Mom," Napatigil ako sa pagbabasa nung narinig kong kumatok at pumasok sa loob si Kristopher.
"Hmm, bakit anak?"
"Dad's already here. Laureen's done dressing up and Krystal texted that she'll be waiting for us there. Ikaw nalang po hinihintay namin." Sabi niya. Nginitian ko naman siya saka ko kinuha yung bag ko.
"Oh, sorry. Sige, hintayin ninyo nalang ako sa baba." Sabi ko saka naman bumaba si Kristopher. Inayos ko naman 'yung sarili ko.
Maya-maya ay bumaba na din ako at nakita si Shin at ang mga anak ko sa loob ng sasakyan. Hinalikan ko naman si Shin sa pisngi pagpasok ko sa kotse. Napatingin naman ako sa rear view mirror saka ko nakita si Kristopher na nakikinig sa music at si Laureen na mukhang enjoy na enjoy sa pagkain ng macarons na ginawa niya.
Haaay. Ba't nga ba ang bilis ng panahon ano?